Hindi ko alam kung paano kami nakalabas at nakasakay ni Andrea sa Taxi na pinaghintay ko na sa labas ng bahay ng mga Dela Vega na siyang sinakyan ko kanina patungo rito. Basta ang alam ko ay galit na galit ako buong pamilya ni Lyndon. Pinagkatiwalaan ko sila sa kabila lahat ng ginawa nila sa akin pero hindi ko akalain na ganito pa pala ang mapapala ko sa kanila sa kabila ng pagiging mabuti ko. Anong akala nila sa akin? Manhid na hindi nakakaramdam ng sakit? Tingin ba talaga nila sa akin ay isa akong bobo at tanga na madali talaga nilang paikutin at utuin? Kaya pala lagi na lang akong nakakaramdam ng pag-aalinlangan sa isip ko dahil nararamdaman talaga ng puso ko na hindi ako dapat magtiwala. Huwag na huwag na lang talaga silang lalapit sa akin lalo na kay Andrea dahil hindi ko alam kun

