(Elian Cruz’s POV) Tahimik akong nakatayo sa hallway ng hacienda, sinusundan ng tingin si Lexie habang paakyat siya sa kwarto. Ramdam ko pa rin ang bigat ng hangin sa pagitan namin—yung hindi nasabi, yung biglang bitin, yung mga salitang lumipad pero hindi na bumalik. Gusto kong habulin siya, kausapin, ipaliwanag lahat. Pero alam kong hindi ako pwedeng basta sumugod. Hindi ngayon. Hindi pa. Lumapit ako sa hagdan, at bago ko pa man maitakbo ang paa ko papunta sa itaas, may dalawang aninong biglang sumulpot sa harap ko. “Whoa, bro! Easy there,” si Rafa, nakahalukipkip, may ngiti sa labi na halatang nang-aasar. “Chill, Elian. Hindi ka pupunta sa gera. Sa kwarto lang ni Lexie ‘yan,” dagdag ni Kiell, kaswal na nakasandal sa poste, parang may hawak pang invisible popcorn. Napasinghap ako, p

