Chapter 1
Kyle
TING!
It's time for recess!
Mabilis kong iniligpit ang gamit ko habang ang mga ngiti sa 'king labi ay 'di maipinta. Pa'no ba naman kasi ay makakakain na 'ko.
"Kyle, sama ka? Diretso kami sa court ni Leo," pagtawag sa 'kin ni Niel na ngayon ay nagmamadali sa pagbubuhat ng mga libro niya.
"Tara na, Kyle. Ano? Kj ka naman?" pang-aasar ni Leo. Na sa pintuan na pala ito.
"Mauna na kayo. Ang dami ko pa kasing na-missed na assignment sa Ethics, bro."
"Ayan, kaka-soccer mo 'yan." sandali silang natawa kaya naman napailing ako.
"Sige na, bro, una na kami. Girls hunting kami nito ni Niel e," wika ni Leo.
Agad naman sumabat itong isa. "Siraulo! Ikaw kamo! Damay mo pa 'ko."
"Kunwari ka pa, pareho lang kayo." naglakad na rin ako sa likod nitong classroom at itinapon sa trash can iyong bottle ng softdrinks na pinag-inuman ko. "Una na 'ko. Balitaan niyo na lang ako bukas kung kailan laban ng mga Varsity."
Lumabas na ako ng classroom at naglakad papunta sa faculty ni Mrs. Vargaz. May mga follow up papers kasi akong kailangan ipasa para maging exempted ako sa Physical Education na subject.
Almost two months na ang nakalipas simula nang mag-start ang klase kaya 'di ko alam kung bakit ang tagal ng process para malaya akong 'di pumasok sa Physical education na subject since soccer player ako.
Nang marating ko ang faculty ay nasalubong ko si Sir Dolente. He is the head office and also my trainer in soccer.
"Oh, what brings you here, Kyle? Rest day mo today ah, walang practice."
"Ah, hindi po, Sir. Ipapasa ko lang po 'to kay Mrs. Vargaz." itinuro ko ang mga papel na hawak ko.
"Wrong timing ka na sa clinic siya ngayon. Pero, sige ako na bahala mag-abot sa kaniya mamaya. You can go home na."
Napangiti ako at saka inabot ang mga papel. "Okay, Sir. Thank you!"
Tuluyan na 'kong lumabas ng faculty at umuwi sa bahay.
Kinabukasan
Putragis! Late na naman ako!
Tumalilis ako papasok ng classroom at doon tumambad ang nakapameywang na si Mrs. Rivea.
"You're late, Mr. Villaflor. Nauna pang dumating sa 'yo ang transferee natin," umiiling niyang sinabi. Lumingo ako para hanapin kung sinong transfer student ang nandito pero wala naman.
Napakumot tuloy ako sa ulo at napakagat sa 'king labi. "Sorry, Mrs. Rivea."
"Pasalamat ka maganda ang record mo sa lahat ng subject. Sige na, take a seat. Faster, Mr. Villaflor."
Dali-dali akong umupo sa pwesto ko.
"Huwag mo kasing araw-arawin, bro. Kaya ka nahuhuli e," pang-aasar ni Niel.
"Siraulo ka!" anas ko at umambang sisikuhin ko siya pero biro lang 'yon. Natawa tuloy sila ni Leo.
"Okay, class. Tutal kumpleto na kayo, sisimulan ko na ang important announcement."
Sabik na nakikinig ang lahat. Kaya pala bigdeal kay Mrs. Rivea na late ako, iyon pala ang rason.
"You have a new classmate, and she is a girl. She is a transfer student so meaning to say, wala pa siyang kakilala. And now, I would like to ask you a little favor regarding her. Several things about her are too hard to explain. She has a rare personality. You have to understand her situation, and no matter how she acts, please do not judge her."
Sandali akong natameme sa narinig ko. Maging ang buong klase ay nagsimula nang magbulong-bulongan na tila ba napapaisip sa mga sinabi ni Mrs. Rivea. Ano nga bang mayro'n sa bagong student at bakit parang ang lalim ng pagkatao niya?
"May sakit po ba siya, Mrs. Rivea?" tanong ng kaklase kong babae na si Kimberly. Halatang naiintriga ang mga ito sa mga nalaman.
Bumuntong hininga si Mrs. Rivea bago muling magsalita, "She has been struggling from trauma, so please respect her in all ways. As much as possible, don't treat her na parang kakaiba siya. Kahit pa anong personalidad ang ipakita niya, that's no her intention."
"Pero, ano po bang mga kakaiba sa kaniya? May mga alam po ba kayong asal niya na hindi kaaya-aya? Para po sana maging aware kami at makapag-adjust," katuwiran ni Bernadette.
"Both communication and interaction with anyone are not her things.
She doesn't want to talk. She doesn't have friends. Pero kung may mga importanteng bagay na gusto niyong malaman sa kaniya, you can use your pen and paper rather than ask her verbally. As I said, hindi niya gusto ang nakikipag-usap kaya isulat niyo na lang sa papel ang gusto niyong iparating. Is that clear, class?" mahabang paliwanag ni Mrs. Rivea na nag-iwan ng katanungan sa isip namin.
"Yes it is, Mrs. Rivea," sabay-sabay na sagot ng lahat.
Punong-puno ng kuryosidad ang isip ko, at nasisiguro kong gano'n din ang lahat. Nang magawi ang tingin ko kina Leo at Niel ay napakibit-balikat naman ang mga ito.
"She's here, class. Remember what I said, okay? Respect her." matapos sabihin iyon ni Mrs. Rivea ay agad siyang tumalikod at naglakad palapit sa pintuan. Bumukas ito at iniluwal ang isang babae, hindi ito nakasuot ng uniporme.
Naglakad ito at nagtungo sa gitnang bahagi.
She was wearing a white turtle neck shirt with black high-waist pants and curly hair. Suot nito ang kaniyang shoulder bag habang bitbit ang iilan niyang libro.
Pinkish ang labi niya. Sakto lamang ang tangos ng ilong niya ngunit walang kahit anong kolorete sa kaniyang mukha.
Gayunpaman ay maganda siya. Yes she is!
Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang sinabi ni Mrs. Rivea tungkol sa pagkatao niya. Oh, nevermind!
Tahimik na nakatuon ang atensyon naming lahat sa kaniya. Laking gulat nang maglabas ito ng manila paper at doon ay mayro'ng nakalahad.
"Good morning, everyone. I am Veronica Santiago, 20 years old. I am currently living in Benedetta Village. I love watching fantasy movies and repeat it many times."
"I hate the noise. That's why I prefer to be alone."
"I hate attention."
"I hate dark surroundings."
"I don't talk with anyone senselessly unless there are important things I must know."
"I am not your typical classmate or friend, so do not enter my life."
"Most of all, you say things I will surely forget."
Ang mga katagang iyon ang nakasulat sa manila paper. Halos 'di ako kumurap sa mga nabasa ko. Puno-punong ng katanungan ang isip ko, at sigurado akong gano'n din ang lahat. Sa mga nakasulat pa lang ay mahihinuhang hindi normal ang pagkatao niya.
I looked at her face, and I saw nothing but emptiness. Sa kabila ng kagandahan niya ay walang anumang emosyon akong nabasa. Mula kanina rin ay hindi pa siyang ngumingiti.
"Okay, class! So siya ang bago niyong kaklase," saad ni Mrs. Rivea.
Agad naman tumayo 'yong Class president namin na si Clarence. "Welcome to Lireo University, Veronica. It's a pleasure to meet you."
"Do come to me if you have any queries and problems relating to our class, okay?" nakangiting sabi ni Mrs. Rivea. "Please, occupy the space and sit there."
Napalunok ako nang ituro ni Mrs. Rivea ang bakanteng upuan sa tabi ko. Agad na sumunod si Veronica at umupo roon.
"Mr. Villaflor, please guide her, okay? Since ikaw ang seatmate niya, mas magiging kapalagayan ka niya ng loob."
"Ayieeee! May new love team!" sigaw ng kaibigan kong si Leo kaya naman sinenyasan ko itong tumigil. Nagsimula nang umingay ang klase dulot ng pang-aasar sa aming dalawa.
"Class, tumigil na kayo," pag-awat ni Mrs. Rivea. "Ang ibig kong sabihin, Kyle, kung may mga task at activity, ikaw na magsabi sa kaniya kung anong page ang mga 'yon at kung paano gagawin. 'Wag mo nang hayaang mapagod pa siya katatanong sa iba, ikaw na rin lang ang malapit sa kaniya. Is that clear, Kyle?"
"Yes, Ma'am. No worries." napalunok ako at halos 'di makatingin sa gilid ko.
"Okay, class, you have fifteen minutes to prepare yourself. I'll be right back." sandaling lumabas ng classroom si Mrs. Rivea.
Ang buong klase ay tahimik lang. Ang iilan sa kanila ay pasimpleng sumusulyap kay Veronica na ngayon ay taimtim lang na nakayuko.
Pa'no ba 'to? Hindi niya gusto na nakikipag-usap verbally. Should I write on paper? Kagaya ng payo ni Mrs. Rivea? Para kahit paano ay hindi siya mailang.
Hindi ko alam kung anong hangin ang nagtulak sa 'kin na gawin ito ngunit mabilis kong inilabas ang papel sa 'king bag kasama ang pentel pen. Doon ay sinimulan ko nang isulat ang pangalan ko at kaunting mensahe.
"My name is Kyle Villaflor. Just ask me in anything in case you need help. I can guide you."
Halos nakatatlong lunok pa ako bago makakuha ng lakas. Hanggang sa marahan kong inabot ang papel na 'yon. Halos balutin ako ng makapal na hangin nang kunin niyo ito pero hindi siya tumitingin sa akin.
Sandali siyang yumuko at nagsulat. Hanggang sa inabot niya ang papel sa 'kin.
"I appreciate your concern, but I can handle myself."
Hindi ko alam kung anong dapat na i-react pero bakit? Bakit parang desidido akong makilala siya?