Chapter 1: I wont Regret
"LET'S GO HOME Nika," anang baritonong tinig sa kanyang tabi. She clench her fist. She didn't want to leave kung puwede lang sumama na lang sana siya sa hukay kasama ni Donya Imelda. Dahil ano pang silbi na wala na ito, napatid na rin ang manipis na sinulid na kinakapitan niya. Hinayaan niyang maglandas ang kanyang luha. Ignoring Enzo beside her.
Malamlam ang maulap na langit na tila nakiki-ayon sa nararamdaman niyang pighati sa mga sandaling 'yon. She was scared, too scared even to move. Ang pagkawala ni Donya Imelda ay kamatayan na rin nang kanyang puso. Alam niya 'yon.
"Why did you have to die lola? Bakit kailangan si Enzo ang mahalin ko?" piping usal niya, nang hindi pinapansin ang kanyang asawa. Asawa? A bitter smile came out of her lips forming a thin line as she pursed her lips slightly.
"Nika let's go home." ulit ni Enzo ng hindi siya lumingon.
"Home?" mahinang usal niya she didn't have a home now, wala na si Donya Imelda. The only person whom consider her family. Kung alam lang niyang may sakit pala ito sana mas pinili niyang manatili sa tabi nito. Kaysa sundin ang gusto nitong manatili siya sa tabi nang kanyang asawa. Asawang kahit minsan ay hindi siya itinuring bilang asawa.
Yes she's been married since she turn twenty, dahil sa kagustuhan ni Donya Imelda. She willingly accept the marriage, dahil sa murang edad niya natuto na siyang magmahal. Minahal niya si Enzo. Kaya kahit minsan hindi niya ito tinawag na kuya kahit pitong taon ang agwat nang edad nila.
"Uulan na tayo na."untag ni Enzo nang hindi pa rin siya gumalaw sa kanyang kinatatayuan. Nakatitig pa rin siya sa natabunan nang puntod nang matanda. Hindi na siya tumangi ng akbayan siya nito upang magsalo sila sa malaking payong na dala nito. Nagsimula na kasing pumatak ang ulan. Dama niya ang init nang katawan nitong napapanatag sa kanya.
Mas lalong lumakas ang patak ang ulan, sumasabay na ang kulog at kidlat.
She heard Enzo heave a deep sigh. Bago nito pinaandar ang kotse. Ang lakas nang kabog nang kanyang puso. Kung makakalabas lang ang kanyang puso sa dibdib niya sa lakas ng pintig noon baka kanina pa siya hindi humihinga. Pero parang mas gusto niya ang ideyang 'yon sa sandaling 'yon.
"Maayos na ang lagay ni Lola, Nika. She's not suffering anymore kaya huwag ka nang malungkot" dinig niyang saad ng asawa. Partly ay talagang nalulungkot siya, pero hindi iyon ang higit na nagpapalungkot sa kanya. Kundi ang katotohanang, matatapos na rin ang lahat sa kanila ni Enzo.
He'd been forced married to her kaya nga sa halos tatlong taon, hindi ipinaramdan sa kanya nang asawa niyang itinuturing siya nitong asawa. Nagkikita lang sila kapag alam nitong dadalaw si Donya Imelda sa bahay nila. Malaki ang bahay ni Enzo kaya kahit pareho silang nasa bahay hindi sila madalas magkita unless he wanted her in his bed. At iyon lang ang mga nakaw na pagkakataong nararamdaman niyang kailangan siya nito.
Iyon ang naging papel niya sa buhay ni Enzo sa nakalipas na taon, parausan siya ng asawa. She didn't mind dahil alam niyang wala itong ibang ikinakamang babae bilang kahit paano respeto sa kanya. He assured her that.
Pero hindi siya naniniwala doon.
Pagdating sa bahay ay hindi na niya inaantay na ipagbukas pa siya nito nang pinto. Lumabas siya ng kotse at tuloy tuloy na umakyat sa kanyang silid. Ngayong wala na ang abuela niya wala nang dahilan para magkaroon pa siya nang pagkakataong makasama ito sa iisang silid. Alam niyang malabo na rin ang pagkakataong magsisiping pa sila ng asawa.
Masakit man ang katotohanan pero kailangan niyang tanggapin. Pabagsak na nahiga siya sa malambot niyang kama. Hanggang sa makatulog siya.
GABI na nang marinig ni Enzo ang mabagal na yabag sa hagdan. Ilang sandali pa ay naroon na sa harap niya si Nika. Nakabihis na ito pero itim pa rin ang suot nito. Nika was his wife for three years now.
Napansin niyang mugto pa rin ang mata nito. Mula nang mamatay ang abuela niya wala na itong ibang ginagawa kundi ang umiyak. Talo pa nga nito ang tunay na kaanak. His grandmother was old----seventy six years old. And people had to die sometimes kaya hindi niya alam kung bakit umiiyak pa rin si Nika. The old woman had suffer for almost a year before she give into her death bed.
"Maupo ka," formal na utos niya dito. That's how he talk to her, para din dito. Para hindi ito umasa sa pag-ibig niya. He was never sweet nor kind to her, he was more likely cold and reserve when it comes to Nika. Simula nang maging mag-asawa sila.
Pero hindi naman siya masamang tao. Galit? Probably yes, dahil hindi man lang tumutol noon si Nika ng sabihin ng kanyang abuela na magpakasal sila.
Maingat itong naupo na parang takot makalikha nang ingay dahil maiirita lang siya. They used to be close with each other. He treated her well na parang pamilya niya noong bata pa ito.
But she did asked for too much, nalaman niyang ito mismo ang nagsabi sa kanyang abuela na gusto siya nitong maging asawa. Kahit na alam nitong may girlfriend siya noon. She looks innocently cunning, too innocent na hindi mo iisiping nagawa nitong manipulahin ang abuela niya. Kaya nauwi sila sa kasalan.
"Alam mong ibig sabihin nang pagkawala ni Lola hindi ba my wife?" sarkastikong saad niya dito. Wala itong kahit anong masagot. Tumingin lang ito sa kanya, walang buhay, walang sigla. Umangat ang dulo nang labi niya.
Bigla siyang nabagabag. Kaya napakunot noo siya.
"Hindi mo ba ako narinig..." untag niya dito.
"I did." halatang napipilitag sagot nito. Napahawak ito sa baso nang tubig. Kaya kaagad na lumapit ang kasambahay upang salinan ang baso nito.
"Leave us." Utos niya sa katulong matapos nitong magsalin nang tubig sa baso nang kanyang asawa. Kaagad naman itong tumalima. "Alam mong hindi ikaw ang babaeng pangarap kong makasama sa habang buhay Nika, tama? And I can never or never will love you."
"Yeah, but you can fvck me whenever you want, how convenient." mapait itong ngumisi.
"Why? Do you want me to fvck other woman habang kasal tayo?" sarkastikong tanong niya dito. Napipikon siya sa asal nito ngayon. Hindi naman ito dating ganun. Mula nang burol nang kanyang abuela. Nika distance herself from him. Kung dati halos dumikit na ito sa kanya na parang linta kapag may pagkakataon na sobrang ikinaasara niya, bigla itong nag-iba.
Naglaho na rin ang makislap na titig nito sa kanya. As if the Nika he used to know had disappear. Dapat matuwa siya pero bakit parang iritado naman siya.
Bumuntong hininga siya saka isinandal ang likod sa upuan. "We will be filing the annulment, Nika. I want you out of my life for good." walang bahid ng emosyong saad niya. Hindi nakaligtas sa mata niya ang galaw ang ibabang labi nito. Saka ito lumunok.
"Okay!" Sagot nitong ikinagulat na naman niya. What the hell? That's it?
"Teka, ano bang inaasahan ko," wala sa sariling usal niya sa kawalan. Perhaps he was expecting her to beg not to let her go. Ewan. Muli niyang sinaway ang sarili. Dahil ginawa na nito 'yon a year ago. Halos lumuhod ito sa harap niya para huwag lang silang maghiwalay.
Nakacontract marriage sila and it's been long overdue. Dahil ang dalawang taong usapan nila ay naextend nang biglang magkasakit ang abuela niya. They can't break her heart when the old woman is suffering. Mahigit isang taon rin lumaban sa cancer ang kanyang abuela.
Hindi man niya gustong isipin pero parang ang kamatayan ng matanda ay kalayaan niya mula sa pagkakatali sa kanyang asawa.
"Aasikasuhin natin ang papeles pagkatapos ang forty days ni Lola. You'll stay here hanggang matapos ang annulment. Then we can both be free." paliwanag niya dito. "Iyong mansion ni Lola, it will be yours. And a hundred million was fair enough, right?" kompiyansang saad niya. Ilang sandali siyang nag-antay pero walang itong sinabi.
Nairita naman siya. Was she speechless when she heard the hundred million? Payuwang saad ng utak. Pero wala pa rin itong sinabi. "Nika!" malakas kong tawag sa kanya. Pero blankong ekspresyon lang ang ibinigay nito sa kanya. Damn! He hissed.
What is wrong with her? Nika was a talkative woman at laging may opinion, at madalas ipagigiitan ang gusto nitong madalas niyang ikinagagalit dito. Pero bakit ang tahimik nito ngayon. "Fvck! Wala ka bang sasabihin." inis niyang sikmat sabay palo sa mesa.
Kumislot ang balikat nito. Pero kaagad ring nakabawi. "Do you want me to beg at lumuhod sa harap mong huwag akong hiwalayan, tulad nang ginawa ko noon? " matigas ang tinig na saad nito. "Ginawa ko na nang maraming beses. Napakaraming beses. Pero wala namang nangyari. I'm tired holding on to you anymore Enzo. It's been---- three years. Tatlong taon akong nagmaka-awa sa pagmamahal mo, sa atensyon mo. And I realized tama ka I'm wasting my life holding on to you. Na para na akong linta. Ayaw ko nang maging linta sa buhay mo. So I'm setting you free." walang buhay na sagot nito. "I don't need anything from you."
Natigilan siya sa sinabi nito. She was right, she did beg for his love and attention back then. Pero wala siyang planong ibigay 'yon dito sa simula pa lang. And he made that clear to her.
"Alam mong may iba akong mahal Nika. It was you're fault we're both stuck in this marriage. At sa oras na maging malaya ako sa'yo. I'm marrying the woman I love." a bitter smile forms on her sexy lips. Those natural rosy lips felt soft every time he kissed her.
"Fvck I wanted to kiss her!" mahinang usal niya na ikinatitig nito sa kanya.
"Ano?" salubong ang kilay na saad nito saka mapait na ngumiti.
"Wala." mabilis niyang sagot sabay iwas nang tingin. Ano bang pumapasok sa kanyang utak. Dinig niya ang paghugot nito nang malalim na paghinga. "Kumain ka na." nasabi na lang niya. Binalingan niya ang pagkain na malamig na. He forced himself to eat kahit parang hindi niya malunok. Bakit parang siya ang talo sa pagpayag ng kanyang asawa?
Their annulment had been planned since he married her. At wala nang dahilan para baguhin pa 'yon. At hindi niya mahal si Nika. She's just a baggage that keeps holding him back.