Umangat ang mga kilay ni Ingrid. Kung tama ang hula niya, may ginawang kalokohan si Zeus at planong takasan. Siguro ay napikot ito o kaya ay nakabuntis at ayaw panagutan ang babae! Hindi niya susuportahan ang kalokohan nito. Ituturo pa niya ang pagtataguan ni Zeus kung sakaling ganoon nga. “May ginawa kang kalokohan at balak mong takasan ‘no?” balik ni Ingrid. “Ayoko.” Matigas niyang dugtong at itinuro ang pinto. “‘Lumabas ka na.” “‘Pag hindi mo ako tinulungan, si Val ang gagamitin ko, Ingy—at masisira siya sa mata ng mga tao.” Sabi ni Zeus na nagpahinto sa paghakbang ni Ingy patungo sa pinto para buksan iyon. Nilingon niya si Zeus. “Pumayag si Val. ‘Sabi niya, kung hindi kita mapipilit, siya na lang ang tutulong.” Sa pagbanggit ni Zeus s

