(Lexie Monteverdi’s POV) Pagkatapos ng kwentuhan sa sala, parang biglang bumigat ang hangin. Lahat ay nagkukwentuhan, nagtatawanan pa sina Aira at Zyra kasama sina Rafa at Kiell, pero ako—parang gusto ko na lang maglaho. Ang bawat halakhak sa paligid ay parang ingay na hindi ko maabot. Ang katawan ko ay pagod, pero ang isip ko? Gising na gising pa rin… binabalikan ang bawat sandali kagabi. Kaya nagpaalam ako kay Tita Minda. “Tita, aakyat muna ako ha, medyo pagod lang po.” Ngumiti siya. “Sige anak, magpahinga ka muna. Later na lang breakfast, ipapasunod ko sa kwarto mo kung gusto mo.” Tumango ako, at agad na umakyat. Pero bawat yapak ko sa hagdan ay parang may bigat. Bawat hakbang ay parang may kasamang alaala—‘yung init ng kamay ni Elian sa manibela, ‘yung tingin niyang parang gusto n

