(Lexie Monteverdi’s POV) Tahimik ang buong hacienda nang gabing ‘yon, nagsiakyat na halos lahat para matulog — sina Aira at Zyra sa shared room, habang sina Rafa at Kiell naman sa kabilang guest quarters. Ako lang ‘yung naiwan sa veranda, bitbit ang tumbler kong may kape. Sa gitna ng dilim, tanging liwanag lang ng buwan at ilaw sa poste ang nagbibigay ng glow sa paligid. Tahimik, malamig, pero hindi nakakailang. May kung anong bigat sa dibdib ko — hindi dahil sa pagod, kundi sa dami ng naiisip. Ang daming nangyari sa loob lang ng ilang araw. At sa gitna ng lahat ng ito… si Elian Cruz pa rin ang gumugulo sa isip ko. Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin. Hindi rin ako sigurado kung kailan ko gustong sumagot. Pero isang bagay ang malinaw — gusto ko rin siya. Matagal na sigurong gu

