Chapter 2 : "The Secret Door" [Rose's POV]

1562 Words
Mas lalong lumakas ang paghikbi ko ng imbes na pakawalan ako ng lalaki ay mas hinigpitan pa niya ang pagkakasakal sa akin. Habol-habol ko na ang sarili kong hininga at punong-puno na ng luha ang aking mukha. We’re frozen in our spot, he’s behind me while I’m already bawling my eyes out. Hindi alam ni kuya ang gagawin at nahahalata ko ‘yon dahil nanigas ang kaniyang katawan. “Stop crying!” Mas lalo lang lumakas ang paghagulgol ko. Sino ba ang hindi maiiyak kung may bigla na lang magtutok sa’yo ng patalim? Dapat ba na imbes ma umiyak ako ay matumawa pa ako? “Pag hindi ka tumigil ibabaon ko ulit ‘to sa lalamunan mo,” Walang kabuhay-buhay na ani ng lalaki. Pagkakitang pagkakita ko pa lang sa maliit na kutsilyong nasa bakanteng kamay niya ay kusa ng natikom ang aking bibig upang pigilan sa pagkawala ang malalakas na hikbi. Pati ang mga luha ko ay parang umatras lalo na ng mapagmasdan ko ang iilang bahid ng dugo sa dulo ng blade. “Now, take me to that room!” Wala na akong na gawa kung hindi ang maglakad papunta sa kwartong sinasabi ko. Kahit pa na nanghihina na ang aking mga paa at nanginginig na ang aking mga tuhod ay nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa harap ng isang malaki at matandang closet. “Where’s the God damn room?” Naiinip na tanong sa akin ng lalaki. “Na-Nahaharangan siya n-nitong closet,” Kung hindi sarado ang distansya sa pagitan namin’g dalawa ay tiyak na hindi niya maririnig ang sinabi ko. “Tsk,” Humakbang palapit ang lalaki at balak ko na rin sanang umatras palayo sa kaniya ng agad siyang tumigil at muling nagsalita. “Stay there and don’t move,” Maawtoridad nitong asik. Napatango na lang ako bilang sagot dahil masyado na akong nanginginig sa takot para makapagsalita. Nang masigurado na ng lalaki na tatayo lang ako rito sa aking pwesto ay doon na siya lumapit sa closet. Napatigalgal ako at napaawang ang nangangatal kong labi ng sa wakas ay mapagmasdan ko na ang lalaking naglakas loob na pumasok dito sa bahay namin. Tama ako, he was tall and huge. Malaki ang katawan niya at hindi biro ‘yon dahil puro muscles ito! His biceps aren’t a joke, they’re full and plump with enough muscles and strength to knock me out. Kahit na dumampot ako ng kahoy dito sa tabi-tabi at ipang hampas sa kaniya ay paniguradong wala pa rin akong pag-asa na mapatumba siya. He’s gigantic… Mas malaki pa yata kay papa! Nakasuot siya ng kulay putting shirt na pansin kong nababahiran ng…dugo? Sinuri ko ng maigi ang lalaki at ng isandal niya ang kaliwang braso niya sa gilid ng closet upang maitulak ito ay hindi nakalagpas sa mga mata ko ang malaking hiwa na nanahan doon, ang daming pulang likido na lumalabas mula sa sugat at sigurado ako na kung hindi iyon magagamot ay mauubusan na siya ng dugo. “Na-Nasaksak ka ba?” Hindi makapaniwala kong tanong sa lalaki. Muntik ko ng masapok ang sarili ko. Malamang nasaksak siya! Bakit ba kailangan ko pang itanong kung obvious na?! Hindi niya ako pinansin, imbes ay nagpatuloy siya sa pagtulak sa closet hanggang sa bumungad sa amin ang maliit at lumang pinto na papunta sa sikretong kwarto ni lola. Humarap sa akin ang lalaki. Natigilan ako ng makita ko ang kaniyang mukha. “Ezra…” Habol ang hininga kong banggit sa pangalan nito. His ebony phoenix shaped eyes widened slightly when he heard his name being mentioned. Tila nagulat din ito na alam ko kung ano talaga ang pangalan niya. Sino ba ang hindi makakakilala sa higanteng ‘to eh halos lahat ng tao rito ay takot sa kaniya dahil sa pagiging brutal at basag ulo niya. Unti-unting bumaba ang tingin ko sa kanan’g braso ng lalaki at ng makita ko ang pamilyar na marka ng kalaban na gang nila Rike ay tuluyan na akong napaatras. Narinig ko na ang pangalan niya at naikwento na siya sa akin ni Rike. Minsan ko na rin siyang na sulyapan noong nagkagulo sa munisipyo at nagkaroon ng riot dahil hinuli ng mga pulis ang isa sa mga myembro ng gang nila. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ‘yon dahil muntikan na kaming maitsahan ni lola ng bote na meroon’g gaas. If it wasn’t for the tricycle driver who pulled us and help us to get out of that place? Siguro ay baka patay na kaming dalawa ni lola ngayon. Nagsalubong ang makakapal na kilay ni Ezra. Mas lumamig ang ekspresyon na naka paskil sa mukha niya ngayon kaya hindi ko maiwasang mapayakap sa aking sarili at mapangalit. “Dalhan mo ako ng first aid kit, tubig at pagkain. Dagdagan mo na rin ng benda at unan,” Utos niya sa akin. Nanatili naman akong tulala at hindi makapaniwala. Tila wala sa ulo ko ang utak ko ngayon dahil habang nakatitig ako sa kaakit-akit at perpektong mukha niya ay walang ibang pumapasok sa isip ko maliban sa rated 18 na movie na pinanonood ko kagabi. Parang walang hustisya na binigyan pa ng diyos ng gwapong mukha ang taong ito kahit na basag ulo ‘to. Akala ko dati ay namamalik mata lang ako, kasi siga siya at ang alam ko hindi naman ganoon kagwapuhan kapag laging napapaaway. Dahil palaging bugbog ang mga mukha nila pero itong isang ito… Tila isang anghel na bumagsak mula sa langit at nahulog dito sa lupa. Ang sarap magkasala kung ganito ka-gwapo naman ang magiging dahilan. “Naririnig mo ba ako?!” Biglang sigaw ni Ezra. Impit akong napasigaw ng walang ano-ano nitong hinablot ang collar ng suot kong damit. Masyadong wild. Ganito ba siya sa mga babaeng nakaka harap niya? “O baka talagang hindi ka natatakot sa’kin?” Dagdag pa nito habang mahigpit pa rin’g hawak-hawak ang collar ng aking damit. Nakakatakot. Mas nakakatakot pa siya kesa kay papa Patuloy na bumigat ang aking dibdib. Kahit na mahangin ay pakiramdam ko kinakapos ako ng hangin kung kaya’t sunod-sunod akong humigop ng malalalim na hininga. The sides of my vision started to darken and Ezra’s furious face began to blur. Gusto kong sumigaw at tumakbo palayo sa nakakatakot na lalaking ito ngunit hindi ko man lang magawang igalaw ang buong katawan ko sa sobrang takot. Nakita ko kung ano ang kaya niyang gawin at nalaman ko ang iba niyon kay Rike. Alam ko na kaya niya akong patayin at ayoko pang mamatay! Hindi pa ako nakakapagtapos at dapat mauna si lola dahil mas matanda siya kesa sa’akin! Lalong lumaki at bumuhos ang mga butil ng luha na tumutulo mula sa aking mga mata. Habang mas lalo naman’g nalukot ang perpektong mukha ng lalaking nasa harapan ko, humigpit ang pagkakalamukos niya sa piraso ng aking damit. Isa ito sa mga matitinong damit na natira sa closet ko, pero ngayon dahil sa higanteng nasa aking harapan ay mukhang isa na rin ito sa mga damit na mauuwi sa pagiging basahan. “Tsk. Wala akong mapapala sa’yo,” Inis na angil ng lalaki sabay tulak sa akin palayo sa kaniya. Sa sobrang lakas ng pagkakatulak sa akin ni Ezra ay napa-upo ako sa sahig. Tumama ang pwetan ko kaya napaagik ako at impit na napasigaw. Hindi porket puro buto at walang laman itong pwetan ko ay pwede na niya akong itulak kung saan-saan! Kahit buto ay nasasaktan din! Inis kong tinapunan ng tingin si Ezra bago ako padabog na tumayo at mabibigat ang yabag na lumakad palapit sa sofa na nandito sa sala. Marahas kong dinampot ang throw pillow atsaka ko ito initsa sa kaniya. “Hayan na yun’g unan mo!” Galit kong sigaw. Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki ng masalo niya ang unan. Puno ng pagtataka ang kaniyang mga mata ngunit nanatili naman’g tikom ang namumutla niyang labi. Sunod akong lumakad papunta sa maliit na closet na nasa tabi ng TV. Naghalungkat ako rito, sa sobrang dami nga ng mga kalat na nakalagay ay isa-isa ko pa itong inalis hanggang sa makita ko yun’g first aid kit na ilang taon ko ng tinatago. Sobrang dami ng alikabok na naka patong sa pinaka itaas nito kaya upang tanggalin iyon ay hinipan ko ito. Pwede pa naman yata itong gamitin? Nakabusangot kong tinapunan ng tingin si Ezra na hanggang ngayon ay hindi makapaniwalang nakatitig sa akin. Tsh. Padabog kong binuksan ang first aid kit at isa-isang pinagtitignan ang mga expiration date ng mga gamot. “Hindi pa expired ang mga ‘to,” Rinig ko ang mahinang pag-ubo ng lalaki. Kasalukuyan ko pang sinusuri ang mga gamot ng bigla na lang may humablot nito sa aking kamay. Tumingala ako dahilan upang magkasalubong ang mga mata namin ng lalaki. Mukhang bumalik na ito sa sarili dahil naka kunot na naman ang noo niya at naka simangot na naman siya na animo’y pinagsakluban ito ng langit at lupa. Padabog na lumakad si Ezra palapit sa sikretong kwarto ni lola. Akmang papasok na siya sa loob niyon ng bigla siyang tumigil at napa lingon sa akin. “Wala kang pagsasabihan na nandito ako,” Punong-puno ng awtoridad niyang asik sabay bato sa akin ng matalim na tingin. Napalunok ako ng laway dahil sa takot. “Maliwanag?” Wala naman na akong pagpipilian kaya… Tumango na lang ako’t siniguradong naka tikom ang aking bibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD