(Lexie Monteverdi’s POV)
Kung alam ko lang na ganito kainit sa San Felipe, nagdala sana ako ng portable air-con, generator, at sarili kong kuryente.
Hindi ko alam kung pawis ba ’tong tumutulo sa leeg ko o luha ng pagsisisi kung bakit ako pumayag sa thesis na ’to.
“Community Immersion daw, sabi ng prof ", komento ni Zyra.
“Adventure daw,” sabi naman ni Aira.
Pero habang nilalakaran ko ’yung kalsadang puro alikabok at may mga manok na biglang tumatakbo, isa lang ang gusto kong itanong sa sarili ko—
Alexis Monteverdi, bakit mo ba pinapahirapan Yung sarili mo? dapat sana noon palang nag shift course kana. Oh my God parang di Ako tatagal dito.
“Girl, bilis naman!” hingal ni Zyra, dala ang camera niya na parang buhay niya.
“Kung magpapa-sunburn tayo, might as well gawin natin nang mabilis,” sagot ko, sabay punas ng pawis sa noo.
Aira laughed. “Relax, city girl. Three months lang ’to.”
“Three months?!” halos mapatili ako. “Three months akong magmimistulang pritong tilapia dito?!”
Pagdating namin sa may malaking gate na may nakasulat na Hacienda Cruz, napahinto ako.
Okay fine. Hindi ko aaminin kay Aira, pero ang ganda.
Wide fields, may mga punong mangga, tapos ’yung hangin—amoy lupa at araw.
Rustic, sure, pero also… very not me.
Lumapit si Manong Trike. “Dito na po kayo, mga Ma’am. Si Aling Minda po ’yung tagapamahala.”
Lumabas ang isang mabait-looking na babae, dala ang basket ng mangga.
“Welcome, mga iha! Si Elian nasa bukid pa, pero pauwi na rin yun. Pahinga muna kayo.”
Elian.
Ang fancy ng pangalan, parang bida sa teleserye.
Siguro matanda na ’yon, nakabarong, may sombrero—
Yeah, no.
Habang nag-aayos kami ng gamit sa sala, may biglang boses mula sa likod.
“’Wag niyong ilagay diyan, ma’am. Mababasag ’yung vase.”
Lumingon ako—and froze.
Tall. Sun-kissed skin. White shirt na may mantsa ng grasa.
May hawak na basang towel at ’yung mga mata niya, parang laging may nakikita sa ’yo na ayaw niyang sabihin.
“Ah—sorry?” sabi ko.
“Hindi ko sinabi na sorry ka,” sagot niya, sabay lapit at inayos ’yung vase. “Sabi ko lang, mababasag.”
Excuse me?
Did this guy just—
“Wow, thanks ha,” I said, rolling my eyes. “Nice to meet you too, Mr...?”
“Wala akong sinabing nice.”
Okay. I hate him.
Aira shot me a warning look. “Lex, behave.”
Pero too late na.
“Elian Cruz, right?” tanong ko. “Caretaker ng hacienda?”
He nodded once. “Ako ’yon. At ikaw ’yung maingay na taga-Manila.”
My jaw dropped. “Excuse me?! I’m not maingay—”
He smirked. “Kaya nga rinig kita mula sa gate.”
Ugh.
The rest of that day was torture.
Elian barely talked unless necessary.
When he did, may kasamang sarcasm.
“Pwede bang i-park dito ’yung van?” tanong ni Aira.
“Pwede,” sagot ni Elian. “Kung hindi ka galit sa putik.”
“May Wi-Fi po ba?” tanong ko.
“Meron,” sabi niya. “Pero hindi para sa mga nagrereklamo.”
Sinakal ko siya sa isip ko mga limang beses.
Sa dinner, nasa kabilang dulo siya ng mesa. Tahimik.
Nakakunot ang noo habang tinitingnan ’yung mga papeles namin.
Aira kept smiling, trying to break the tension.
Ako? I stabbed my rice like it insulted me.
After dinner, I went outside para uminom ng hangin at mag-vent sa sarili ko.
The sky was full of stars—legit, ang dami, parang fake.
Pero bago pa ako ma-amaze, may boses na naman sa likod ko.
“Baka malamok diyan.”
I groaned. “Wow, concerned ka?”
“Hindi. Ayokong maglinis ng sugat sa kamay mo mamaya.”
I turned to glare at him. “You really enjoy annoying me, no?”
“Hindi ko naman sinasadya.”
“Sure ka?”
“Siguro ikaw lang talaga madaling mainis.”
Talo ako. Again.
He walked past me toward the barn, smelling faintly of smoke and soap.
At dahil wala akong masabi, sinundan ko siya ng tingin hanggang nawala siya sa dilim.
Bumalik ako sa kwarto, humiga, at nilabas ang journal ko.
Sinulat ko:
Day 1: This town hates me.
The sun hates me.
And most of all, Elian Cruz hates me.
Tapos tumingin ako sa bintana.
Sa labas, nakita ko siya nakatayo sa may ilaw ng poste, kausap si Aling Minda, tumatawa.
For the first time, nakita ko siyang ngumiti.
And I hated it.
I hated that it looked… nice.
So I closed the curtains hard and buried my face sa unan.
“Three months with that guy,” I whispered. “Lord, give me strength.”
---
“Still alive?” tanong ni Aira mula sa kabilang kama.
“Barely,” sagot ko. “Kung ganito araw-araw, baka hindi na ako umabot sa report.”
Narinig ko siyang humalakhak. “Admit it, cute naman si Elian.”
I rolled over. “Cute? Hindi. Irritating, yes. Possible cause of heatstroke, definitely.”
“Pero tinitigan mo siya kanina, ah,” pang-aasar ni Zyra na biglang sumingit.
“Ha? Hindi ah!” mabilis kong tanggi. “Na-curious lang ako kung paano niya nagawang walang emosyon kahit galit na ako.”
“Sure, girl,” sabay sabay silang tumawa.
Napailing na lang ako. “Seryoso, Zy, kung si Elian pa ang magiging reason bakit bumagsak ako sa thesis, sisihin ko ’tong araw.”
Tahimik sandali bago nagsalita ulit si Aira. “Pero admit it, kahit mainit, ang peaceful dito, no?”
Tumango ako kahit nakapikit. “Oo nga. Peaceful... until magsalita si Elian.”
Narinig kong bumalik si Aling Minda sa labas, nagsasara ng pinto. ’Yung tunog ng mga kuliglig, halong huni ng mga palaka—parang lullaby ng probinsya. I hate to admit it, pero may parte sa’kin na gustong magustuhan ’yung ganitong katahimikan.
Tinakpan ko ng kumot ang mukha ko, pero hindi ko maiwasang isipin ’yung ngiti niya kanina. Yung simpleng tawa niya, hindi forced, hindi pilit.
Bakit ba naaalala ko pa rin?
Ugh. Maybe it’s just the heat. Oo, init lang ’to. Hindi infatuation. Hindi attraction. Just… dehydration.
“Lex,” tawag ni Zyra, antok na. “Don’t overthink. It’s just day one.”
“Exactly,” sagot ko. “And I already want to murder someone.”
Sabay-sabay silang natawa bago tuluyang natahimik ang kwarto.
Pero ako, gising pa rin.
Nakatitig sa kisame, nakikinig sa huni sa labas.
Sa malayo, naririnig ko pa rin ’yung mga yapak sa labas—malalim, mabagal. Siguro siya ’yun, si Elian, nag-iikot pa rin sa gabi.
Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaibang pakiramdam na hindi naman entirely masama.
And maybe, just maybe, that’s what scared me the most.