Episode 8

1366 Words
"Pa," tawag ko sa presensya ni Papa na kasalukuyang abala sa kung anuman na kanyang binabasa. Dito talaga ako sa kumpanya niya tumuloy. Buo na talaga ang loob ko at hindi na magbabago pa. I know na sobrang sipag ng Papa ko. He always wants everything to be perfect even in small way. Kaya nga kahit gusto mo man na mangatwiran pa ay hindi niya ito tatanggapin kahit valid pa ang reason. Walang second chance. Dahil ayon kay Papa, hindi mo naman pwedeng i-rewind ang isang pangyayari sa buhay mo. Mabuti man o masama. Kaya wala ng pero-pero. Kapag nagkamali ka ay may katapat na parusa para mag tanda ka. Ganun kami lumaki ng aking dalawang mga Ate. Wala akong alam sa mga pinagdaanan ng aking mga magulang noon. Paano naman sila magkakaroon ng time para magkwento sa amin mga anak nila gayong madalas silang wala sa bahay. Puro trabaho at negosyo lang ang mga alam nila. Nagka-isip ako na kasama ang mga iba't-ibang kasambahay sa aming bahay. Bakit iba't-iba? Madalas kasi na matagal na ang isang buwan na kanilang pag-stay sa bahay. Ngayon na lang yata ulit nagkaroon ng mga tagapagsilbi sa aming bahay dahil wala na kami ng mga ate ko. "Why are you here?" hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Papa. Seryoso lamang siya sa kung anong mga pinipirmahan sa kanyang lamesa. Matagal ng may makapal na salamin si Papa sa kanyang mga mata. Ngunit ngayon ko lang siya natitigan ng mabuti. Ibang-iba na ang kanyang itsura sa natatandaan ko pa noong bata pa ako. Hindi na ganun katikas ang katawan niya ngunit ganun pa rin naman ang kanyang tindig. Mapapansin na ang gitla sa kanyang noo. Abo na rin ang kulay ng kanyang mga buhok. Kulubot na rin ang kanyang balat sa kamay na nakikita ko. May edad na nga pala ang aking ama. Hindi ko napansin na lumipas na pala ang mga taon. Hindi na rin pala ako ang batang si Abby na takot na takot lagi kapag may simpleng kasalanan na nagawa. Hindi na pala ako ang kanyang bunsong anak na panay lang walang kibo at hindi nagbibigay ng kahit na anumang opinyon. Wala na ang batang si Abby na naroon lang sa maluwag at tahimik na library at pinalilipas ang mga oras sa pagbabasa ng kung anu-anong mga cookbook. Heto na pala ako ngayon. Si Abby. Si Abby na lakas loob at handa ng tumayo sa sariling mga paa. "Wala naman po. Gusto ko lang po kayong makita." Nakangiti kong sagot. "At gusto ko sana kayong kwentuhan." Ang nais ko pa sanang idugtong sa aking naging sagot. Kailan ba ako huling nakipag kwentuhan sa aking mga magulang? Mali. Dahil ang tamang tanong, kailan sila huling nakipag kwentuhan sa amin na kanilang mga anak. Kailan nga ba? Kahit magka internal bleeding ako sa utak ay wala akong maalala. Dahil wala naman talaga akong maalala dahil wala talaga. "Go home. I need to finish my work. At ayoko ng istorbo." Seryosong saad ni Papa. Napangiti na lang ako. Masakit pakinggan pero hindi na bago sa akin na ang kanyang pagtaboy kahit pa sarili niya akong anak. Naalala ko tuloy ang mga ate ko noong panahon din na pinagtabuyan sila sa bahay ni Papa at Mama. Napilitan ng mag-asawa si Ate April sa edad na labing-anim na taong gulang. Habang si Ate Alexis ay wala ng naging paramdam sa loob ng maraming taon na pinalayas siya sa bahay. Miss na miss ko na rin ang mga Ate ko. Alam ko kung gaano nila ako kamahal. Pero nakakalungkot lang na isipin na hindi man lang kami magkasama-sama na tatlo. Abala na sa buhay may asawa at anak si Ate April at hindi ko alam kung nasaan na nga ba o kung buhay pa ba si Ate Alexis. "Pa, may sasabihin po sana ako." Nag-ipon ako ng lakas-loob na umpisahan na ang aking mga dapat sabihin. Hindi ko ito ginagawa para lang din kay Lyndon. Kung hindi para na rin sa sarili ko. May gusto akong patunayan at dito ko umpisahan sa pagpapaalam. "I said, I'm busy. Sa ibang araw ka na bumalik!" asik ni Papa at saka marahas na binagsak ang hawak na ballpen sa kanyang lamesa. "Pa, nakipaghiwalay na po ako kay Lyndon." Malumanay at diretso kong sambit. Gusto kong palakpakan ang aking sarili dahil nagawa kong sabihin na hindi ako nautal o nabulol. "What?! Are you out of your mind, Abegail?!" Alam kong naririnig na sa labas ng opisina na ito ang dagundong at lakas ng boses ni Papa. "Pa, hindi ko po mahal si Lyndon. At ayoko na pong ipagpatuloy ang relasyon namin. Total din naman ay wala naman kaming anak. Kaya bakit pa ako magtitiis na makisama? Hindi niyo na po mababago ni Mama ang desisyon ko. Naka pag file na rin po ako para ma annulled na ang kasal namin." Lakas-loob kong paliwanag. Isang malakas na hampas ng mga kamay ang ginawa ni Papa sa ibabaw ng kanyang working table. Galit na galit siyang nakatingin ng diretso sa akin. "At ang lakas ng loob mong sabihin lahat sa akin na nakipaghiwalay ka na sa asawa mo? Hindi ka pwedeng makipaghiwalay sa asawa mo, Abegail! Huwag na huwag mo akong hamunin dahil may kakalagyan ang katigasan ng ulo mo!" sigaw na ni Papa at dinuro pa ako. Pero handa na ako. Alam kong mangyayari ang sitwasyon na ito. Well trained na ako kung tutuusin. "What's going on, Antonio? Bakit ka sumisigaw?" mga tanong ng aking Mama. Medyo nagulat ako sa presensya niya ngunit maganda na rin na siya mismo ang nagpunta dito para isang beses na lang din ako magpaalam sa kanila ni Papa. Isang bagsakan na lang ng kung anu-anong masakit na salita. "Ang babaeng 'yan! Nagdesisyon na hiwalayan ang asawa niya!" sagot ni Papa kay Mama. "What?! Is that true?" Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Mama. "Gusto mo talagang bigyan kami ng isang malaking kahihiyan ng Papa mo, Abegail?! Hindi ka pwedeng makipag hiwalay dahil ayokong magkaroon ng anak na hiwalay sa asawa! Ano na lang ang sasabihin ng aming mga kakilala? Na hindi ka namin pinalaki ng maayos?" galit na galit na rin na litanya ng aking Ina kahit hindi pa man naririnig ang side ko. I know my mother. Talagang mas mahalaga ang bawat sasabihin ng mga kilala niya. "Sorry po, Ma, Pa. But my decision was final. Ayoko na po kay Lyndon." Mapagkumbaba kong hayag. "No! Hindi ka pwedeng makipag hiwalay dahil lang sa ayaw mo na! Hindi importante kung gusto o mahal mo ang isang tao. Ang mahalaga ay wala silang masasabi tungkol sayo. Do you get what I mean, Abegail?!" Umiling ako bilang sagot kay Mommy. "Ma, I love you so much. I love my Papa so much. But this was too much. Wala po talaga akong feelings para kay Lyndon. Hindi talaga ako masaya. Nakita niyo naman, sinunod ko pa rin kayo. Nagpakasal ako kay Lyndon kahit ayoko naman talaga. Pero iba na po ngayon. I stand on my own decision. Wala na po kayong magagawa." Patuloy kong mga salita. "Don't you dare, Abegail. Alam mong marami kaming pwedeng gawin ng Papa mo. Kaya kung ako sayo, I should think twice, thrice and million times. So, you better go to your husband bago pa ako ubusan ng pasensya at may magagawa ako sayo!" halos maglabasan pa ang lahat ng mga ugat sa leeg ni Papa habang pa asik na naman ako na inutusan na bumalik na kay Lyndon. Alam ko naman na mas mahalaga talaga sa kanila ang sasabihin ng ibang tao. At alam ko rin na hindi sila papayag na makipaghiwalay ako sa aking asawa. Kung alam niyo lang, Ma, Pa. Kung alam niyo lang na durog na durog ang puso ko ngayon. Pero pilit akong ngumiti. "Bye, Ma, Pa." Pagpapaalam ko na sa aking mga magulang. Hindi na nga pala ako si Abby na tango lang ng tango. Si Abby na nangarap na libutin ang buong mundo kasama ang taong mahal na mahal niya. Si Abby na masaya at kuntento na sa buhay kasama si Lyndon. Ngunit hindi na ngayon. Bakit? Kasi, mag-isa na lang si Abby. Dahil pinaubaya niya na sa iba si Lyndon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD