Third Person POV Tahimik na bumaba ang buwan sa langit, nag-iiwan ng malambot na liwanag sa mga alon ng d**o at cobblestone paths ng hacienda. Matapos ang mga huling halakhak at kulitan sa bonfire, si Rafa ang unang nag-alsa ng boses. “Okay, mga kababayan!” sigaw niya habang halatang excited. “Time na para umuwi bago tayo tuluyang maabutan ng mga multo sa daan!” “Multo na naman? Rafa, seriously?” tawa ni Lukas, sabay hagikgik habang niyayakap ang basyo nilang improvised mic. “Ikaw talaga, may obsession sa mga horror stories dito sa town!” “Obsession? Hindi! Awareness!” sabat ni Rafa, nakataas ang kamay na parang mayor na nag-aannounce sa buong baryo. “Kasi nga, baka may mga aswang na nagtatago sa kanto… o baka yung lola ni Tita Minda na sumisilip sa atin!” “Lola ni Tita Minda?” tanong

