chapter 39

1000 Words

Nagising ako kinabukasan sa tunog ng ulan. Hindi ito yung malakas na pagbuhos ng ulan kundi yung banayad lang. parang marahang pagkatok ng tubig sa bubong, paulit-ulit at pantay. Nanatili muna akong nakahiga, nakatitig sa kisame habang nakikinig. May kakaibang ginhawa ang ganitong tunog, parang sinasabing okay lang na huwag munang bumangon. Saglit kong ipinikit ang mga mata at hinayaan ang isip kong maglakbay. Wala akong masyado na iniisip, wala ring pilit na inaalala. Pakiramdam ko, kahit papaano, natuto na akong huminga nang mas maayos. Maya-maya, bumangon ako at lumapit sa bintana. Bahagyang bukas ito, at ramdam ko ang malamig na hangin na may kasamang amoy ng lupa. Sa labas, basa ang daan at kumikintab ang mga dahon ng mga puno. Tahimik ang paligid; tila lahat ay pansamantalang hu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD