Sumapit na nga ang araw ng linggo at sakto naman na pahinga namin ni Ate April aa pagtitinda ng mga damit sa pwesto. Kailangan din naman namin ng pahinga kahit isang araw lang. Hindi pala talaga biro ang maging tindera ng mga damit lalo pa at marami kang ka-kompetisyon sa paligid. Kung hindi ka mag-aalok o manghaharang ng mga dumadaan na mga tao ay hindi ka talaga makabenta kung umupo ka lang sa tabi at maghihintay na may lumapit sa tindahan. Nagdadalawang-isip ako kung pupunta ba ako sa kaarawan ng dati kong biyenan na babae. Hindi ko naman kasi alam kung sino ang mga aabutan ko sa bahay nila. Ayoko kasi na makita ako ng kahit na sino pa sa mga kilala nila dahil siguradong hindi maiiwasan na magtanong ng mga kung anu-ano. Sabi naman ni Lyndon ay walang ibang bisita kung hindi ang pamily

