Kahit kinakabahan at sa posibilidad na baka magkita kami ng aking mga magulang ay lakas loob pa rin akong tumungo sa kumpanya na kanilang pag-aari upang magbakasakali na magkita at makausap ko man lang si Lyndon. Dito talaga ako tumuloy matapos kong tumungo sa bahay ng pamilya ng asawa ko. Mahigpit kong hawak ang mga bagay na pag-aari ko na kanilang basta na lang itinapon sa basurahan. Oo, alam kong binasura na ako pero heto pa rin ako at patuloy na umaasang kapag nalaman niya ang tungkol sa pinagbubuntis ko ay magbago ang kanyang isip at kami ang piliin kaysa sa kabit niya. Nagpaubaya ako dahil iniisip ko ang batang pinagbubuntis ni Crissan pero nag-iba ang ihip ng hangin. Meron rin akong batang isisilang na nangangailangan din ng isang buo at kumpletong pamilya. Mahigpit ang hawak ko

