Eighteen

1041 Words

“ILATAG na ang rules sa fake kisses, ‘dali!” ulit ni Ingrid. Mas gusto niyang nag-uusap sila ni Zeus kaysa sakupin sila ng katahimikan. Nabubuhay kasi ang tensiyon. “No limits. All types af kisses,” si Zeus sa kaswal na tono. “Anytime. Anywhere. Permission not needed. Ang bawal lang ang tsansing sa puwet.”             Napahalakhak si Ingrid. Matunog at buong-buo ang tunog. ‘Yong tipo ng halakhak na walang natirang poise. Wala siyang pakialam. Si Zeus naman ang kasama niya. Sa lalaking ito, hindi niya kailangang bantayan ang kilos niya o magpa-cute.             “Hindi puwedeng mag-renegotiate tayo?” tumatawa pa rin na balik niya kay Zeus. Totoo na ang pagkaaliw niya sa sitwasyon nila. Gusto na rin niyang sakyan ang anumang laro nito. Pagkatapos ng palabas, saka na lang niya iisipin kung

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD