CHAPTER 2

1104 Words
(Lexie Monteverdi’s POV) Kung may award lang para sa “Pinaka-maagang nagising dahil sa manok,” sure win ako. Like, seriously — alas-singko pa lang, parang may live concert ng mga manok sa labas. “Crock-a-doodle-don’t,” I mumbled, sabay talukbong ng kumot. Pero syempre, hindi nakinig ang mga manok. At may bonus pa — boses ng mga batang naglalaro sa labas. “Good morning, Ate Aira!” sigaw ng isa. “Good morning din sa inyo!” sagot ni Aira, na obviously mas masipag sa akin at Maagang nagigising. Hindi ko alam kung anong mas nakakainis — yung araw na parang spotlight o yung sigaw ng mga bata na parang nagpa-party sa tapat ng bintana ko. I rolled out of bed, nagpaikot-ikot muna kasi dizzy pa. Paglabas ko, amoy tinapa at garlic rice. Okay fine, gutom na rin ako. Pagdating ko sa dining area, ayun siya. Si Mr. Masungit himself — Elian Cruz — nakaupo, nakapamewang, at parang may meeting sa sarili niya. “Morning,” sabi ko, obviously not meaning it. He just nodded, hindi man lang tumingin. Ang saya ng energy niya, parang walking warning sign. “May rules ako bago kayo magsimula sa project ninyo,” sabi niya habang naglalagay ng kape sa baso. Oh wow. Here we go. “Rules?” tanong ko, sabay upo. “Hindi ba immersion ‘to, not boot camp?” He looked at me — that kind of look na parang sinasabi, ‘isa pa, Lexie, subukan mo lang.’ “Number one,” he started, “respect the workers. Hindi sila props para sa photos niyo.” I gasped. “Excuse me, I don’t even post strangers on my feed!” “Good,” sabi niya. “Then keep it that way.” Napakunot ako ng noo. “Number two,” tuloy niya, “you’ll follow the schedule I’ll set. No late mornings, no loud music, no unnecessary drama.” My jaw dropped. “Drama? Excuse me, ako pa?” He smirked. “You? Never.” Aira and Zyra were both trying not to laugh. “Number three,” dagdag pa niya, “lahat kayo dapat tumulong sa daily tasks. Kahit maliit lang.” “What do you mean small tasks?” tanong ko. He glanced at me. “Paglilinis, paghuhugas ng pinggan, pagtulong sa kusina.” “Ha? Ako? Maghugas ng pinggan?” “Yes, unless may allergic reaction ka sa tubig.” This guy needs an award for being the most irritating man alive. He's getting into my nerves. Maaga akong tatanda sa kaniya o mamamatay sa stress. Tiningnan ko Yung dalawa ayon pangiti ngiti lang kahit na gusto ng tumawa pinipigilan lang, naparoll eyes nga ako tas tiningnan sila ng masama. Sabay walk out. Umagang Kay Ganda Hindi maipinta Ang mukha dahil sa inis. tsk --- After breakfast, dinala niya kami sa field para ipakita ang layout ng barangay kung saan namin gagawin ang immersion project. The sun was attacking me, no joke. “Saan na ‘yung bahay ni Kapitan?” tanong ni Aira. “Doon,” sagot ni Elian, sabay turo sa kabilang side ng bukid. Habang naglalakad kami, may mga locals na bumabati sa kanya. “Elian, salamat ha sa tulong kahapon!” He just smiled and waved back. Okay, fine — may charm siya kapag hindi siya nagsasalita. Pero nung tumingin siya sa’kin at napansin na nakataas ‘yung kilay ko, balik agad sa blank face. “Bakit?” tanong niya. “Nothing,” I said. “Just surprised you can actually smile.” “Depends who I’m talking to,” sagot niya. Touche. --- Pagdating namin sa barangay hall, sinalubong kami ng ilang locals. May mga bata, may mga nanay, may mga lolo’t lola. Everything felt so raw — parang ibang mundo talaga. Nagpa-self-introduction kami. “Hi po, I’m Aira! Architecture student po ako from Manila!” “Zyra po, multimedia arts!” Ako naman — “Lexie, Communications major po.” Biglang may nanay na nagtanong, “Ah ikaw pala ‘yung magtuturo ng social media basics?” “Yes po!” sagot ko, full confidence. “We’ll teach the youth how to use digital platforms responsibly.” Pero may isang lolo na natawa. “Sana turuan mo rin kami gumamit ng sss nang hindi nadedeactivate!” Tumawa ang lahat — except Elian. He was just staring at me. Pagkatapos ng introductions, nagtanong ako kay Manang sa tabi, “Do you usually have this kind of programs here?” Bigla siyang natahimik, parang nahiya. “Iha, hindi masyado. Minsan lang, kasi… busy si Elian sa mga gawaing bukid.” Before I could answer, sumabat siya. “Hindi kasi lahat ng bagay kailangang i-post.” “Oh, I was just asking,” sagot ko. “Exactly. Masyado kang maraming tanong.” Aira stepped in, “Guys, chill.” Pero ako, boiling. “Maybe if someone here actually explained things instead of brooding like Batman—” “Batman?” “Yes. You. Mister I-hate-fun.” Tahimik. Then he walked away, hands in pockets. “Hindi ko kailangan magpaliwanag sa mga bisita.” And that’s when I realized — he’s not just masungit. He’s complicated. And I hate that I’m curious. --- Pagbalik namin sa hacienda, lahat pagod. Pero syempre ako, hindi pa rin mapakali. I found him sa may barn, nag-aayos ng tools. “Hoy,” sabi ko. He didn’t even look. “Ano?” “Kanina… bakit parang galit ka?” “Hindi ako galit.” “Then bakit ang sungit mo?” “Natural voice ko lang ‘to.” “Natural attitude mo rin?” He finally turned to me. “Lexie, kung ayaw mong mahirapan dito, matuto kang makisama.” “Excuse me, ako pa ba ang hindi marunong makisama?!” “Hindi lahat ng ngiti, pakikisama.” I stared at him, speechless. Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis o mapahiya. “Good night,” sabi niya, sabay lakad palayo. --- That night, I couldn’t sleep. Hindi dahil sa manok this time — dahil sa kanya. Inis pa rin ako. Pero… curious. Ano bang pinagdadaanan ng taong ‘yon? Bakit parang may laging bigat sa mga mata niya? Sinulat ko ulit sa journal ko: Day 2: I still hate him. But maybe… I’m starting to understand why he’s the way he is. Tapos tinakpan ko agad. Nope. Hindi ako pwedeng ma-sway ng isang masungit na lalaki. Never. Pero habang pinipikit ko ang mga mata ko, narinig ko sa labas ‘yung boses niya, mahina lang, talking to someone about harvest schedules. Calm, steady, different. And that annoyed me even more.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD