ANG love parang bangungot lang—madalas, nagsisimulang maganda at nagtatapos sa eksenang nagpapahinto sa t***k ng puso ng biktima. Ako ang biktimang iyon. Sa paghinto ng ulan, parang huminto na rin ang heartbeat ko. Pero sabi nga, sa bawat pagtatapos ng bagyo ay sisikat ang isang bagong araw. Sino kaya ang nagsabi nito? ‘Pag hindi sumikat ang araw sa buhay ko, tatamaan siya! Nagkamalay akong may mga matang nakatitig sa akin. Mga mata ng isang estranghero—si Dodong na kung tumitig ay sing-intense ng titig ni Papa Piolo. Ibinigay ko rin ang totoong pangalan ko—Anne Cortez. Nagkatitigan kami nang matagal. Naghintay ako ng spark. Parang meron na wala kaya naguluhan ako. At sa magulong isip ko, saka naman ako inalalayan ni Dodong. Bubuhatin pala niya ako! Hindi ko napigilang m

