"Ang ganda naman ng anak mo, ate. Siguro napaka gwapo ng asawa mo, ano? At kamukhang-kamukha ng baby girl mo? " tanong ng isang namimili sa akin ng isda. Nakatingin siya sa anak kong abala lang naman sa panonood sa cellphone na hawak habang nasa loob ng kanyang crib. Gwapo naman talaga ang Tatay ng anak ko. Hindi ko maipagkakaila ang bagay na yon. Kaya nga marami ang nagtaka ng ligawan niya ako noong panahon na nasa high school pa lang kami. "Pwedeng mag-artista ang anak mo paglaki. Ang ganda naman kasi at mukhang manika." Dagdag pa na puri ng babaeng customer. Ngumiti lang ako sa kanyang mga komento at saka na isinilid ang isdang tilapya sa malinis na plastic matapos ko itong linisan. Tinanggalan ko ng bituka at kinaliskisan ng mabuti bago ibigay sa kanya. Nakalayo na ang babaeng cu

