Ismael's POV "Ano na ang plano mo, Ismael? Paano kung matunton nila tayo?" Wika ni Trina sakin. Habang mahimbing na natutulog si Icey sa kanilang silid. "Wag kayo mag-alala gagawa tayo ng paraan basta lawakan ninyo ang pagbabantay at mag-ingat." "Sige, wag kang mag-alala. Mag-iikot-ikot ako sa buong lugar bukas ng umaga at maghahanap din ako ng pwede natin mabilhan ng armas at bala upang maging handa tayo sa pagsalakay nila." "Salamat Trina," "Wala kang dapat ipagpasalamat; baka nakakalimutan mo na trabaho ko ito," mariin na wika ni Trina bago ako nito iniwan. Isang matinding katahimikan ang namayani sa buong sala nang makaalis si Trina. Napabuntong hininga ako upang mawala ang bigat ng aking dibdib. At nang mawala na ito ay kinuha ko ang aking cellphone na nasa bulsa ko at agad

