Chapter 4: Insult

1959 Words
MAAGANG PUMASOK si Enzo ng araw na iyon, mula sa basement ay bumukas ang lift sa ground floor. Panay ang kuwentuhan ng tatlong babae na nakatuon ang atensyon sa mga phone nito. "Totoo kaya to?" Usisa ng isang nakamaroon na skirt sa mga kasama nito. "CEO natin to diba?" napakunot ang noo ko sa sinabi nito. "Hindi pa ba kasal si Sir doon sa babaing laging nagpupunta sa office niya?" anang nasa gitna. "So this is the true girlfriend? Grabe ang ganda pala, model siya mga sissy." may himig ingit na dagdag pa nito. "Eh sino iyong isang girl? Grabe lagi noon pinagdadala ng pagkain si Sir?" tanong nang isang kulot ang buhok. I took out my phone ng magvibrate iyon. I was surprise nang makita kong nakapost ang larawan namin ni Franzine sa New York a year ago. "With my HONEY, I'm excited to be with you again." Basa niya sa caption ni Franzine sa post nito. Bigla siyang nakadama ng irritasyon dahil doon. Then he remember their convesation kahapon. "Honey can I update my status on my profile? Sabi kasi ng mga kaibigan ko. Hindi daw totoo na ikakasal na tayo." tila batang sumbong nito. "Pero kasal pa kami ni Nika." nagpapa-umawang paki-usap ko sa kanya. "Eh ano naman diba hiniwalayan mo na siya. Saka sa private naman ang account na gagamitin ko, so its fine. Huwag mo lang sabihin na nagbago na ang isip mo dahil maiinis talaga ako." maktol pa nito. Kaya pumayag na rin siya. Nangako naman itong sa private account lang nito ipopost yon. Pero bakit nakapublic post ito ngayon. Hindi niya maiwasang makadama ng irritasyon sa ginawa ni Franzine. Alam naman nito ang sitawasyon niya. "Kawawang girl wala naman palang silbi ang pahatid hatid niya ng foods kay Sir, kakahiya lang." sarkastikong saad ng kulot ang buhok na ikinatawa ng tatlo. "Oo, baka maid lang naman siya ni Boss. Hindi lang halata assumera lang tayong lahat na siya ang wife." Lalong lumakas ang tawanan ng mga ito na parang walang paki-alam na naroon siya. Hindi tuloy niya maisawang nakakadama ng pait para kay Nika. Di niya napigilang magtangis ang bagang dahil sa tatlong maingay na babaing nasa kanyang unahan. "If I see that Nika again dito sa building tatawanan ko talaga siya. Inisnob ako ng b*tch na---" biglang nagpagting ang tainga ko sa tawag ng isang babae sa aking asawa. "Sino ka para i-address ang asawa ko ng ganyan ha?" Malakas niyang tanong sa babae na sabay sabay napalingon sa kanya. Natakpan ng nasa gitna ang bibig nito. She was the one calling my wife a b*tch. "A--asawa n'yo talaga sir si Miss Nika?" Tila bumait na tupa ang tinig ng nasa kanang bahagi ko. Pasimpling sinulyapan ko ang ID ng mga ito. Mga taga accounting ang tatlong babae. "Kung ganun, your cheat---" "My personal affair had nothing to do with your job." sarkastikong singhal niya sa mga ito. "Sorry, akala lang namin kasi--- nagclaim lang si Miss Nika na asawa n'yo, never naman namin kayong nakitang magkasama eh, kahit sa social media account n'yo." napapahiyang saad ng babae. Siya naman ang natigilan dahil doon, may bahagi sa pagkatao niya ang nakakadama ng inis. Because what the woman said was true. He was never seen in public with his wife. Maliban sa bahay o sa mansyon ng kanyang abuela. "Nevertheless you had no right to gossip about my wife." Pinal niyang banta sa mga ito. Mukha namang mga basang sisiw ang mga itong napayuko. Maya maya pa ay bumukas ang lift. At nagkumahog ng umalis ang mga babae sa 12th floor. Saka ko tinawagan si Franzine. "What post ba honey?" Inosenting tanong nitong komprontahin niya ito tungol doon. "Iyong picture natin sa New York na pinost mo, can't you just wait until the divorce was finalize. Magkakaproblema ako niyan. Alam mong conservative ang mga Board of Directors at lahat loyal pa rin kay grandma ang mga iyon. Ayaw kong magkaroon ng malaking issue bago ng offical turn over so better take the post down." gigil kong utos sa kanya. "Bakit ka sumisigaw, fine aalisin ko, pero dahil lang ba sa board of director? Or because concern ka sa asawa mong 'yon." akusa nito na saglit niyang ikibabuga ng hangin. "Of course, it's about the board, and my position as CEO of Alegre Empire is my concern, so please..." mariin ang bawat salitang saad ni Enzo trying not to raise his voice at her. "Sorry na I'm just making sure na wala kang feeling sa asawa mo, " malambing na saad nito. "Hindi ka pa ba kombinsido, were getting divorce, Franzine at isang taon nang nadelay iyon, so please stop making things hard for me. At ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na ikaw ang mahal ko at hindi si Nika." He try to emphasize every word he said. NAPAKURAP KURAP si Nika ng makita niya ang masayang larawan nila Enzo at Franzine sa New York na nag-aappear sa kanyang social media newsfeed. Saglit niyang tinitigan iyon bago nang pasyang i-screen shot ang post. It was a clear evidence ng panluluko ni Enzo sa kanya. She was reading the comment ng biglang mawala ang post...Part of her was bit relieve pero, naroon pa rin ang insultong isinampal sa kanya ni Franzine sa post nito. She log off from her common sss account at naglog in siya sa other account niya. Wala siyang friends sa account na iyon it was more like her diary. Lahat ng masasaya at masasakit na alaala niya ay naroon. It was more like Enzo diary dahil halos lahat iyon ang tungol sa kanyang asawa. Every details of her pain. She created that account noong araw na pumayag si Donya Imelda na ipakasal siya kay Enzo. Akala niya masasayang memory ang mailalagay niya doon. "Pero mali pala ako." Mahinang sambit niya sa kawalan. She posted the photo na nascreen shot siya. She was typing her caption, kasunod ng pagpatak ng kanyang luha. All Enzo did was keep crashing her broken heart into pieces. Maya maya pa ay dinig niya ang katok ng kasambahay na si Wela. She was like a big sister to her. Parehong mabait sa kanya ang dalawang kasambahay ni Enzo. "Kain ka na Ma'am Nika." Aluk nito. Alam ni Wela ang lungkot na dinaranas niya sa piling ng kanyang asawa. Enzo never hurt her physicaly but the emotional pain, felt too much for her, pero pilit niyang itinagatago. Sumunod naman siya dito. Na kaagad siyang ipinaghanda ng makakain. "Okay lang Ma'am," dama niya ang simpatya nito sa mukha at tinig nito. "Okay lang po ako Ate salamat sa concern." sensirong saad niya. Kung hindi rin siguro sila mabait sa akin, baka matagal na akong sumuko. "Alam mo Ma'am, sigurado ako pagsisihan ni Sir Enzo ang pangit na pagtrato niya sa'yo balang araw." pampalubag loob nito. "Hindi mangyayari 'yon ate." walang ganang sagot niya. "Ano bang hindi, saan pa siya makakahanap ng babaing kasing ganda at kasing bait, Ma'am Nika." singit ng cook na si Ate Easter. Ito ang nagturo sa kanya sa lahat masasarap na putahe na nagawa niyang iluto para kay Enzo. "Saka noong isang araw tumawag siya noong hindi ka nagdala ng lunch ni ser, pakiwari ko'y disappointed. Kaya sinabi ko talaga iyong sinabi mo na may iba nang maghahatid ng pagkain niya." pagmamalaking saad nito. Dahilan para mapangiti na lang siya. Sa totoo lang madali niyang makakgaanan ng loob ng ibang tao. Madali siyang mahalin ng iba. Pero si Enzo 'linta' ang tingin sa kanya. Isang pabigat sa naudlot nitong pag-ibig para kay Franzine. Mula kong saan ay sumungaw sa isipan niya ang masayang larawan nila Enzo at Franzine. Masaya si Enzo kapag si Franzine ang kasama nito. Isang marahas na paglunok ang ginawa ni Nika upang itulak pabalik ang pait sa kanyang dibdib. "Mamimiss ko kayo kapag umalis na ako dito." bukal sa loob niyang saad. "Kami rin, kaya sana hindi na lang ikaw umalis Ma'am. Baka hindi mabait iyong mistress ni sir." nag-aalalang saad ni Wela. "Wala ho tayong magagawa doon, ito nga wala pa man ang divorce nagpopost na sila. Baka isang araw bigla na lang niyang iuwi ang babaeng mahal niya dito." Mahina at mapait na sambit niya. "Ang kapal ng mukha nila..." walang gatol niyang usal. "Kaya magsama silang dalawa." Napa-angat siya ng tingin ng tila nanahimik bigla ang dalawang kausap. Kapwa nakatingin sa may pinto, hindi na niya kailangang hulaan kung sino ang tinitingan nang dalawa. Pero nagawa niyang lingunin saglit si Enzo na seryoso ang mukha. Saka niya ibinalik ang atensyon sa pagkaing halos hindi niya malunok. Kaagad namang tumalima ang dalawang kasambay at inasikaso ang amo nila naupo sa punong upuan. I sat three seats away from him. After I sign the annulment paper, inalisan ko ng karapatan ang sarili kong maupo sa malapit sa kanya. "Bakit nadiyan na naka-upo." Nang-uusig ang tinging ibinigay niya sa akin. "Natural lang 'yon mahigit isang buwan mo na lang naman akong bisita mo dito. " mahina subalit may diin niyang saad. "Nika!" naiiritang sikmat nito dahilan upang mapatitig siya dito. I had no reason not to look at him directly, dahil siya malinis ang konsensya niya. He never gave another man a chance, dahil sa pagmamahal niya sa asawa. "Huwag mong kalimutang kasal pa rin tayo, you still have to act like my wife." paismid nitong saad na ikinataas ng kilay ko. "Oh, alam mo pala, alam ba nang babae mo? Baka iba ang alam niya. Nagagawa na nga niyang i-post ang kataksilan mo."sarkastikong akusa niya dito. "Huwag mong kalimutan Enzo, ako pa pa rin ang asawa mo kaya may karapatan akong ibalik sa kabit mo ang insultong ginagawa n'yo sa akin." banta niya dito. "I told her to remove the post. Kaya wala na 'yon ngayon. Hindi mo kailangan magsalita ng hindi maganda laban kay Franzine." Seryosong saad nito na ikinatawa ko ng pagak. "Dapat ko bang palakpakan at ipagpasalamat ang kabutihang loob mo?" Sarkastikong tanong niya dito. " Pero hindi mo ginawa 'yon to protect my tiny pride, Enzo. Ginawa mo iyon para protektahan ang kabit mo at ang posisyon mo sa Alegre Empire." his expressions tell me that I was not wrong. Alam kong marami sa kamag-anak niya ang nais makuha ang posisyon nito bilang CEO ng Alegre Empire. Solong apo si Lorenzo ni Donya Imelda sa nag-iisang anak nitong lalaki Renzo Alegre na namatay dahil sa isang aksidente kasama ng asawa nito, noong limang taong gulang pa lang si Enzo. Kaya si Donya Imelda ang halos kinilala nitong ina. "Nika!" Malakas na sambit nito ng kanyang pangalan. He was glaring at her na ikinangiwi niya. "Nasasaktan ka bang tawaging kong kabit ang babaing mahal mo?" lihim niyang kinagat ang kanyang dila dala ng pait na paulit-ulit niyang nalalasahan sa tuwing sasabihin niya ang salitang 'ang babaing mahal mo'. "Puweding huwag natin pag-usapan yan sa harap ng pagkain ha. Let' not argue over a silly post, Nika." Para siyang binagsakan ng malaking pison dahil doon. He consider Franzine action a 'silly post'. Alam ba nito kung anong insulto iyon sa pagkatao niya. Lalo lang niyang napapatunayan na kung gaano siya kawalang halaga sa kanyang asawa. Hindi niya napigilang mag-init ang sulok Ng kanyang mata, gusto niyang umiyak at magalit kay Enzo. Pero para saan? It was her fault she's in pain right now. "Nika.." dinig niya ng tila pag-aalala sa tinig nito, isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Subalit upang matigilan lang siya dala ng nakikita niyang pag-aalala sa mukha nito na ikinatawa niya ng pagak. "Enzo, stop looking at me as if you care about my pain, dahil lahit lumuha pa ako ng dugo sa harap mo, alam kong wala kang ni katiting na paki-alam sa damdamin ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD