chapter 41

1013 Words

Nanatili akong tahimik habang hawak ko pa rin ang kamay ni Icey. Ramdam ko ang bahagyang panginginig ng kanyang mga daliri; parang siya mismo ay hindi sigurado sa mga salitang binitiwan niya. Dahan-dahan kong binitiwan ang kamay niya at huminga nang malalim. Kailangan kong ayusin ang isip ko bago magsalita, dahil alam kong anumang sasabihin ko ngayon ay may bigat. “Huwag mong isipin na mission lang ang dahilan,” wika ko sa mahinang tinig. “Dahil higit pa sa mission ang dahilan.” Tumingin siya sa akin, tila naghihintay ng kasunod. Pero wala akong agad na nasabi. Hindi dahil ayaw ko, kundi dahil hindi ko pa rin mahanap ang tamang salita. Sa dami ng taon ko sa larangang ito, sanay akong magsinungaling, magtago, at magplano. Pero sa harap niya, pakiramdam ko ay wala akong depensa. “Icey,”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD