Ismael's POV
Nasa loob ako ng aking opisina nang biglang dumating si Travis, ang namumuno sa aming mga agent, na may kakaibang ngiti sa kanyang labi.
“Ismael, magandang araw sa’yo.”
“Good morning, Sir Travis. Ano ang dahilan ng iyong pagbisita? ” tanong ko.
“May magandang balita ako sayo. May isang pinakamalaking misyon ako na nais kong ipagawa sa’yo.”
“Talaga? Ano bang mission iyon? ”
“Tungkol ito sa isang pinakamalaking sindikato sa buong mundo. Nabalitaan namin na narito na sila sa Pilipinas, at nais kong ikaw ang humawak ng misyon na ito. Marami ka nang napatunayan sa mga nakaraang operasyon, kaya marahil ay kakayanin mo nang solusyonan ang problemang ito.”
Agad niyang inabot sa akin ang isang folder na naglalaman ng mga profile ng mga taong dapat kong imbestigahan.
Tumambad sa aking harapan ang larawan ng isang lalaki. Napag-alaman ko na ito si Don Francisco Millier, o mas kilala ng karamihan bilang Black Bird. Siya ang hinihinala na isa sa pinakamalupit na mafia sa edad na 60, ngunit iyon ay puro hinala pa lamang.
“Wala pang sapat na ebidensya na makapagtuturo sa totoo niyang ugnayan sa Thunderstrike Mafia organization,” mariin na wika ni Travis habang seryoso ang kanyang mukha.
“Thunderstrike? Ngayon ko lang narinig ang tungkol sa kanila,” sagot ko.
“Ang Thunderstrike ang pinakamalaking mafia organization sa buong mundo. Ang kanilang grupo ang may hawak ng lahat ng illegal na negosyo, ngunit hanggang ngayon, wala pa ring nakakapagturo kung sino ang tunay na nasa likod ng organisasyon. May ilan nang nagsasabi na si Don Francisco ang utak ng lahat, ngunit walang sapat na ebidensya upang patunayan iyon. Masyadong pribado ang buhay ng kanyang anak, kaya hindi namin magawa siyang imbestigahan. Ikaw lang ang tanging tao na alam kong makakagawa ng misyon na ito, kaya umaasa akong magagawa mo ito ng maayos.”
Tumingin muli ako sa folder na hawak ko at inilipat sa kabilang pahina.
Doon, bumungad sa akin ang larawan ng isang dalagita na nagngangalang Icey Millier, 25 taong gulang, na nag-aral pa sa ibang bansa.
“Siya si Icey Miller, isa sa mga anak ni Don Francisco. Namatay ang kapatid niya na si Annie, ngunit hanggang ngayon, walang makapagsasabi kung ano ang tunay na dahilan ng pagkamatay nito.”
“So ano ang nais ninyong gawin ko? ” tanong ko.
“Gusto kong ikaw ang humawak ng kaso nila at alamin kung may kinalaman nga sila sa Thunderstrike Mafia. Pero mag-iingat ka sa mission mo dahil hindi basta-basta ang haharapin mo.”
“Kung ganoon, ako na ang bahala sa mission na ito. Makakaasa kayo na magagampanan ko ito ng maayos,” sagot ko.
“Salamat, Ismael. Umaasa ako sa iyo.”
“Wala po iyon. Alam mo naman, wala akong inaatrasan pagdating sa mission.”
“Siya nga pala, Ismael, may gaganapin akong party mamaya sa isang bar para sa mga tauhan ko na nagampanan ng maayos ang kanilang tungkulin. Isa ka na doon. Umaasa ako na makakarating ka.”
“Sige, susubukan kong pumunta.”
“Aasahan kita. Huwag kang mag-alala. Naglaan ako ng napakaraming babae para sa iyo.”
“Siguraduhin mo lang na safe ang mga babae na iyan, ha? ” tanong ko.
“Huwag kang mag-alala. Fresh na fresh ang ibibigay ko sa iyo. Alam ko naman na hindi ka tumatanggap ng nalawayan na ng iba,” natatawang wika niya.
“Talaga? Alam mo na ang mga gusto ko, ahh…” wika ko sabay ngiti.
“Oo naman, kabisado na kita. Matagal na tayong magkaibigan, hindi ba? ” sagot niya.
“Iyan naman ang gusto ko, hindi ka nakalimot sa ating pinagsamahan,” natatawang sabi ko.
Matapos ang aming pag-uusap, inayos ko muli ang aking mga gamit at lumabas ng opisina. May usapan kami ni Bianca na susunduin ko siya. Si Bianca ay isang saleslady sa isang mall. Nakilala ko siya nang minsan akong mamili doon at niyaya ko itong lumabas.
Isa si Bianca sa mga naging libangan ko. Tama, libangan lang siya dahil wala akong sineseryosong babae. Mula nang lokohin ni mommy si daddy, tumatak sa isip ko na walang permanente sa mundo.
Ganoon pa man, ang ginawa ni mommy kay daddy ay hindi nakapagpawala ng pagmamahal ko para sa kanya. Hindi ko magawa na magalit sa kanya dahil sa kanyang panloloko at pag-iwan sa amin. Sa halip, labis ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya, at masakit sa akin ang biglaang pagkawala niya.
Pagdating ko sa mall, nakita ko na agad ang napakagandang mukha ni Bianca na matiyagang naghihintay sa labas. Agad sumilay ang kanyang ngiti sa labi nang makita niya ako.
Lumapit siya sa aking sasakyan at binuksan ang pinto para makapasok. Nang makapasok siya, agad niya akong dinampian ng halik sa labi—isang halik na hindi ko tinanggihan. Nilamukos ko ang matamis at malambot niyang labi.
Tatlong araw pa lang mula nang makilala ko siya, pero ilang beses na akong nagpakasawa sa kanyang katawan. Sa totoo lang, iba't ibang babae na ang aking nakasama, at ilang beses rin akong nakatagpo ng babaeng birhen, ngunit matapos kong pagsawaan ang mga ito, hindi ko na sila muling binabalikan. Ayoko pumasok sa relasyon dahil ayokong mauwi ang lahat sa wala.
Matapos ang matamis na halik, agad kaming umalis patungo sa isang mamahaling restaurant. Pagdating doon, bumaba ako ng sasakyan at pinagbuksan ko ang pinto kay Bianca. Bukod sa kanyang ganda, napaka-sexy rin niya, kaya hindi ko mapigilan na pisilin ang kanyang pang-upo. Natatawa siyang hinampas ako sa balikat dahil sa kalokohan ko.
Ngunit ang aming biruan ay biglang natigil nang may rumaragasang sasakyan na muntik nang bumangga sa amin. Hindi ko napigilan ang malakas na mura.
“Fck, pt@ng in@ m* bumaba ka diyan! f**k you, baka! Hindi mo ako kilala! T*ng in@ mo! ” sunod-sunod kong mura .
Huminto ang kulay-puting sports car. Agad akong lumapit at hinampas ang likurang bahagi ng kotse. Binaba niya ang bintana, at mula sa reflection sa side mirror, nakita ko ang isang babae na nakasuot ng sunglasses. Nang ngumiti siya, may pilyang ngiti na para bang tumagos sa dibdib ko, isang kakaibang kabog na ngayon ko lang naramdaman.
Hindi ko namalayan ang mabilis niyang pagmamaneho hanggang sa mawala na siya sa aking paningin. Napamura ako sa inis.
“Ahhhh… Putanginang babae iyan, walang modo! ” hiyaw ko habang mabilis siyang lumayo.
Kung hindi lang talaga ako isang secret agent, baka hinabol ko pa siya at dinala sa kulungan. Pero hindi ko puwedeng gawin iyon, lalo na’t bawal malaman ng iba kung sino ako at ano ang tunay kong trabaho.