“Si Valerie, adopted child ng malapit na kaibigan ni Mama, laging nasa farm. Sunod nang sunod sa mga lakad ko. Ayaw akong tigilan. Ang alam niya, nasa States ako ngayon. ‘Di ko rin sinabi kay Mama na nauna na ako rito.” “Irereto mo kay Kuya Val ang Valerie na ‘yon para makalusot ka?” hindi niya gusto ang ideya. Baka masakal lang niya ang babae sa kuwento nito. “Hindi.” “Eh, ano’ng plano mo?” “Nag-confess ako bago umalis ng farm.” “Nag-confess?” “Na gay ako.” Napaubo si Ingrid. Sa unang pagkakataon mula nang bumalik si Zeus at nagkita sila, unang beses iyon na tumawa siya. Walang reaksiyon si Zeus, nakasubsob pa rin sa unan. “Ah, desperado ka nang makalayo sa Valerie na ‘yan kaya pati pagiging bading, inaako mo na?” “Hindi mo siya kilala, Ingy.” “At hindi ako interesadong kilala

