TAWA nang tawa si Ingrid matapos mabasa ang pahinang iyon sa pink notebook. Marami sigurong baon na katatawanan ang may-ari ng pink notebook na iyon. Inakala niyang seryoso na ang mga susunod na eksena, ‘yon pala ay mga kalokohan pa rin. Pinagdugtong dugtong pa ang mga pangalan ng artista! Piolo Martin, Derek Pascual, Tom Dantes… Nakarinig siya ng tunog—ang kanyang smartphone. Inabot niya at tiningnan sa screen ang pangalan ng tumatawag. Pangalan na agad nagpawala sa ngiti ng dalaga. Si Leida. Pakiramdam ni Ingrid ay nasikmuraan na naman siya. Para siyang inaatake ng acidity tuwing naaalala niya si Leida at Elton. Hindi niya pinansin ang tawag. Ilang minuto pagkawala ng tunog ay narinig niya ang message alert. Si Leida pa r

