Episode 12

1678 Words
Wala akong maalala. Ang tanging alam ko lang ay bigla akong nahilo na para bang lumilindol kaya naman ako nabuwal. At saka narinig ang malakas na sigaw na tinatawag ang aking pangalan. Ngunit hanggang doon na lang ang mga naalala ko. Nagising ako na nakahiga sa isang puting kama. Kulay puti rin ang paligid habang may nakakabit na dextrose sa aking kaliwang kamay. Tama. Kasalukuyan akong nasa isang ospital o kung saan na pagamutan. Malamang na matapos akong mawalan ng malay kanina ay dito ako dinala ng mga taong nag-malasakit sa akin. "Uy! Girl! Mabuti na lang at gising ka na. Alalang-alala kaming lahat sayo. Kaya agad ka na naming dinala sa pinakamalapit na ospital." Palatak ni Shielalyn na nanggaling mula sa kung saan at may mga bitbit na mga plastic bag. "Pasensya na kayo. Hindi ko rin naman alam kung bakit bigla na lang akong nakaramdam ng matinding hilo hanggang sa nawalan ako ng malay. Siguro ay kailangan ko ng magpatingin na naman sa mata. Kailangan ko na naman sigurong magpasukat ng panibagong salamin," saad ko sa kaibigan na hindi pala ako iniwan. "Mamaya pa naman lalabas ang resulta ng mga test sayo. Kaya lang girl, tayo na lang ang narito sa probinsya. Basta tawagan ko na lang raw si Madam Vicky tungkol sa mga kailangan mong bayaran dito sa ospital dahil need na nila talagang lumarga sa Manila." Wala naman kaso ang bagay na iyon. Pasalamat pa nga ako at kahit paano ay concern sa akin si Madam Vicky. Siya ang may-ari ng catering services kung saan ako naka-extra na maging waitress pagkatapos ay ganito pa ang nangyari. "Kumain ka na nga muna. Talagang mabilis lang akong naghanap ng pagkain sa labas para nga sa paggising ko ay may mga pagkain na. Iniisip ko rin na baka hindi mo kaya ang trabaho bilang waitress at maging ang pagod at puyat sa magdamag na event kaya ka nagkaganyan," sambit ni Shielalyn na binuksan na ang pagkain na dala. May tinapay, buko pie at kung anu-ano pa ngunit ang nakatawag ng pansin sa mga mata ko ay ang dala niyang tatlong piraso ng cupcakes na my icing na kulay pink sa ibabaw. "Masarap daw 'yan sabi ng tindera. Tinapay lang ang bibilhin ko pero inalok niya 'yan kaya naman binili ko na. Total naman ay nag-iwan din naman ng pera para sa pagkain natin si Madam," wika ng aking kaibigan ng makita na kinuha ko ang tatlong cupcakes na nakalagay sa isang transparent rectangular disposable plastic na lalagyan. Ngunit pinagmasdan ko lang ang mga cupcakes dahil may naalala ako. Si Lyndon. Mahilig sa cakes, cupcakes at pastries ang asawa ko kaya naman talagang pinag-aralan kong mag-bake for him. Lahat ng mga bago kong natutunan na recipe ay siya ang una kong pinatitikim. Tanda ko pa na lagi siyang nasa kusina at panay silip sa mga niluluto ko lalo pa at kung naaamoy niya na ang mabangong amoy ng kung anong mga nasa loob pa ng oven. Maging cakes, cupcakes o pastries pa ito. "Bakit pinagmamasdan mo lang? Nanghihinayang ka ba sa ganda ng design at ayaw mo ng kainin?" untag pa ni Shielalyn na may hawak na ng isang slice ng buko pie ngunit naudlot ang pagkagat na sana sa pie ng makita akong pinagmamasdan lang ang cupcakes na hawak. "Oo, nakakahinayang talaga. Shielalyn. Sobrang nakakahinayang na ang ganda ng design tapos ay mawawalan lang ng saysay." Sagot ko na may ibang ibig sabihin sa kanyang literal na tanong. Kunot-noong tiningnan ako ng aking kaibigan. "Anong mawawalan ng saysay? Natural kapag kinain mo 'yan ay mabubusog ka at hindi ka na mahihilo at mahihimatay." Napangiti na lang ako sa naging sagot niya dahil hindi niya naman alam na iba ang sinasabi kong nakakahinayang. Binatawan ko na ang cupcakes at kumuha na rin ako ng isang slice ng buko pie. "Ang sarap hindi ba?" tanong pa niya habang ngumunguya rin ng buko pie. "Oo, paano ba gumawa nito? Ma-try ko nga." Wala sa loob na tanong ko. Talaga naman na marunong akong mag-bake pero hindi ko pa nasubukan na magluto ng kahit anong pies. "Malay ko naman? Manood ka na lang ng mga free tutorial sa social media." Sagot ng kaibigan kong halata na nasarapan sa buko pie dahil pangatlong hiwa na ang kanyang nginunguya. "Cellphone mo yata ang tumutunog, Abby." Maya-maya ay sabi niya ng marinig nga na may tumutunog. Agad ko naman nakita ang sling bag ko kung saan nakalagay sa loob ang aking cellphone. Number ng inuupahan kong apartment ang siyang kasalukuyan na tumatawag sa akin. Nagtatanong man sa aking isip kung bakit siya tumatawag ay sinagot ko na agad. Baka nag-alala na hindi ako napansin na umuwi kagabi. Madadaanan na muna kasi ang bahay ng landlady bago ako makarating sa inuupahan kong apartment na pagmamay-ari niya. "Hello, good afternoon po." Malugod kong pagbati sa kabilang linya. "Miss Abby, mabuti naman at sumagot ka na. Kanina pa ako tawag ng tawag sayo." Sa uri ng pananalita ng landlady na aking kausap ay para bang nag-aalala siya na natatakot. "Pasensya na po kayo at may hindi po inaasahan na nangyari. Ano po ba ang nangyari at bigla po kayong tumawag?" tanong at paghingi ko na rin ng pasensya dahil hindi ko naman alam na tumatawag siya. "Naku! Miss Abby, may mga taong dumating kanina sa apartment mo at pilit na binuksan ang pinto at hinahanap ka." Nagulat ako sa narinig ngunit hindi na nagtaka pa. Malamang na mga magulang ko ang may pakana dahil nga ayaw kong sumunod sa utos nila na bumalik na ako kay Lyndon. "Tumawag naman ako ng mga barangay tanod pero sinira pa rin nila ang lahat ng mga gamit mo. Wala talaga silang itinira. Kahit ang mga unan mo ay nilaslas nila para hindi mo na talaga mapakinabangan pa." Napaikit na lang ako sa mga nalaman. "May sinaktan po ba sila?" ang siyang naging tanong ko na lang. Hindi mahalaga ang mga gamit ko. Ang mahalaga ay ang kaligtasan ng mga tao sa apartment. "Wala naman silang sinaktan pero talagang pilit ka nilang hinahanap sa amin." Sumbong ng landlady na mabuti na lang at hindi pa naman isang senior citizen. Kung nagkataon ay baka na high-blood at baka inatake sa nasaksihan. "Sorry po sa lahat. Hindi ko po gusto kung anuman ang nangyari na kaguluhan sa inyong lugar." Binabaan ko pa ang tono ng aking pananalita dahil sa sobrang hiya sa kanilang lahat na nakasaksi ng panggugulo ng mga taong malamang na mga tauhan ni Papa. Mabuti na lang talaga ay dala ko lagi ang mga cards ko. Kung hindi ay malamang na pupulutin talaga ako sa lansangan kung nagkataon na natagpuan nila pati ang mga ipon kong pera. "Kung may mga na damage po na dapat kong bayaran ay tumawag lang po kayo sa akin. At isa po sana, gusto ko pong hilingin na burahin niyo na po ang cellphone number ko para hindi na po nila kayo guluhin pa. I'm very, very sorry for what happened, Ma'am." Sinsero kong hayag. "Wala naman na-damage, Abby. Sige at i-delete ko na itong cellphone number mo. Sa totoo lang ay natakot ang ibang tenant kaya agad talaga kitang tinawagan regarding sa nangyari. Ang gusto kasi nila ay huwag na kitang pauwiin pa rito para na rin sa kaligtasan mo at ng mga nakatira rito. Hindi ko kilala ang mga taong naghahanap sayo pero mag-ingat ka palagi, Abby." Naiintindihan ko naman na nag-aalala rin ang ibang tenant tungkol kanilang kaligtasan. Matapos kong magpasalamat muli ay tuluyan na akong nagpaalam sa landlady ng apartment. "Abby, sino 'yon? At bakit may nanggulo?" nagtatakang tanong ni Shielalyn na narinig ang lahat ng mga sinabi ko. Sasagot na sana ako sa tanong niya ng may biglang kumatok sa pinto at pumasok sa silid namin. Pareho silang babae na nakasuot ng uniform na kulay puti. Ngunit malamang na nurse ang isa habang ang isa ay isang doktora dahil na rin sa stetoscope na nakasabit sa kanyang leeg. "Good afternoon. Miss Abegail Dela Vega, right?" tanong ng doktor habang may binabasa na papel. Malamang na 'yon ang resulta ng test na ginawa sa akin. Duet pa kami ni Shielalyn na sumagot din ng good afternoon. "Well, wala ka naman sakit ayon sa mga test mo pero handa ka na bang malaman kung ano ang magandang balita na dala namin para sayo?" nakangiti pa na tanong ng doktora. "Magandang balita? Paano nagkaroon ng magandang balita kung kasalukuyan akong nasa ospital dahil nawalan ako ng malay kanina?" tanong ko sa loob-loob ko. Ngumiti na lang ako at hindi sumagot. "Miss Dela Vega, congratulations! You are pregnant!" "Nabingi na yata ako? Totoo ba ang narinig ko? Tulog pa yata ako at isang panaginip lang ang lahat ng ito?" mga tanong ko dahil hindi talaga ako makapaniwala. "Doc, are you saying that I'm pregnant?" walang emosyon kong tanong. Dahil baka nalaman nila na may PCOS ako at pinagkaisahan nila akong biruin ng isang hindi magandang joke. Nakangiti na tumango ang Doktora at ipinakita sa akin sa papel na hawak kung saan may nakalagay na positive pero hindi ko lubos na maunawaan kong ano 'yon. "Hindi naman po ito isang prank joke, hindi po ba? Wala rin naman ako sa isang panaginip?" naluluha na ako habang nagtatanong. "Abby, ako na ang sasampal sayo para malaman mong gising ka." Biro ni Shielalyn at saka yumakap sa akin "Congrats, mare!" masiglang pagbati pa mula sa aking kaibigan. Marami pang sinabi ang mabait na Doktora tungkol sa akin at sa aking pinagbubuntis ngunit hindi ko na maintindihan pa. Wala sa loob na hinaplos ko ang aking tiyan na buong akala ko ay bilbil lang pwedeng maging dahilan kung bakit malaki. "Hello, anak. Ako si Mommy Abby." Hindi ko maampat ang mga luha ko sa sobrang saya na nadarama habang hinahaplos ang bahagi ng aking katawan na sa mga susunod na buwan ay mas lalo pa na mahahalata na meron na akong pinagbubuntis. Ngunit iisa lang ang dahilan ng lahat ng pagiging emosyonal ko. Iyon ay ang anak ko. Ang anak na kay tagal naming hinintay ng asawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD