PANGALAN ni Zeus ang nakita ni Ingrid sa screen ng kanyang smartphone. May pagmamadali sa kilos na tinanggap niya ang tawag pero hindi naman siya kaagad nakapagsalita dahil sa kakaibang kabog sa dibdib. “Ingy?” nasa boses ng lalaki ang pagtataka. “Zeus…” “Nagising ka ba sa tawag ko?” “Hindi. Kanina pa ako gising. Wala ka pa rin sa kabila?” “Bakit? ‘Miss mo na ako?” “‘Lakas mong mag-ilusyon!” Buong-buo ang tawa ni Zeus na narinig niya. “Pakibukas nga ng pinto.” “Pinto? Pinto saan?” Hindi umimik si Zeus pero may narinig siyang katok sa pinto. “Ikaw ang nasa labas?” Walang sagot. Tumayo si Ingrid para buksan ang pinto—at nabungaran niya si Zeus na ngiting-ngiti

