Episode 7

1161 Words
Waring natuka ng ahas at nakakita ng multo ang bawat taong narito sa bahay. "Abby, mabuti naman at nakapunta ko ulit dito, anak. Masaya akong makita kang muli. At ano ba ang dala mo?" tanong ng biyenan ko na siyang unang nakahamig sa kanyang sarili. Gusto kong manumbat. Paano nilang nagagawang kausapin ako na parang wala lang nangyari gayong lahat sila ay pinagkaisahan ako? Ngumiti ako ng ubod ng tamis. Isang pekeng ngiti na dapat kong ipaskil sa aking mga labi upang pagtakpan ang isang damdamin na pilit kong pinipigilan ang pagsibol. "Nagpunta lang po ako dito dahil gusto lang makausap muli ang asawa ko para ipapirma ang lahat ng mga papeles na dala ko ngayon." Diniinan ko pa ang salitag asawa ko upang maramdaman nila ang pait na pilit ko lamang ikinukubli. "Ganun ba? Lyndon, sa library na kayo mag-usap ni Abby." Utos ng biyenan ko sa kanyang anak. "Hindi po." Pagtutol ko. Ayoko ng magkaroon pa ng pagkakataon na magkasarilinan pa kaming mag-asawa. Baka kasi maramdaman ko na naman kung gaano ko siya kamahal at huwag ng ituloy ang anuman na aking balak. Natatakot akong ipagkanulo ng sariling damdamin. Baka makita ko na lang ang sarili kong umiiyak habang nagmamakaawa na ako ang piliin at mahalin ni Lyndon. Gusto ko ng makawala sa isang relasyon na puro kasinungalingan lang pala mula pa noong una. "Doon po kami sa labas mag-uusap." At saka ko itinuro ang malapad na bintana na gawa sa salamin kung a saan makikita ang isang bilog na mesa na may apat na silya na nakapaligid niti. Maganda na doon na lang kami mag-usap. Iyong kahit kami lang dalawa lang ay nakikita naman dito sa loob kung ano ang aming ginagawa. Nagkatinginan si Lyndon at ang kanyang babae. Waring pina paunawa ng aking asawa sa kanyang kabit na babalik siya at kakausapin lang ako. Gusto kong matawa ng bahaw sa eksenang ginagawa nila sa mismong harapan ko. Nakatitig ako sa kanila ngunit hindi nila mababasa anuman ang emosyon na makikita sa aking mukha. Nauna na akong lumabas ng bahay at naupo na sa bangko. Maya-maya naman ay nakaupo na rin si Lyndon sa tapat ng aking upuan. "Ang saya nyo naman. Ultrasounds ba ng baby niyo ang tinitingnan niyo kanina?" bungad kong tanong sa aking asawa na nakatitig sa akin. Tumango siya. Ngumiti naman ako. "Bueno, nagpunta lang ako dito upang papirmahan sayo ang mga ito. Gusto ko na ako mismo ang personal na magdala sayo." Hayag ko at saka inabot sa kanya ang brown envelope na naglalaman ng annulment papers naming dalawa. "Napirmahan ko na lahat ng dapat pirmahan at pirma mo na lang ang kulang." Dagdag ko. Binuksan naman ni Lyndon ang envelope at saka mabilis na binasa ang mga nilalaman ng mga dokumento. Tumingin muna siya bago dinampot ang itim na ballpen na nasa kanyang harapan. Nakapaskil ang pekeng ngiti sa aking mga labi habang mabilis niyang pinirmahan ang kanyang mga dapat pirmahan. Pumirma na siya ng walang pag-aalinlangan. Muli niyang inayos ang mga papel at nilagay sa loob ng envelope at saka muling inabot sa akin. Tapos na. Ganun lang kadali. "Salamat," sambit ko. "Abby, ano na ang plano mo ngayon?" Ang naging tanong niya. "Plano? Marami akong plano. Alam mo ang mga pangarap kong gawin. Ang kaso nga lang, hindi na kita makakasama sa lahat ng mga plano ko. Mag-isa ko na lang tutuparin ang lahat ng mga pangarap ko na nabuo habang kasama kita. Pero ngayon, pipilitin kong mag travel mag-isa sa buong mundo na pangarap sana nating dalawa." Mapait kong sagot. "Sorry, Abby," sabi ni Lyndon sa malungkot na malungkot na tinig at mukha. Maniniwala pa ba ako sa kung anong kanyang pinapakita? Gayong mulat-mula ay niloko niya lamang ako at pinaniwala. "Pagkatapos ko dito ay tutuloy ako kay Papa. Alam ko naman na malaman at malalaman niya na nakipaghiwalay na ako sayo. Uunahan ko na total ay tapos ako sa lahat ng mga dapat kong gawin. Pero kahit anong mangyari, huwag kang aamin sa kung ano talaga ang katotohanan. Ako na lang mag-isa ang aako ng kasalanan, Lyndon. Dahil alam mo kung ano ang pwedeng gawin sayo at sa buong pamilya mo sa oras na malaman ni Papa ang totoong pangyayari." Madiin kong bilin sa kanya. Walang anuman na salita ang namutawi mula sa labi ng aking asawa. "May tanong sana ako. Kung sakali ba na magkaroon tayo ng anak ay natutunan mo akong mahalin?" malungkot kong tanong. Ngunit nanatili lamang nakatitig sa akin si Lyndon. Walang sagot. Alam ko naman kasi ang sagot at kung bakit ba naisip ko pa na magtanong. Ganito ba talaga ako ka makosokista? At talagang gusto ko pa na marinig sa asawa ko ang katotohanan na malaking sampal sa aking pagkatao. "Hindi mo na kailangan na sagutin pa, Lyndon. Alam ko na kung ano ang sagot mo," wika ko. "Abby, sana dumating ang araw na mapatawad mo ako kahit pa sobrang dami kong nagawang mali. Maniwala ka, hindi ko sinasadya na saktan ka. Mabuti kang tao, Abby. At alam kong darating din ang karapat-dapat na lalaki para sayo. Sinubukan ko naman na mahalin ka pero, " "Pero siya talaga ang mahal mo." Ako na ang nagtuloy ng kanyang sinasabi. Darating nga ba ang araw na mapapatawad ko pa siya? "Huwag mo na akong isipin, Lyndon. Baka maniwala na naman ko sayo." Natatawa kong sambit sa kanya. Dinampot ko ng muli ang brown envelope na naglalaman ng mga papel na tatapos na sa relasyon namin bilang-asawa. Tatayo na sana ako ngunit naalala ko na isauli sa kanya ang isang bagay. Mabilis kong hinugot sa aking palasingsingan sa kaliwa kong kamay ang aming wedding ring at saka nilapag sa babasaging bilog na lamesa. "Ang ganda ng singsing pero hindi naman pala dapat sa akin. Binabalik ko ng muli sayo, Lyndon." Mapait kong sabi. Tumayo na ako upang magpaalam na. Ayoko na rin na magtagal pa ako dito dahil baka magbago pa ang isip ko. "Be a good father to your unborn child and be a good husband to your future wife. Wishing you all the best. At hanggang dito na lang din. Goodbye, Lyndon." At saka na ako tumalikod. "Abby," tawag niyang muli sa aking pangalan. Huminto ako sa tangkang paglakad. "Sorry, Abby. Habang buhay kong hihingin ang kapatawaran mo hanggang sa mapatawad mo ako." "Tinraydor mo ako!" sigaw ko habang hindi na hinarap pa ang aking asawa. "Pero palalayain kita. Alam mo kung bakit? Kasi mahal kita. Mahal na mahal kita." Tumulo ang masaganang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. At saka ako nag patuloy na muling maglakad palabas ng gate ng bahay. Lahat ng mga pangarap ko, kasama si Lyndon. Kaya ngayon, hindi ko alam kung saan at paano nga ba ako mag-uumpisa. Gusto kong tumakbo ng tumakbo hanggang sa mapagod ako. Gusto kong sumigaw ng sumigaw hanggang sa mapaos ako. Gusto ko ng maubos sapagkat ano na lang ang gagawin ko ngayong wala na ang taong dahilan ng mga pangarap ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD