Episode 10

1368 Words
Sa isang sikat na fast food chain ako natanggap bilang isang service crew. Tamang-tama rin at malapit lang sa apartment kung saan ako tumutuloy. Pero kailangan ko munang dumaan sa training sa loob ng dalawang linggo. Okay na rin kaysa naman wala akong trabaho at patuloy lang na nababawasan ang pera na hawak ko ng walang kapalit. Hindi naman ako kuripot. Sadyang iniisip ko lang kung ano ang pwedeng mangyari sa mga susunod pa na araw. Mahirap pala talaga ang maghanap ng trabaho sa panahon ngayon lalo na at wala naman akong bachelor's degree na tinapos. Sanay ako sa trabahong bahay ngunit hindi pala gaya ng trabahong alam ko ang totoong ibig sabihin ng salitang trabaho para kumita ka ng pera. Sa bahay kasi ay pwede akong huminto at magpahinga kapag nakaramdam ng pagod kapag naglilinis. Pero bilang isang service crew ay hindi pala pwedeng umupo kahit saglit lang lalo na kapag dagsa ang mga tao. Pang-apat na araw ko pa lang sa trabaho ngunit pakiramdam ko ay pagod na pagod na ang katawan ko. Napansin ko rin na baka tumaaas na naman ang grado ng aking mga mata. Madalas akong mahilo at tila nasusuka na mabuti na lang at sa pag-uwi ko sa bahay sumusumpong at hindi sa trabaho. Sa totoo lang, ayoko ng nagpapahinga. Ayoko ng huminto sa trabaho kahit pagod na ang katawan ko. Gusto ko nga ay akuin ko pa ang trabaho ng iba para lang manatili akong abala. Pilit ko man kasing iwaksi sa isipan ko ang lahat ng mga nangyari ay paulit-ulit pa rin itong bumabalik sa aking isip na para bang lalo pa akong inaasar. Sa tuwing pipikit ako, mukha ni Lyndon ang nakikita ko. Kahit saan ako tumingin, siya ang naalala ko. Napapansin ko na lang na tumutulo na ang mga luha ko kahit pa wala naman nakakaiyak sa paligid ko. Kaya ayokong mag-isa. "Wait? Abegail, right? Abegail Kabiling Dela Vega?" badha ang pagtataka ng isang customer na babae ng tanungin ako. Hindi ko maalala kung bakit niya ako kilala at kung bakit tinawag pa niya ako sa buo kong pangalan. Wari naman naramdaman ng babae na hindi ko siya kilala dahil nakatingin lang ako sa kanya pero hindi ako nagsasalita. "Kilala mo siya?" tanong ng babaeng kasama niya. Bale dalawa silang customer na nilapitan ko sa kanilang table para dalhin ang kanilang mga in-order na pagkain. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Bakit ba may nakakakilala sa akin. Hindi ko naman pwedeng itanggi na ako si Abegail dahil kita naman nila sa name tag ko na Abby ang pangalan ko. "Yes, batchmates kami noong high school. And she was popular by that time. Niligawan siya ang pinakasikat, gwapo at matalino na si Lyndon Dela Vega na siyang naging asawa niya." Kwento pa ng babae na malalaki ang kulot ng mahabang buhok. Maputi siya gaya ng kasama niya. Pero hindi ko talaga siya matandaan kahit anong piga ko sa utak ko. Ngumiti na lang ako sa kanila ngunit hindi ako nagsalita ng kahit ano. Wala akong balak mag komento lalo na ang makipag kwentuhan dahil oras ng trabaho ko. "So, it's true. Nagkahiwalay din pala kayo after how many years of being together? May nakakita kasi kay Lyndon na may kasamang buntis na babae sa isang hospital." Lalong naumid ang dila ko. Bakit ba nilalagay ako sa sitwasyon na lagi ako ang dapat masaktan. "At ang sabi pa ay si Crissan Fuentez ang bagong wife ngayon ni Lyndon. She was the owner of Fuentez Furniture na minana niya sa kanyang mga magulang dahil siyang nag-iisa anak." Dagdag pa na kwento ng batchmates ko raw. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin. "At napa check nga ako sa social media account ninyong dalawa ni Lyndon, Abby. Napansin kong wala na kayong photo together. As in wala na talaga. And hindi na rin kayo friends sa mga social media account niyo." Hindi pa ako nagbubukas ng social media account na meron ako. Pero sa narinig ay kusa kong nakuyom ang aking palad. Kung ganun ay pati ang account ko ay pinakialaman ng wala man lang pasabi. "But wait, Abby. Ang gusto ko pang tanong ay kung ano ang ginagawa mo rito? Huwag mong sabihin na nalugi na ang mga negosyo ng mga magulang mo at naghirap na kayo? At naghiwalay na kayo ni Lyndon dahil isa ka na lang hampaslupa na nagtatrabaho bilang isang service crew? Sorry, pero ganun kasi ang umikot na kwento sa school natin dati. Maimpluwensya kasi ang mga magulang mo kaya raw pinatulan ka ni Lyndon. Kahit nga ako ay sobrang nagtaka." At saka niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa. Mula paa hanggang ulo. Hindi na ako nagtataka kung pati ang family background ko ay alam niya dahil mukhang pati ang kumakalat na tsismis sa kung saang barangay siya nakatira ay alam niya. Pero, hindi ko alam na kahit noon ay may usap-usapan na tungkol sa amin ni Lyndon. Sa kung ano ba talaga ang intensyon niya sa pakikipag lapit sa akin. Ngumiti ako ng matamis. Bayad na rin naman ang mga order nila kaya wala ng problema. "Wala naman masama sa pagiging service crew. Pero, tama. Dito ako nagwowork but I am the owner of this fast food chain. By the way, I hope na hindi kayo ma-o-offend kung iiwanan ko na kayo. Gusto ko rin sanang makipagkwentuhan pero marami pa akong dapat unahin na gawin. Hoping na makita ko kayo ulit dito. Enjoy the foods and thank you." Nakangiti kong sambit at saka na ako umalis. Wala na nga. I check my social media account dahil sa mga sinabi ng batchmates kong isa sa mga matatawag na tsismosa. Tama. Wala ng kahit anong photo na magkasama kami ni Lyndon. Kahit ang solo photo niya ay wala ng naka saved sa photo album. At tama rin. Hindi na kami friends. In un-friend niya na nga ako. Hindi ko na rin nakita sa friendlist ko ang hipag at ang biyenan ko. Si Lyndon ang gumawa ng social media account ko kaya kabisado niya ang email at password ko. Kaya hindi na nakapagtataka na kahit hindi naman ako nagbura ng mga photos at nag unfriend sa friendlist ay may mga nawala. Siguro, ayaw ni Crissan na makita pa na kasama ako ni Lyndon. Utos ni Crissan na burahin lahat ng alaala na meron kami ng asawa ko. Madali akong nagtype ng pangalan at hinanap si Crissan Fuentez. Maraming pangalan ang lumitaw ngunit desidido akong matagpuan siya. At isang photo ng babae ang kahawig niya ang pumukaw ng aking atensyon. Hindi naka private ang social media account kaya naman nakita ko kung anong posted photo niya. Isang ultrasounds ang kailan lang pinost base na rin sa date kung kailan ito in-upload. Congratulations, ang lahat ng mababasa sa comment section. Pero walang sinagot si Crissan sa mga nagtanong kung sino ang naging asawa niya. Siyempre, hindi pa nila pwedeng ihayag. Pero tulad nga ng eksena kanina ng may nakakakilala sa akin. Walang sikretong hindi nabubunyag. Hanggang kailan nila itatago ni Lyndon ang kanilang relasyon. Sa totoo lang, ako ang natatakot para sa kanila sa oras na malaman ng mga magulang ko kung ano ang katotohanan sa pakikipaghiwalay ko ng ganun-ganun lang. Binalaan ko na si Lyndon. Pero hindi ko na kontrolado kung ano pa ang mga susunod na mangyayari dahil sila mismo ang gumagawa ng paraan para malaman ng tao ang relasyon nila. Sa ngayon, iniisip ko na dapat talaga ay lumayo na ako. Hindi ako pwede sa lugar na ito dahil sa oras na malaman ng mga magulang ko kung ano talaga ang totoo, malamang na hahanapin nila ako at ibabalik sa asawa ko. Napangiti ako mapait. Kahit naman na gusto kong bumalik ay hindi na pwede. Kahit gusto kong bawiin ang akin ay hindi na maaari pa. Nag-heart react ako sa photo ng ultrasound na pinagmamasdan ko. Hindi ko rin alam kung bakit nakuha ko rin na mag comment. Congratulations. Kahit pa ang totoo, wasak na wasak ang puso ko. Kahit pa ang totoo, durog ako at pira-piraso. Aalis na ako. At sana sa malayong lugar kung saan man ako mapunta, mabuo akong muli kahit pa ang isang bahagi ng pagkatao ko ay iiwan ko na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD