Nagising ako kinabukasan sa mahinang liwanag na pumapasok sa bintana. Saglit akong napakurap habang inaayos ng isip ko kung nasaan ako. Ilang segundo pa bago tuluyang bumalik sa alaala ko ang mga nangyari kagabi. ang bangka, ang night market, ang dagat, at ang mga ngiting pilit kong iniiwasang isipin pero kusang bumabalik. Napangiti ako nang mahina at dahan-dahang umupo sa kama. Tahimik pa ang buong bahay. Naririnig ko lang ang huni ng mga ibon sa labas at ang mahinang tunog ng hangin. Sumilip ako sa kabilang kama at nakita kong mahimbing pa rin ang tulog ni Trina. Mukhang napagod din siya kahapon. Tumayo ako at maingat na inayos ang kama ko. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay magaan ang pakiramdam ko. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng baso ng tubig

