Banaag ang halo-halong emosyon na makikita sa mukha ni Crissan. Hindi siya mapakali at halos malukot na ang laylayan ng kanyang suot na dress dahil kanina pa siya mahigpit na nakahawak sa kawawang tela na para bang doon siya kumukuha ng lakas. "At ngayon, ikaw pa ang may ganang makiusap sa akin?" walang emosyon kung tanong at saka inikot ang aking paningin sa kabuuan ng kanyang pinagmamalaking negosyo. Halata nga naman na sumisigaw ang karangyaan sa bawat bagay na narito. Hindi basta-basta ang presyo ayon na rin sa mga materyales kung saan gawa ang mga makikita mo. Ano kaya kung i-post ko sa social media na ang nagmamay-ari ng sikat na furniture business na ito ay isang kabit at kasalukuyang buntis sa isang lalaking pamilyado na? "Magkano ang kinikita ng negosyo mo? Sigurado akong mal

