Hindi ako lumilingon sa kahit anong direksyon sa takot na makasalubong ko na naman ang mga mata ni Lyndon. Alam ko na nais niya pa akong kausapin kanina sa labas ngunit bakit pa? Wala na kaminh dapat pag-usapan maliban sa kung malalaman niya ng meron kaming anak na dalawa. Bakit nga ba ganun? Akala ko nakapag-move on na ako pero bakit tila nanumbalik sa bawat himaymay ng katawan ko ang lungkot ng magkita kaming muli. Para bang naging sariwa ang lahat ng mga alaala ng nakaraan kung saan sinaktan nila akong lahat ng wala man lang akong kaalam-alam. Madiin akong pumikit upang iwaksi sa akin isip ang lahat at iwasan na muling pumatak ang mga luha ng dahil sa dati kong asawa. Hindi na dapat ako maging apektado lalo pa kung narito lang sa paligid si Lyndon. Wala akong ideya kung nalaman

