NABULABOG ang kapipikit lang na si Enzo sa ring nang kanyang phone. Hindi pa rin siya matahimik sa nakitang pagsungaw ng luha sa mata ng kanyang asawa.
Kinakain siya ng labis na usig ng budhi niya sa nakitang pait sa mata ni Nika kanina. And that bother him so much, kaya naiinis siya sa sarili. Dati naman hindi niya binibigyan ng pansin 'yon. Pero bakit kung kailan magdedivorce na sila saka pa siya mababagabag. Kung maskatan man si Nika.
Ano bang paki-alam niya kung masaktan man si Nika?
Alam niyang mali ang ginawa ni Franzine. Pero hindi naman niya ito mapagalitan. Ayaw niyang masaktan ang babaing mahal niya. Napatingin siya sa digital clock na nasa kuwarto. It was three am.
Inaatok na sinagot niya ang tawag ni Franzine upang magising siya ng tuluyang sa pag-iyak nito. Mabilis itong nagsalita sa pagitan ng pag-iyak.
"Franzine calm down, please speak slowly. Hindi kita maintindihan." medyo naiinis niyang saway dito. Paano niya maiintindihan kung nag-iiyak ito habang nagsasalita. Isa inaaktok pa talaga siya.
"Ano ba naman Enzo," inis na singhal nito na suminok-sinok pa ito. "Someone reposted our picture. It's your soon to be ex-wife, Nika is trying to bully me." hamagulgol pang sumbong nito. "She's calling me your 'kabit' Enzo, wala ka bang gagawin? Her post is driving me crazy. Tinawagan pa ako ng manager ko, and they want to remove me as the main event sa Fashion Magazine, dahil sa bintang niyang kabit mo ako. Do something, Enzo! Alam mo kung gaano kahalaga sa akin 'to." napaupong naihilamos na lang niya ang palad sa mukha. Sa lakas ng boses ni Franzine natutulilig ang tainga niya sa ingay nito.
Inaantok pa siya at hindi niya maproceso sa utak niya ang sinasabi nito. It took him few seconds to finally realized what she was saying.
"Bakit naman kasi---" napapabuntong hiningan saad niya but he couldn't finished his sentence dahil alam niyang lalo lang itong mag-iiyak kapag sinisi pa niya ito. Gusto niyang sermunan ito, it was her fault to begin with. "Let me check on that!" sabi na lang niya trying to calm his girlfriend.
Saka niya binuksan ang link na sinend nito. Na malutong niyang ikinamura
The post says the CEO OF ALEGRE EMPIRE is dating his MISTRESS FRANZINE WILSON, INTERNATIONAL MODEL behind his stupid wife, in NY. CAN'T SHE WAIT FOR HIS DIVORCE?!!! #kabit. It was posted four hours ago.
Mabilis siyang bumangon upang puntahan ang kanyang asawa. Malutong siyang napamura ng nakalock ang pinto kaya mabilis niyang kinatok ito. It took him few minutes before the door open.
Para lang matigilan na makita ang sexing pantulog na sout ni Nika. Kaya marahas siyang napalunok.
"Ano bang problema mo, ang aga mong mang-abala." Inaatok na saad nito, she looks so damn fvcking innocent after what she did?
"Bakit mo ginawa 'yon?" tiim bagang usig niya dito. Pero bigla lang itong humikab na lalong iyang ikinapikon.
"Ang ano ba--"
"Stop playing innocent, Nika. You're the one who posted this?" akusa niya dito cutting her words off. He can't let her feign innocence before his eyes. She scratch her eyes, na tumitig pa sa kanyang phone, na lalo lang niyang ikina-irita ng ngumisi ito.
What the fvck! Who is this woman? Lihim niyang tanong sa sarili. She looks like Nika but her expression says she's not the woman he used to know.
"Ginising mo ako over silly things like that?" sarkastiko nitong saad, at mula kung saan ay tila narinig niya ang sinabi niya dito kagabi. Let' not argue over a silly post, Nika. "Wala akong alam d'yan. Bakit di mo itanong sa babaing mahal mo?" inis nitong sabi saka siya tinalikuran ni Nika.
Kaya nagpagting ang tainga niya. Maharahas niyang hinaklit ang braso ng asawa.
"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo Nika." gigil na angil niya dito. He was glaring at her pero ikinagulat Enzo ang blangkong ekspresyon ng asawa na tumitig sa kanya.
"Kung kaya mong patunayan na ako ang may gawa niyan, kahit lumuhod ako sa harap n'yo gagawin ko, but until you can give me evidence---" natigilan siya ng marahas nitong hilahin ang braso nito. Pero hindi niya pinakawalan 'yon. Natagpuan pa niya ang sariling lumalapit dito.
Bagay na gusto niyang pagsisihan dahil sa kakaibang damdamin na magising sa kanyang pagkatao. Kaya marahas siyang napabuga ng hangin upang kalmahin ang sarili.
"Give me your phone, how can you do this to me? Alam mong maraming naghahangad na makuha sa akin ang posisyon bilang CEO ng kompanya....how can you be so inconsiderate," kita niya ang pagngiwi ni Nika, noon lang niya napansing namula ang braso nitong hawak niya. Namula ang mata nitong nakipagtitigan sa kanya. He could see she was in pain pero wala man lang ito nagreklamo.
"So--sorry," wala sariling usal niya saka ito pinakawalan. Walang salitang maglakad ito patungo sa kama, may kung akong dinampot, ito doon bago muling bumalik sa kanyang harapan.
He was surprise, marahas nitong hawakan ang kamay niya.
"Yan ang phone ko, you can have it if you want. Hindi mo ako kailangan pagbintangan, Enzo. Dahil kung gugustuhin kong sirain ka, matagal ko kang sinimulan." walang emosyong saad nito. "Ngayon umalis ka na sa harapan ko, huwag kang mag-alala bukas na bukas din aalis na ako dito. Para kapag nawalan ng trabaho ang kabit mo, puwede mong pauwiin dito sa bahay mo ng hindi n'yo kailangang pagbintangan ako ng kahit ano." matapang na sagot nito.
"Hindi ka pa puweding umalis Nika, the annulment will proceed pagkatapos ng forty days ni grandma. At kailangan mong makisama para maging mabilis ang proceso. Kung ako lang naman ang masusunod, alam mong matagal ko nang gustong mawala ka sa buhay ko, so live with in few more days." marahas siyangg napulunok dahil sa pait ng titig na ibinigay ni Nika sa kanya.
Kaya lihim siyang napamura bago ito tinalikuran.
NAG-UUNAHAN ang pagpatak ng luha ni Nika ng maisara niya ang pinto. Sana pala itinuloy niya ang planong pagrepost ng larawan n Enzo at Franzine para makaganti kahihiyang isinampal sa kanya ni Franzine.
Kung alam lang niyang siya ang pagbibintangan nito. Sana talaga. Pero sino naman kaya ang may gawa noon. Pero kong sinuman ang taong may gawa noon, dapat ko ata siyang pasalamatan.
Kinabukasan maagang bumagon si Nika, iyon ang araw ng interview niya sa kompanyang inapplayan niya bilang executive assistant sa Leviste Corporation.
Iyon lang umano ang available na position ayon kay Adel. And she was glad ng matangap niya ang email bago niya natulog kagabi.
Sa totoo lang kinakabahan siya ng magpasa siya ng CV dahil baka hindi rin pumasa kahit sa initial interview kung ang credentials niya ang pagbabasehan, maliban sa OJT niya sa opisina ni Donya Imelda bilang assistant secretary nito, wala na siyang ibang job experience. Kahit isang taon na mula ng grumadwet siya ng college.
Aminado naman siyang hindi siya ganun katalino, but she did her best para ma please si Donya Imelda. Kaya kahit nahihirapan siyang pagsabayin ang papel niya bilang asawa ni Enzo at bilang estudyante, nagsumikap pa rin siya.
Pinagbuti niya ang pag-aaral para matuwa sa kanya, di lang ang matandang Alegre, kundi maging si Enzo. Pero kahit anong gawin niya bigong bigo siya pagdating kay Enzo.
"Good luck Ma'am Nika. Siguradong matatangap ka." Pang momotivate sa kanya ni Wela.
"Oh ito, mag-almusal ka ng masarap." sabi ni Aling Easter na excited sa paghanda ng almusal niya. Dahil ayaw niyang magtampo ito, masigla siyang kumain ng paborito niyang macaroni soup.
Kaya naman energize niyang sumakay sa binook niyang taxi. Wala na siyang planong gamitin pa ang kotsing bigay ni Enzo sa kanya.
Sa totoo lang puwede na sana siyang umalis na siya sa poder nito. May saving siya mula sa pera na ibinibigay ni Donya Imelda noon, at sa allowance na automatikong pumapasok sa account niya mula kay Enzo.
Pero may parte sa puso niyang umaasa pa rin sa isang imposible Pero sa bawat araw na lumipas mula nang mawala si Donya Imelda. Mas nasasaktan lang ata siya--at mas nadudurog lang ang puso niya dahil araw araw atang gustong ipamukha sa kanya ni Enzo na wala siyang kahit katiting na halaga dito.
May isang buwan na lang naman siyang manatili sa poder nito, as long as he won't bring Franzine at his house habang naroon siya. She'll be fine.
Katangahan man matatawag pero, mahal niya si Enzo at hindi ganun kadaling turuan ng puso niyang lumimot. Naniniwala naman siyang isang araw, nakakaya na niyang humakbang palayo.
Humugot ng malalim na paghinga si Nika nang makarating siya sa building kung saan magaganap ang final interview niya. Akala niya ay next week pa niya makaka-usap ang CEO ng Leviste Corporation, dahil ayon kay Adel nasa ibang bansa umano ang pinsan nitong si James Leviste.
Isa sa pinakamayamang angkan ang Leviste sa boung bansa. Kaya kilala ang mga ito sa lipunan.
Nanalalamig ang kamay niyang pumasok sa kusang bumukas na pintong glass door ng entrance. Lumapit siya sa information desk and the moment na sabihin niya ang pangalan niya sa receptionist nagkumahog pa itong ihinatid pa siya sa isang lift na walang nakapila. Kaya napalingon sa direksyon niya ang ilang nag-aabang ng lift sa kabila.
"Hoy Bebang sino 'yon ha?" usisa ng isang babae kay Vivian na receptionist ng Leviste Corp ng sumara na ang pinto ng lift.
"Malay ko, sabi ni Boss VIP visitor niya daw eh." inis na saad ni Vivian sa babae.
"Talaga kaya ba napauwi ng wala sa oras si Boss dahil sa babae, ang alam ko one week siya sa abroad kasi diba may sakit ang mommy ni Boss."
"Alam mo Marites, bagay talaga sa'yo ang pangalan mong Marites, masyado kang marites." Nakaingos sa saad ni Vivian sa babae bago ito tinalikuran.
Kahit ang totoo lihim na nakakadama ng selos si Vivian sa pagdating ng magandang bisita ni James. Kung puwede lang sana siyang magalit. Pero ano bang karapatan ng isang tulad niya? Naroon lang siya bilang parusa ni James sa kanya. Mapait na ngumiti si Vivian. Kung may ibang babae na itong nagugustuhan ano pang silbi niya dito?