Chapter 3 : "The Mischief" [Rose's POV]

1710 Words
Lumipas na ang ilang oras pagkatapos pumasok ni Ezra sa sikretong kwarto. Nanatili akong naka-upo rito sa sala, tahimik at kabadong hinihintay ang pagdating ni lola. Malapit ng maghapon pero hindi pa rin umuuwi ang matandang ‘yon. Hindi ko alam kung naka limutan ni lola yun’g daan pauwi sa amin o sadyang nag-eenjoy lang siya sa party nila. Kung ano man sa dalawang ‘yon ang dahilan, sana ay hindi niya mapansin na meroon’g gangster na nagtatago sa sikretong kwarto niya. Kahit ilang oras na ang lumipas ay sobrang lakas pa rin ng t***k ng puso ko. Nanlalambot pa rin ang aking mga tuhod habang segu-segundong napapatingin sa pintong natatakpan na ng aparador. Buhay pa rin kaya yun’g lalaking ‘yon? If not, he can’t die here. Kami ni lola ang malilintikan sa oras na mamatay siya rito sa bahay namin. Muli kong kinagat ang mga kuko sa aking daliri. Kanina ko pa ginagawa ito kaya hindi na kataka-taka na halos upod na ang itaas nito. Sa takot ko na baka mapansin ni lola agad na may kakaiba rito sa bahay ay hindi na ako makaalis dito sa pwesto ko. Gusto ko naman kasi talagang magsumbong sa nakakataas. Ayokong madawit sa gulo ng mga gang dito pero takot din naman akong balikan ng mga myembro at mga kaibigan ni Ezra, kaya wala akong magawa. Labag man sa loob kong alagaan siya rito sa bahay ay wala akong magawa! Inis akong napasabunot sa aking buhok at impit na napasigaw. Balak ko pa sanang kagatin ulit ang aking kuko upang pawiin ang kabang nararamdaman ng biglang tumunog ang malaki at lumang orasan na nandito sa sala. Awtomatiko akong napatayo at tila isang manika na naglakad papunta sa rice despenser, oras na para mag saing. Mas malalagot ako kay lola kung uuwi siya ng wala pang lutong kanin. Habang papunta ako sa kusina ay hindi ko maiwasang mapasulyap sa kwarto kung nasaan si Ezra. Kanina pa tahimik ang kwartong iyan, wala akong marinig na kahit anong tunog. Kanina nga ay sibukan kong itapat ang tenga ko sa pader, nalaman yata ni Ezra na balak kong gawin iyon dahil sinuntok niya yun’g pader kung saan mismo naka tapat yun’g tenga ko. Nabingaw ako kung kaya’t hindi na ako ulit nag lakas loob na gawin iyon. Nang makapunta na ako sa kusina ay agad kong kinuha ang rice cooker, naglagay ako ng bigas dito. Nang maisalang ko na ang bigas ay sunod naman akong nagpainit ng tubig upang may pang kape kami ni lola. Mahilig si lola sa kape, nahawa lang ako. Sunod-sunod ko ng ginawa ang mga gawain ko tuwing hapon, sa sobrang abala ay hindi na muling pumasok sa isip ko na meroon nga pala akong hindi kanais-nais na bisita sa abandonadong kwarto. Naalala ko lang iyon ng madilim na sa labas at nasa kwarto na ako’t nagtitiklop ng mga damit. Nabitawan ko ang damit na hawak-hawak ko, balak ko na nga sanang tumakbo palabas para silipin si Ezra ng bigla akong makarinig ng tricycle sa labas. Nanlaki ang aking mga mata. Andito na si lola! Muntik na akong mapasigaw sa sobrang takot. Agad-agad akong umibis sa lumang kama at nagtatakbo papunta sa baba upang salubungin ang matanda, sa sobrang pagmamadali pa nga ay muntik na akong mahulog sa hagdan at magpagulong-gulong pababa, buti na lang at naka hawak ako agad sa railings kaya hindi ako nagtuloy-tuloy sa baba. Muntik na ‘yon. Kinakabahan akong napatawa dahil sa sarili kong katangahan bago ako muling naglakad. This time, mas binagalan ko na ang kilos ko dahil sa takot na baka madulas o madapa na naman ako. Nang makarating ako sa sala ay kusang gumalaw ang aking ulo upang tapunan ng tingin ang maliit na aparado na naka harang sa harap ng sikretong pintuan. Napalunok ako ng laway. Hindi man lang nagagalaw yun’g aparador, ibig sabihin ay nandiyan pa rin sa loob si Ezra. Kung gugustuhin niya ay makakaya niyang itulak ang aparador paalis sa pinto, malaki ang katawan ng lalaking ‘yon at sobrang laki niya kaya madali na lang para sa kaniya na gawin ang bagay na ‘yon. “Rose!” Ang manipis at matinis na boses ni lola ang umalingawngaw sa paligid pagkatapos ng mahinang makina na nanggagaling sa mutor na sinakyan niya. Bakas sa boses ni lola na galit ito kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, mabilis akong lumapit sa pinto at nanginginig ang mga kamay na binuksan ito. “L-Lola,” Kinakabahan kong tawag sa matandang nasa aking harapan. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay ang iritadong mukha ni lola ang sumalubong sa akin. Salubong ang mga kilay at nakabusangot ang mukha. Halatang wala ito sa mood. Ano ba’ng meroon ngayon at parang wala sa mood ang mga tao ngayon? Hindi ko maiwasang mapakurot sa akin braso habang kinakabahan na nakatitig kay lola. Pinapanalangin ko lang na sana ay wala siyang mapansin na kakaiba, hindi ako marunong mag sinungaling at hindi ko rin alam kung ano’ng gagawin ko sa oras na malaman niya na meroon akong tinatagong lalaki sa bahay niya. Siguradong malilintikan ako nito. “L-Lola pasok na p-po,” Pilit akong napangiti bago ko kinuha ang kanang kamay niya upang maka pag mano. “Nakapagluto ka na?” Diretsang tanong ng matanda bago ito tuloy-tuloy na naglakad papasok sa loob nitong bahay. Nang makalagpas sa akin si lola ay nakahiga ako ng maluwag. “O-Opo,” Sagot ko. Lumakad ito papunta sa kusina at kumuha ng baso sa platera, agad naman akong sumunod. Baka nagugutom na ito kaya siguro ay maghahanda na ako ng pagkain. May naluto naman na akong ulam at kanin, meroon na rin’g mainit na tubig kaya makakapag kape na rin siya. Napatango ako sa aking sarili dala ng pagsang-ayon. Akmang ilalabas ko na ang ulam na niluto ko ng biglang magsalita ang matanda. “Kumain na ako kila mareng Lina. Huwag ka ng mag-abalang maghanda,” Ani ni lola pagkatapos niyang mainom yun’g tubig na nasa baso niya. Inilayo ko ang aking kamay sa platera kung nasaan ang ulam. Hindi pa naman ako gutom kaya mamaya na lang ako kakain. “Ano nga pala yun’g pinagsusuot mo kanina?” Biglang asik ni lola. Naitikom ko ang aking bibig. Naging busy ako kanina dahil kay Ezra, kinakabahan ako sa kasalukuyang sitwasyon namin kaya nakalimutan ko na kung ano’ng nangyari kanina sa simbahan. Dahil sa takot na baka aksidente ko na naman siyang masagot ay agad ko ng kinagat ang aking pang-ibabang labi. Pabagsak na inilapag ni lola ang baso sa lababo, kung hindi gawa sa plastic iyon ay baka na basag na iyon kaagad. Napapitlag pa nga ako sa gulat dahil sa malakas ma tunog na nilikha niyon. “Ang dami-dami na nga natin’g problema nakuha mo pa talagang maglandi!” Wala na akong oras para makapagreklamo dahil sa isang iglap lang, nasa harapan ko na si lola at mahigpit na hawak-hawak ang dulo ng aking tenga. “A-Arayy lola ma-masakit po!” Naiiyak kong wika ng mas diinan ni lola ang pagkakapingot sa tenga ko. Wala naman akong ginawang masama! Hindi ko naman gustong isuot yun’g damit na iyon, wala naman na kasi akong malakong damit kaya ano pa’ng maisusuot ko?! Wala akong karapatan na sabihin ang lahat hinanakit ko kay lola dahil sa mata niya ay kabastusan iyon, kaya wala akong nagawa kung hindi ang tumahimik ang indahin na lang ang sermon at pananakit niya. “Sa simbahan ka pa talaga nagsuot ng ganoon?! Kating-kati ka na ba at gusto mong nagmumukha kang pokpok?!” Sa sobrang lapit ng mukha at lakas ng boses ng matanda ay tumuturit na sa akin’g mukha ang iilang butil ng laway na kumakawala sa bibig niya. Pilit kong nilalayo ang mukha ko kasi nandidiri ako at hindi komportable ngunit mas hinihigpitan ni lola ang pagkakapingot sa tenga ko tuwing kakawala ako. “Gusto mong tumulad sa mga kabataan ngayon?! Gusto mong sinisipulan ng mga kalalakihan ha?!” “Hi-Hindi po lola!” “At talagang sumasagot ka pa?!” Jusko eh ano ba dapat ang gagawin ko pag tinatanong ako?! Naiyak na lang ako sa sobrang inis habang iniinda ang matinis na boses ng matanda. Kumikirot na ang aking tenga kung kaya’t upang hindi ito maging ganoong kasakit ay pilit kong hinahawakan ang kamay ni lola upang hindi niya mahila ng sobra itong tenga ko, ayokong masaktan ito kaya kahit na masakit at nangangawit na ako sa aming pwesto ay ginawa ko ang lahat para hindi maging sobra at mahigpit yun’g pagkakahawak ko sa kamay niya. “Naku Rose talagang na hi-highblood na ako sa’yong bata ka!” Sigaw ng matanda bago pabagsak na binitawan ang akong tenga. Hindi ko inaasahan ‘yon kaya bumagsak ang katawan ko sa matigas at malamig na sahig. Bago tuluyang bumaba ang aking tingin sa sahig ay kita ko pa ang pagbakas ng pagsisi sa mga mata ni lola. “Matulog ka ng maaga,” Maawtoridad nitong utos sa akin sabay talikod at lakad papunta sa hagdan. Nanatili naman akong naka upo sa sahig. Himihimas at minamasahe ko yun’g tengang piningot ni lola para mabawasan ang kirot nito. Si lola talaga, ang tanda-tanda na pero ang lakas pa rin. Hays. Dati pa siya ganiyan. Sobrang strikto, daig pa nga niya si papa. Habang naririnig ko ang padabog na mga tunog na nanggagaling sa second floor nitong bahay ay pahaba ng pahaba ang akong nguso. Sa amin’g dalawa, siya pa talaga ang may ganang mag dabog. Ng wala na akong maramdamang na kahit anong kirot sa aking tenga ay iiling-iling akong tumayo at lumakad palapit sa platera. Kumuha ako ng plato at mga kubyertos atsaka ko nilagyan ito ng pagkain. Dala ang plato na meroon’g laman na mga pagkain ay tahimik at malungkot akong umupo sa lamesa. Medyo malungkot ang awra ng buong kusina dahil iisa at mahina lang ang bumbilya na nandirito. Hindi ganoong kaliwanag kaya kung minsan ay sa sala na lang kami kumakain, kahit papaano kasi ay meroon’g TV at ilaw sa labas doon sa sala. Hindi kakain si lola ngayon kaya wala akong choice kung hindi kumain ng mag-isa, ang sarap pa naman ng ulam… Balak ko na sanang sumubo ng kanin ng mapatigil ako’t mapatingin sa sikretong pintuan. Yun’g sigang higante… Kumain na kaya siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD