chapter 22

1205 Words
Safe Lines and Hidden Truths ISMAEL POV Hindi naging diretso ang biyahe papunta sa safe house. Tatlong beses kaming nagpalit ng ruta. Dalawang beses kaming huminto para mag-check kung may sumusunod. Isang beses kaming pumasok sa isang abandonadong service road na hindi kasama sa kahit anong civilian map. Ganito gumalaw ang mga taong alam na may humahabol—hindi ka tumatakbo nang diretso; pinapagod mo muna ang kalaban hanggang sila ang magkamali. Tahimik ang loob ng armored vehicle. Si Icey ay nakaupo sa gitna, mahigpit ang kapit sa strap ng tactical vest niya. Hindi na siya nanginginig, pero ramdam ko ang tensyon sa balikat niya. Ang assassin naman ay nasa likuran—tahimik gaya ng dati, pero alerto. Ang klase ng katahimikan na mas nakakatakot kaysa sa anumang ingay. Ako ang nasa unahan, katabi ng driver—ang agent. “Five minutes,” malamig niyang sabi, hindi man lang tumitingin sa amin. “Pagdating natin doon, susunod kayo sa protocol. Walang tanong. Walang argumento.” Napangiti ako nang mapait. “You brought us into this mess,” sagot ko. “The least you can do is tell me where exactly you’re taking us.” Saglit siyang tumingin sa side mirror. Nagtagpo ang mga mata namin—walang emosyon, pero may bigat ang titig. “A place that doesn’t exist,” sagot niya. “At kung maayos ang takbo ng gabi, mananatili siyang ganoon.” --- Lumiko ang sasakyan sa isang makitid na daan na halos nilamon na ng mga puno. Kung hindi ka pamilyar sa lugar, iisipin mong dead end iyon. Ngunit sa dulo, lumitaw ang isang lumang bahay—kupas ang pintura, may sirang bintana, at balot ng katahimikan na parang matagal nang walang tumira. Safe house. Hindi ito ‘yung klaseng lugar na nagbibigay ng kapanatagan. Ito ang klase ng lugar na nagbababala. Huminto ang sasakyan. Nauna akong bumaba, baril sa kamay, mata’y gumagala sa paligid. Walang galaw. Walang tunog, maliban sa huni ng mga insekto at mahinang ihip ng hangin. “Clear,” bulong ng assassin matapos ang mabilis na perimeter check. Pumasok kami sa loob. Mas maayos ito kaysa sa inaasahan—may kuryente, may sapat na supply, at may improvised command table sa gitna ng sala. May mga mapa sa dingding, may markings, at mga code na pamilyar sa akin. Hindi ito basta taguan. Isa itong operational hub. “Restock and rest,” utos ng agent. “Ten minutes. Then I talk to Ismael. Alone.” Napatingin si Icey sa akin. May tanong sa mata niya, may babala, at may takot na pilit niyang tinatago. “I’ll be fine,” sabi ko sa kanya. “Stay here. Assassin’s with you.” Ayaw niya sanang pumayag, pero sa huli ay tumango rin. --- Sa kabilang kwarto kami pumasok ng agent—isang maliit na study room na may mesa, dalawang upuan, at isang bombilyang bahagyang kumikislap. Isinara niya ang pinto at in-on ang signal jammer. “Now,” sabi niya habang umuupo. “We can talk.” Umupo ako sa tapat niya. Hindi ko inilapag ang baril ko. Hindi rin siya nag-react—isa lamang sa maraming senyales na sanay siya sa ganitong tensyon. “Ano ang dahilan at naparito ka?” direkta kong tanong. “Utos ba ito ni Travis o ng ama ni Icey? Alam nating pareho na wala kang pinapanigan. Isa kang bayarang agent. So—saan ka at para kanino ka nagtatrabaho?” Tumango siya, walang bahid ng pagtatanggol. “Tama ka. Isa akong bayaran agent. Hindi ako kagaya mo. Kung saan may malaking pera, doon ako.” Sandali siyang huminto bago magpatuloy. “Inutusan ako ng ama ni Icey para protektahan ang anak niya. At hindi ko inaasahan na ikaw ang makakasama ko.” May bahagyang ngiti sa labi niya—hindi friendly, kundi mapanganib. “At alam ko rin,” dagdag niya, “na hindi lang proteksyon ang dahilan kung bakit ka naririto.” “Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong ko, mariin. “Matagal na kitang kilala, Ismael,” sagot niya. “Pati ang grupo ninyo ni Travis. Alam kong si Icey ang assignment mo.” Tumalim ang boses niya. “At malinaw sa akin na sa larong ito, hindi tayo magka-kampi. Sa ibang pagkakataon, mortal tayong magkaaway.” Diretso ang titig niya sa akin. “Isang maling galaw mo lang, kaya kong tapusin ang buhay mo.” Hindi siya nagpaligoy-ligoy. Mas lalo lang uminit ang dugo ko. “Then why?” tanong ko. “Why pull her into this? Alam mong kalaban mo ako. Alam mo ang kaya kong gawin.” “Because she was already in it,” sagot niya. “Long before you decided to protect her.” Tumahimik ako. “Kailangan ko ang tulong mo para protektahan siya,” dagdag niya. “Pero huwag mong isipin na ibibigay ko siya sa’yo nang basta-basta.” Lumapit siya nang bahagya. “Sa oras na gumawa ka ng bagay na hindi ko gusto, ako mismo ang tatapos sa’yo.” Huminga siya nang malalim. “Sa ngayon, hahayaan kitang mag-imbestiga sa kanila. Pero huwag mong asahang kakampihan kita kapag nalaman mo ang buong katotohanan. Mas matimbang sa akin ang trabaho kaysa sa anumang koneksyon natin.” Napangiti ako nang malamig. “Isa ka pa ring tuso, Trina. Tulad ng dati.” Bahagya siyang ngumiti—kalkulado, walang saya. “You’re still hard to read,” sabi niya. “At mas mahalaga—hindi ka kayang bilhin.” Tahimik akong tumawa. “You overestimate me.” “Underestimating you almost got three of my men killed,” sagot niya. “I don’t make that mistake twice.” --- Tumayo siya at tinuro ang isang bahagi ng mapa sa dingding. “The next forty-eight hours will decide everything,” sabi niya. “They’re moving assets. Relocating leadership. And Icey—” Tumigil siya. “Ano?” mariin kong tanong. Kumulo ang dugo ko. Tumayo rin ako. Umiling siya. “You can’t pull her out.” “Watch me.” “Ismael,” seryoso niyang sabi, “the moment you do, they’ll hunt her harder. You being near her is the only deterrent right now.” Ayaw kong tanggapin iyon. Pero alam kong may katotohanan ang sinabi niya. Huminga ako nang malalim. “So what’s your plan?” “Partnership,” sagot niya. “You, me, your team. We dismantle them piece by piece.” “And after?” tanong ko. Tumingin siya sa akin nang diretso. “After, you decide—disappear… or burn what’s left.” --- Paglabas ko ng kwarto, sinalubong ako ni Icey. Hindi na siya nagtanong. Tumingin lang siya sa akin, parang sinusukat kung anong bahagi ng sarili ko ang naiwan ko sa loob ng kwartong iyon. “We’re not safe,” sabi ko. “But we’re not blind anymore.” Tumango siya. “That’s something.” Sa likod namin, tahimik na nakamasid ang assassin. Alam kong naiintindihan niya ang bigat ng mga desisyong ginawa ko. Sa gabing iyon, sa loob ng safe house na hindi dapat umiiral, malinaw sa akin ang isang bagay: Hindi ito simpleng operasyon. Hindi ito simpleng proteksyon. Ito ay digmaan ng mga lihim—at nasa gitna kami nito. At sa pagkakataong ito, hindi na kami tatakbo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD