Episode 60

1314 Words

Wala talagang naging paramdam si Lyndon at ang kahit na sinuman sa pamilya niya nitong mga nagdaan na araw. Kaya naman medyo nakahinga na ako ng maluwag dahil mukhang sumunod naman ang dating kong asawa sa nais ko. Madali lang naman lilipas ang mga araw, linggo, buwan at mga taon. Hindi na nga namamalayan na ilang taon na pala ang nagdaan sa bilis umikot ng mundo. Baka nga, isang araw ay magulat na lang sila na nasa harap na ng kanilang bahay si Andrea at nais silang kilalanin at makasama. Malamang na bata pa ngayon ang anak ko ngunit hindi ko naman mapipigilan na darating at darating ang araw na magkakaroon na siya ng sariling desisyon sa kanyang buhay. Pero sa ngayon ay akin na muna ang anak ko. Mananatili muna siya sa kandungan ko dahil baby pa naman talaga siya. Kami na muna ang mag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD