Mga damit ang naging negosyo ko. Mga damit pambata, matanda at kung anu-anong uri ng mga damit na mabibili lang sa murang halaga. May kilala kasi si ate Alexis na mga supplier ng mga mura na mga damit kung bibili ng bultuhan. At heto na nga at nagsimula na ako sa unang araw ko bilang tindera ng mga damit. Mula sa pagiging tindera ng mga isda na ngayon naman ay tindera ng mga damit. Para kasing likas na sa akin ang mag-negosyo. Dahil na rin siguro sa dugo na nanalaytay sa akin. Nakakapanibago dahil ang totoo ay ibang-iba sa palengke sa probinsya kung saan kami nanggaling ng anak ko ang palengke kung saan na ako nagtitinda ngayon. Masyadong maraming tao at talaga namang hindi mahulugang karayom ang lugar. Kaya dapat daw na maging alerto lagi ang paalala sa akin ni Ate Alexis, lalo na a

