"SIGURADO ka na ba dito?" Kunot noong tanong nang kaibigan niyang si Lexus Milliare isa itong CEO sa law firm na pag-aari nang ama nito. At kilala rin bilang chick magnet.
"I want to keep the annulment private until next year. Pero gusto ko nang simulan mo ang prosseso in forty days." formal niyang sabi sa kaibigan.
"Pumayag na ba ang asawa mo?" nagdududang tanong nito. Lexus knew how Nika was crazy for him. Even the entire building knew Nika as his wife. Madalas kasi itong nagpupunta sa office niya para ipagdala siya nang lunch. He was the CEO of Alegre Group of Companies. They cater import and exporting of raw materials for manufacturing construction materials, tulad ng mga bakal at cemento. Infact he was once considered as the most sought after bachelor bago siya nagpakasal kay Nika. He was rich and powerful hindi lang dahil isa siyang Alegre but he made his own name in the industry.
Napatingin siya sa kanyang relo. Pass eleven na. Muli siyang napatitig sa pinto. Biglang kumabog ang pulso niya nang bumukas 'yon--- only to be disappointed nang ang sekretarya niyang si Nazrel ang pumasok. Nagpaalam ito para maglunch out. Muli siyang sumilip sa pinto. She was supposed to be here by now.
Bakit wala pa?
"Kayo sir hindi ba kayo maglulunch, should I order---?"
"No thanks, you go ahead." taboy niya dito na kaagad namang umalis.
"May hinihintay ka?" napapangising sabi ni Lexus na halatang nang aasar. He knew how he dislike his wife, kaya anong iniisip nito. Sinulyapan nito ang relo. "Wala pa si Nika? Sinadya ko pa namang hindi maglunch. Akala ko makakakain ulit ako nang masarap." dagdag pa nito na halatang disappointed.
"What so good about her cooking's?" inis niyang sabi. Sa totoo lang masarap magluto si Nika, sadyang hindi lang niya gustong i-appreciate sa harap nito. Pero kapag tumalikod na ito ubos niya ang dala nitong pagkain.
Kaya minsan nagtatalo pa sila ni Lexus kapag sumusulpot ito sa oras ng lunch.
"Kunyari ka pa, inaabangan mo naman lagi ang dalang pagkain ng asawa mo. Alam mo Lorenzo, bakit dika kaya magpakatotoo sa sarili mo. You love your wife." kompiyansang saad nito na ikinatawa niya nang pagak. "Alam mo pagsisisihan mo talaga kapag nakipaghiwalay ka kay Nika." naiiling pang saad nito.
"Sira ka ba, si Franzine ang mahal ko. And I'm marrying her next year kapag napawalang bisa na ang kasal namin ni Nika, marami na akong nagawang atraso sa kanya. And I'll never regret my decision." Pinal niyang sabi subalit may bahagi sa puso niya na tila tumututol sa kanyang sinabi.
"Well if you say so. Concern ka talaga sa ex-girlfriend mong 'yon, pero hindi sa asawa mo, tsk.. tsk." napapailing na palatak nito. "Sana lang talaga hindi mo pagsisihan ang desisyon mong ito, Enzo." ulit pa nito na medyo ikinaasar ko. At inulit ko rin ang sa utak ko ang pagtangi na hindi ako magsisi. It won't ever happened. Dahil plano kong pakasalan kaagad si Franzine once the Annulment is granted. "Paano mukhang wala si Baby Nika ko, aalis na ako." biglang nagpagting ang tainga ko sa tawag niya kay Nika.
"Baby, anak mo ba ang asawa ko?" sikmat ko sa kanya.
"She's cute and innocent like a baby, pare. Masarap pang magluto, a perfect wife material. Kung ako siguro ang una niyang nakilala, baka sa akin na inlove 'yon. Hindi sana masasaktan ang puso niya." mayabang na saad nito.
"Can you shut the fvck up! Baby my foot." asik niya dito. Kaagad namang tumayo na si Lexus at iniwan siyang pangisi-ngisi pa.
Nagsimula nang kumalam ang sikmura niya dala nang gutom. Pero sumapit na ang alas dose walang Nika ang dumating. Inis na tumawag siya sa bahay, ang isa sa mga katulong ang sumagot.
"Ang Ma'am Nika mo nasaan?"
"Ay umalis ho ser, kanina." sagot nito. Bigla siyang napatuwid ng upo. Sabay lingon sa pinto.
"Nagdala ba ng lunch ko?" usisa niya.
"Ay hindi ho. Hindi nga siya nagluto. Tinanong ko nga ho kung dadalhan ka niya ng tanghalian, hindi na raw ho siya magdadala, may iba na daw gagawa noon." paliwanag nitong bigla niyang ikinapanlumo. Hindi pa naman sila divorce ayaw na nitong dalhan siya ng pagkain. Lihim na senermunan niya ang sarili.
Ano bang iniisip ko! "Ganun ba..." napahawak siya sa tulay ng kanyang ilong. Bigla kasing nanakit ang sintido niya. "nagsabi ba kung saan pupunta?"
"Hindi ho." sagot nito na ikinairita naman niya. Kailan pa natutong umalis sa bahay ang asawa niya nang walang paalam. Dati naman kaunting kibot lang nagtetext ito sa kanya kung aalis o may pupuntahan. Ayaw kasi niyang tinatawagan siya ni Nika.
"Fine! Its better this way." kausap niya sa sarili ng maibaba na ang autobido.
"EH BAKIT kailangan mong magtrabaho. Mayaman ang asawa mo. Kahit maghihiwalay na kayo I'm sure magbibigay siya nang malaking pera sa'yo." lintaya ni Adel na ikinailing niya.
"Mula ng tumuntong ako sa poder ng mga Alegre, buong buhay ko nang nakaasa ako sa kanila. Sana noon ko pa ito ginawa. Akala ko lang matutunan akong mahalin ni Enzo." mapait niyang sabi. "Siguro tama siya hindi niya ako matutunang mahalin kahit kailan. Dahil kahit kasal pa kami patuloy pa rin ang komunikasyon niya kay Franzine."
Iyon rin ang dahilan kaya pumayag na siya sa annulment. What she heard that time habang nakaburol si Donya Imelda, did completely shattered her last hope.
"Yes, hon, I'll start processing my annulment with Nika in forty days. Then we can be finally together." bakas ang saya sa mukha nito habang kausap ang girlfriend nitong si Franzine. Samantalang pagsiya ang kausap laging malamig ang tuno nito. Walang sigla, walang buhay. Muli na namang kumirot ang puso niya ng maalala 'yon.
Akala niya naranasan na niya ang lahat ng pinakamasakit sa pagsasama nila ni Enzo. Iyon ay ang tawagin niya nito sa pangalan ng ibang babae kapag magsisiping sila ng lasing ito.. Enzo would make love with her pero iba ang babaeng tinatawag nito.
Kaya durog na durog ang puso niya. Pero kumakapit pa rin siyang parang 'linta'. Pero mas masakit pala ang katotohanan hindi pa man sila naghihiwalay ay nag-uusap pa rin pala ang mga ito.
Kaya ayaw na ayaw niyang lumalabas nang bansa si Enzo, dahil lagi niyang iniisip, na paano kung nagtatagpo ang mga ito nang palihim. Lalo't hindi siya kinakausap ni Enzo kapag nasa labas ito nang bansa.
Well kahit naman dito, Enzo had been ignoring her maliban lang kung kaharap nila and kanyang abuela.
Kaya nag pasya na siya kahit masakit. Susuko na siya habang may natitira pang pride sa pagkatao niya. Dahil iyon na lang ang mayroon siya.
"Well, ikaw ang bahala Niks. My cousin James was looking for an assistant. Pero nasa ibang bansa pa siya kaya baka next week mo pa siya makausap." anito saka may inabot sa kanya na calling cards. "Send him your resume, I'll give him a heads up. Para pagbalik niya interview na lang."
Masayang tinanggap niya ang card. Saka niyakap ang kaibigan. "Thank you so much ang dami ko nang atraso sa'yo." naiyak pa niyang sabi dito. Naisip niyang kailangan lang niya nang mapagkaka-abalahan para makalimot at mag-move on na. Kailangan na rin niyang mabuhay at mahalin ang kanyng sarili. At tangapin na hindi si Lorenzo Alegre ang para sa kanya.
"Sus, parang di mo naman ako kaibigan n'yan. Saka tama na rin sigurong kagagahan mo kay Enzo. Makakahanap ka rin ng lalaking magmamahal sa'yo." sensirong saad nito na tinapik pa ang balikat niya.
"Sana nga may nakalaan rin para sa akin, Adel." piping usal ni Nika.
Padilim na nang magpasya siyang umuwi. Noon niya napansin ang ilang miskal ng 'asawa' niya sa phone. Mapait siyang napangiti. Dapat matutunan na rin niyang huwag i-address si Enzo bilang kanyang asawa.
He never treated her as his wife anyway.
"Saan ka galing? I've been calling you nth times." galit na bungad ni Enzo sa kanya. Dahilan para mapakunot noo siya. Kailan pa ito nagkaroon ng paki-alam sa kanya. Hindi niya kailanman natandaan na tinanong siya nito kung saan siya nagpupunta. Kahit nga magpaalam siya wala pa rin itong paki kaya saan nanggaling ang inis nito ngayon.
"Sa condo ni Adel." walang buhay niyang sagot kahit ayaw sana niyang sagutin ito.
"Sa condo ng kaibigan mo pero hindi ka man lang sumagot sa tawag ko?" sikmat nito na ikinakunot noo niya. What is wrong with him?
"Nasa bag ang phone ko. Hindi ko naisip na tatawag ka so I didn't bother checking." kibit balikat niyang sagot at kita niya ang pagkabigla sa mukha nito.
"Are you seeing someone else?" may pang-aakusa ang tingin ipinukol nito sa kanya. Kaya hindi niya maiwasang matawa.
"At kailan ka pa naki-alam sa buhay ko Lorenzo? Whether I've been seeing or fvcking with another man, would you even slightly care?" sarkastikong balik tanong niya na ikinagulat na naman ata nito. "But don't worry hindi naman ako katulad mo na kahit kasal ka pa sa akin--- open kang makipaglandian sa babae mo." sarkastikomg saad niya. Magsasalita sana ito nang muli siyang magsalita." I can address her like that as long as kasal pa tayo. The love of your life will remain as your mistress as long as we're married. And I'm warning you oras na malaman kong nagtatagpo kayo habang kasal tayo. I'll ruin you two." banta niya dito saka tuloy na siyang nagtungo sa silid niya. Hindi na niya inabala ang sariling alamin pa ang reaksyon nito.
Dahil alam niyang guilty ito, she had find evidence on his clothes several times kapag umaalis ito ng bansa. Pero hanggang doon lang dahil wala siyang magawa.
She was just a spec of dust compared to Enzo. Wala siyang sariling pera dahil nakaasa lang siya dito.
At kung inaakala nitong mabait siya dahil sunud-sunuran lang siya dito noon. Things has changed dahil kahit sa huling pagkakataon gusto rin niyang ipamukha kay Enzo na mali itong niluko siya nito. Itinaboy na niya kung saan ang Nika na mabait at masunurin. Dahil hindi naman pala 'yon makakatulong para mahulog ang loob ni Enzo sa kanya.
Napangiti siya, dahil sa biglang paggaan nang dibdib niya kahit paano . It was the first time she spoke her feelings. Na hindi lang siya isang display sa bahay nito na puwede nitong baliwalain at gamitin kung kailangan. Nasasaktan rin naman siya. Dahil sa nagmahal siya ng higit---sa taong pag-aari ng iba. Kaya sa mga natitirang araw na kasal pa sila ni Enzo sisiguruhin niyang ibang Nika ang makikilala nito. Because she will make sure he'll regret hurting her.