(Lexie Monteverdi's POV)
Isang linggo na kaming nakatira dito sa Hacienda Cruz. Pero sa totoo lang? Hindi pa rin ako sanay.
Ang lamig ng hangin tuwing umaga, parang galing sa ref. ‘Yung mga ibon, parang may sariling alarm clock routine. At ‘yung mga tao? Grabe, sobrang friendly—borderline too friendly.
Sina Aira at Zyra, ayun, parang sanay na sanay na.
Si Aira, kinakausap na ‘yung mga staff na parang kilalang-kilala niya.
Si Zyra naman, halos araw-arawin na sa kusina.
Ako? Ako ‘yung tipong naliligaw pa rin kahit tatlong beses ko nang nadaanan ‘yung hallway.
“Lex, sure ka bang hindi ka allergic sa nature?” tanong ni Zyra isang umaga habang nag-aalmusal kami sa veranda.
“Hindi ako allergic. Naiirita lang ako sa sobrang tahimik,” sagot ko, sabay kagat ng tinapay.
Aira tumawa. “Girl, tahimik nga, pero may Elian. Hindi mo ba napapansin? Lagi niyang nilalapitan si Prof kapag may meeting.”
“Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi naman ako interesado sa kanya.”
“Hindi pa,” sabay-sabay nilang sabi.
Ayun na naman. Magandang umaga, pang-aasar.
That afternoon, kailangan naming magtulong sa barangay hall. Community engagement daw, sabi ni Prof.
Assigned ako mag-assist sa orientation para sa mga bata.
Of course, si Elian din ang kasama ko. Kasi nga naman, bakit hindi? Kapag malas ka, malas talaga.
Habang nagse-set up kami ng projector, pinagmamasdan ko siya mula sa gilid ng mata.
Suot niya ‘yung plain white shirt na bahagyang nakatupi ang manggas—bakit ba ang mga lalaki, kapag simple lang suot, parang may sariling soundtrack?
Umiling ako. Focus, Lex. Hindi ka pwedeng magpabighani sa mga biceps.
“Need help?” tanong niya bigla.
“Huh? Hindi. Kaya ko ‘to.”
“Sure? Kasi kanina pa ‘yang HDMI cable na hawak mo, baliktad.”
Ayun. Sinumpa ko ang teknolohiya. At siya.
Nagpalit ako ng posisyon, kunwari chill lang. “Alam mo, minsan hindi mo na kailangan magsalita, nararamdaman ko na agad ‘yung judgment.”
Ngumiti siya, ‘yung ngiti na may halong amusement. “Hindi ako nagju-judge. I’m observing.”
“Same thing.”
“Difference is, I look good doing it.”
Napangiwi ako. “Wow. Confidence level: sky’s the limit.”
“Self-awareness, Lex. Try mo minsan.”
Naiinis ako, pero somehow, natawa rin ako. Bwisit.
Pagkatapos ng orientation ni Prof, ako na daw mag-lead sa icebreaker.
Simple lang dapat—sayaw, tawanan, good vibes.
Pero syempre, dahil malas ako, ‘yung mic biglang nag-feedback nang malakas.
EEEEEEEEK!
“AHHH!” sigaw ng mga bata.
“Sorry! Sorry!” sabi ko, nagpa-wave pa ng kamay na parang flight attendant na na-out of route.
Si Elian, siyempre, nakasandal lang sa pader, arms crossed, amused na amused.
“Wow, ang galing mo talaga mag-make ng entrance,” sabi niya.
“Thank you. I try.” sabay ngiti ko nang pilit.
Pero habang nagta-talk ako, may batang sumigaw bigla:
“Miss Lexie! Crush ka daw ni Kuya Elian!”
Tahimik.
As in, buong barangay hall, tahimik.
Tapos maririnig mo si Zyra sa gilid, halos mamatay sa pigil-tawa.
I looked at Elian—nakataas lang kilay niya.
“Bata lang ‘yan,” sabi ko, sabay fake laugh. “Kids say the craziest things.”
“Hindi naman ako nag-deny,” sabi niya kalmado lang.
What.
What did he just say?!
Naramdaman kong uminit ‘yung mukha ko.
“Excuse me?”
He shrugged. “Sabi ko, hindi ako nag-deny.”
“Hindi mo rin kailangan magpanggap.”
“Hindi rin ako nagpapanggap.”
At ‘yun na ‘yung cue ng mga bata para kiligin.
Great. Lexie: 0. Elian: 100.
Kinagabihan, umulan. Hindi basta ambon—yung tipong tropical drama rain.
Nasa may garden ako, nagtatanggal ng mga props na naiwan namin kanina.
Ayoko sanang magpatulong, pero ayun na naman siya, lumapit na parang may sariling radar.
“Bakit hindi mo ‘to pinagawa sa staff?” tanong niya habang tinatanggal din ‘yung mga banner.
“Gusto ko lang matapos. Besides, ako ang may pakana nito.”
“Hmm. Responsible. Impressive.”
Tahimik kami saglit. Naririnig ko lang ‘yung ulan sa bubong ng gazebo.
Biglang may malakas na hangin. Tumalsik ‘yung tela, at muntik na akong mabasa nang buhos ng ulan—
Pero bago pa ako makatakbo, may mainit na kamay na humawak sa braso ko.
Si Elian. Nakatayo sa harap ko.
Basang-basa na ‘yung balikat niya dahil sa ulan, pero parang hindi niya iniinda.
“Stay still,” sabi niya.
Tapos, hinila niya ako palapit sa ilalim ng payong na hawak niya.
Ang lapit namin. As in, too close for comfort.
Ramdam ko ‘yung patak ng ulan sa paligid namin, pero tahimik ang pagitan namin.
Hindi siya nagsasalita. Ako rin.
Then, that one look.
Yung titig na parang nagsasabing “I see right through you.”
Yung tipo na gusto mong umiwas, pero hindi mo magawa.
“Thanks,” sabi ko, halos pabulong.
“Anytime,” sagot niya, simple lang.
Pero ramdam kong hindi na simple ‘yung t***k ng puso ko.
Later that night, habang tahimik na ang Hacienda, nakaupo ako sa balcony ng kwarto namin.
May hawak akong notebook—‘yung project journal namin na supposedly for reflections.
Pero ang laman ng page ngayon?
Day 7: Hindi ko alam kung anong mas nakakainis—si Elian, o ‘yung fact na hindi ko siya ma-ignore.
He’s annoying, arrogant, and somehow... nice?
No. Delete that. He’s just—helpful. That’s it. Helpful.
Sinulat ko pa: If he keeps smiling like that, I might actually—NOPE. Never mind.
Napailing ako. Nilagyan ko ng malaking X ‘yung buong paragraph, pero bago ko pa masara ‘yung notebook, narinig ko ‘yung mga boses nina Aira at Zyra sa labas.
“Lexieee!” sigaw ni Aira. “May chismis! Si Elian daw tinanong si Prof kung ilang months daw ba tayo dito magstay!”
“Baka gusto na niya tayong umuwi,” sabi ko agad.
“O baka gusto pa niya tayong tumagal,” sabi ni Zyra, sabay tawa.
Hinagisan ko sila ng throw pillow.
“Good night!” sabi ko, pero hindi na ako nakatulog agad.
Kasi sa totoo lang—hindi ko alam kung gusto kong umalis...
O gusto ko pang manatili. Makatulog na nga lng matagal pa Ang 3 months.