3 | Her Name

3954 Words
WARNING: SOFT SPG AHEAD! ENJOY READING! (/>o<)/ •×•×•×•×•×•×•×•×•×• NAGISING si Faith dahil sa huni ng mga ibon na nagmumula sa labas ng bintana. Nang imulat niya ang mata ay tumambad sa kanya ang matipunong dibdib ng asawa. Inangat niya ang tingin at nakitang tulog pa ito. Napansin niya ang isang kamay nito ay nakayakap sa kanyang baywang at ang isa ay kanyang inunan. Muli niyang tiningnan ang mapayapa nitong mukha at hindi mapigilang haplusin gamit ang hintuturo. Marahan niyang hinaplos ang makakapak nitong kilay pababa sa matangos nitong ilong at mapupulang labi. Pansin niyang medyo kumakapal na ang balbas at bigot nito, but it didn't bother. It makes him more manly. Tinanggal niya ang kumot na nakatabon sa kanyang baywang at marahang inalis ang pagkakayakap nito sa kanya. Marahan siyang tumayo upang hindi ito magising. Naisip niyang ipaghanda ito ng umagahan dahil alam niyang papasok ito sa trabaho. Pagkababa sa kitchen ay nakita niya si nanay Rosa na nagkakape sa lamesa. Lumapit siya dito at binati ang ginang. "Magandang umaga po nanay Rosa." "Oh magandang umaga rin hija. Ang aga mo ata magising?" "Ah gusto ko po sanang ipagluto si Lorenzo ng breakfast." "Ay ka-sweet mong asawa. Gusto mo bang tulungan kita?" "Naku hindi na po. Magkape nalang po kayo diyan at ipaghahanda ko na rin po kayo." Ngiti niya sa ginang at itinali ang buhok. Naisipan niyang magluto na lamang ng pancake, fried rice at scrambled egg. "Nay Rosa, ano hong gusto niyong kainin?" Tanong niya sa ginang na sumisimsim ng kape sa baso nito. "Iyang pancake mo nalang hija. Mukhang masarap sa amoy pa lang." "Naku nambola pa po kayo..." Tawa niya at inabutan ang ginang ng isang plato ng pancake. Humiwa ito ng slice doon at sinubo. "Hmmm masarap ah... Hindi tulad nung mga ordinaryong pancake lang. Ano bang nilagay mo?" "Wala po, sinunod ko lang po ang procedure. Baka nga po tiyamba lang eh" biro niya. Nakita niya si Lorenzo'ng papalapit sa kinaroroonan nila. Wala itong pang-itaas at tanging grey na pajama lang ang suot kaya kitang-kita ang matipuno nitong pangangatawan. Nakita ni nanay Rosa ang biglang pagtahimik ni Faith. Napansin niyang nakatulala ito at sinundan ang tinitingnan nito. Si Lorenzo na halatang bagong gising lang dahil sa pupungas-pungas na mata at magulong ayos na buhok. Tumikhim siya nang siyang dahilan ng pagbalik sa sariling diwa ni Faith. "Teka muna at gigisingin ko lang sila Seli at Martha." Tukoy niya sa dalawa pang kasambahay at umalis. Naiwan naman ang dalawa sa kusina. "A-ah pasensya ka na at pinakealaman ko itong kusina mo. N-nagluto nga pala ako ng breakfast. Teka ipaghahanda kita." Hindi alam sa sarili ni Faith kung bakit siya nauutal. Hindi niya lang talaga maiwasang titigan ang lalaki lalo na't hubad-baro ito. Hindi niya lang matanggihan ang grasyang nakahanda sa kanyang harap lalo na at masarap itong titigan. 'Dios ko Faith, nahiya ka pa e ilang beses niyo na ngang ginawa iyon.' Namula siya sa kanyang naisip. Kung pwede lang sampalin ang sarili sa harap nito ay gagawin niya na. Paglapag niya ng pinggan na naglalaman ng scrambled egg sa lamesa ay nagtama ang kanilang mata. Titig na titig ito sa kanya at sinusundan ng tingin ang bawat galaw. Hindi niya tuloy maiwasang mailang sa pagkilos. Tahimik lang ang buong kusina at tanging mga kalansing lang ng mga kubyertos na inilalapag niya sa lamesa ang madidinig. Muling tumalikod si Faith upang magsandok ng Fried rice mula sa pan. Napansin ni Lorenzo na kanina pa tensyonado si Faith simula nang dumating siya. Pinakatitigan niya ang nakatalikod nitong kabuuan. Naka-white-spaghetti strap lamang ito at pink pajama. Medyo hapit sa katawan nito ang damit at kitang-kita ang hubig ng balingkinitang katawan ng asawa. Naka-lose pony tale ang buhok nito kaya lantad sa kanya ang maputi nitong likod at leeg. Nakita niyang mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa bowl na may lamang fried rice. Siguro'y naramdaman nitong nakatingin siya dito. Lumapit siya sa likod ng babae at hinawakan ang leeg at inilapit ang bibig sa tenga nito. "Faith..." Nagitla ito at natigilan sa ginagawa. Randam ni Faith ang mainit na hininga ni Lorenzo na tumatama sa kanyang leeg at pisngi. Hinawakan nito ang kamay niyang may hawak na bowl samantala ang isa ay sa kanyang baywang. "Breathe." Sa sinabi ng lalaki ay doon na lamang napagtanto ni Faith na kanina pa niya pigil ang paghinga. Napabuga siya ng hangin at animo'y hinahapong huminga. Sa pagkakataong iyon ay kinuha sa kanya ni Lorenzo ang bowl na siya namang ikinalingon niya rito. Nagtama ang kanilang paningin. Iilang pulgada na lamang ang layo nila sa isa't-isa at umisang maling galaw ay maaari nang maglapat ang kanilang mga labi. Hinapit pa siya nito palapit sa katawan nang siyang dahilan nang tuluyang paglalapat ng kanilang labi. Sa una ay banayad hanggang sa napakapit siya sa marmol sa kanyang likod nang mas palalimin pa nito ang kanilang halik. Mas humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang baywang at pinipisil-pisil. Ibababa na sana ni Lorenzo ang kaniyang halik sa leeg ni Faith nang biglang bumukas ang pinto ng maids room at naabutan sila ni nanay Rosa sa ganoong posisyon. "Faithㅡay Dios ko!" Agad na naputol ang mainit nilang halik. Namumulang napayuko si Faith habang ang asawang si Lorenzo ay bakas sa mukha ang pagkabitin. Agad na umalis si nanay Rosa at hindi na nahabol pa ni Faith. "Nakakahiya..." Kagat-labi niyang bulong at tinakpan ang namumulang mukha saka umalis sa harap ng asawa. "Anong nakakahiya? We're married. Natural lang na makita nila tayong naghahalikan." "Kahit na. Kung hindi pa dumating si nanay Rosa baka may milagro nang nangyari." "So you're expecting us to do it huh?" Namula siya sa tinuran ng asawa. Inilapag nito ang bowl sa lamesa at hinawakan siya sa magkabilang baywang. "Let's continue then." "Ano ka ba?" Mahina niya itong tinulak sa dibdib. "Mahiya ka nga baka may makakita pa ulit satin." Hinila niya ang isang upuan at umupo. "So? What's wrong? I told you, we're married---" "Tigilan mo'ko. Kumain ka na baka ma-late ka pa." Nangi-ngiting umupo ito sa kanyang tabi at sumalok na rin ng pagkain. •×•×•×•×•×•×•×•×•×• NASA garden si Faith kasama sina Seli at Martha. Naisipan niyang tulungan ang nga ito sa pagdidilig ng mga halaman. Si Lorenzo nama'y nasa kanilang kwarto at naghahanda na sa pagpasok. "Alam mo ate Faith, mas bet ka namin kesa doon sa dating nobya ni Señorito." Sabat ni Martha habang hawak ang isang gunting at pinuputol ang mga patay na dahon. "Oo nga. Aba'y sa sobrang maldita noon ay gusto pa kaming palayasin dito eh hindi naman siya ang amo namin." Pagsang-ayon ni Seli na hawak ang isang hose. "Baka naman may dahilan siya kaya nagawa niya iyon." "Nakow! ang sabihin niya kamo gusto niya lang masolo si Señorito Alonzo at mabili lahat ng luho." "Saka ate, halata namang pinambabayad niya lang ng utang ang perang ibinibigay sa kanya ni Señorito at ibinibili ng kung ano." Napipilitang ngumiti siya sa nga ito. Hindi niya na ginatungan ang mga ito at baka kung saan pa mapadpad ang usapan. Kinuha niya ang isang basket na naglalaman ng mga bulaklak at isa-isang inilagay sa mga paso. Pagkababa ni Lorenzo ay kakapasok lang ni Boyet. May dala itong pala at maputik-putik pa, gayon din ang suot nitong pantalon na tinupi hanggang tuhod. "Goodmorning po Señorito." Bati nito sa kanya. Tinanguan niya lamang ito at kinuha ang susi ng kotse sa tabi ng vase. Napansin niyang may nakalagay doong bagong pitas na mga bulaklak. Pabalik na si boyet nang tawagin siya ni Lorenzo "Boyet, where's Faith?" "Ah nasa garden po kasama po si Seli at si Martha nagtatanim. Ayaw po paawat eh." Kamot nito sa ulo. Lumabas ng bahay si Lorenzo at nakitang may hawak na basket ang asawa at masayang nakikipag-kwentuhan sa mga kasama. Habang papalapit ay pinagmasdan niya ang dalaga. Nakasuot ito ng floral dress na aabot hanggang itaas ng tuhod at naka-sandals. Simple lamang tingnan ngunit napakaganda nito sa babae. May iilang dahon na ang nasabit sa maalon nitong buhok. Lumapit siya sa mga ito at tumikhim. Natigilan naman ang dalawa sa paghagikgik samantalang ang asawa ay hindi ata siya narinig. "Oh? Why did you stop laughing? May mali ba sa sinabi ko? Mukha naman talaga siyang si Red sa angry birds kapag seryoso ang mukha niya." Muli itong tumawa. Tama ba ang narinig niya? Siya ba ang pinag-uusapan ng mga ito? Tumatawa pa rin ang asawa at hindi ata nararamdaman ang presensya niya. Muli siyang tumikhim at sinadya niya iyong lakasan dahilan ng biglang paglingon nito sa kanya. "L-lorenzo... Ah... a-alis ka na ba?" Nauutal nitong sabi. Tiningnan niya lamang ito. Biglang nakaramdam si Faith ng kaba. Nakatitig lamang ito sa kanya at blanko ang ekspresyon sa mukha. Narinig niya ata ang usapan nila. Itinaas nito ang kamay dahilan upang mapapikit siya. Inaasahan niya na baka saktan siya nuto dahil sa sinabi ngunit naramdaman niyang may tinanggal ito sa kanyang buhok. Nagmulat siya ng mata. "Baka naiinitan ka na dito. Here wear this." Isnuot nito sa kanya ang sumbrerong hawak. "I'll go now. Baka gabihin na ako ng uwi. Call me if you needed something. Si nanay Rosa na ang bahala sa inyo." Anito at hinawakan siya sa kanyang baba at ginawaran ng magaang halik sa labi. Napatitig siya rito dahil sa pagkagulat. "Bye." Ngiti nito at kinuha kay Boyet ang susi ng kotse saka umalis. Kinikilig naman na lumapit si Seli at Martha kay Faith at tinukso ang babae na hanggabg ngayon ay nakatanaw pa rin sa papalayong sasakyan ng asawa. "Naku~ Ang sweet pala ni Sir..." "Ngayon ko palang siya nakitang ngumiti ng ganoon." Napakurap si Faith ng ilang beses. Hindi niya mapigilang mapa-isip sa tinuran ni Lorenzo. Baka nagpapanggap lang ito dahil hindi pa alam ng mga tao sa resthouse ang totoo sa kanila. Hinawakan niya ang kanyang dibdib at ramdam ang mabilis na pagtibok ng puso. 'No Faith. Pigilan mo hanggang kaya mo. Tandaan mong hindi ikaw ang mahal ni Lorenzo. Pinili ka lang niya dahil wala siyang choice at ganoon ka din.' •×•×•×•×•×•×•×•×•×• ABALANG nagtitipa sa kanyang laptop si Lorenzo nang pumasok si Victor. Kaibigan na niya ito simula pa nung college at ngayon ay katuwang niya sa pagtatayo ng bago nilang business. "Any news, Victor?" "For now ganoon pa din. Wala pa ring lead kung sino yung nagbigay sa inyo ni Faith ng party drugs na hinalo sa ininom niyong wine. Wala rin sa list ng mga caterers nang gabing iyon ang lalaki. Nagtanong na ako kung may nakakakilala ba sa lalaki, hindi daw nila kilala ito dahil lahat naman daw sila sa team ay magkakakilala." Kay Victor siya nang hingi ng tulong upang paimbestigahan ang sabwatan na nangyari noong gabing iyon sa party. Malaki ang naging epekto nito maging sa kumpanya nila. Ang ibang investors and sociociate nila ay umatras dahil maaari din silang masali sa issue. Alam niyang may kung sino ang gustong sumira sa kanyang pangalan kaya may nagsabutahe sa pangyayare, to make a big damage to their name and company. Marami silang natapakan at nais maghiganti nung mga panahong lumalago na ang business nila kaya maaaring isa sa mga ito ang may pakana niyon. "How about the witness?" "Ayaw niyang magsalita. For sure inalok iyon ng malaking halaga ng taong iyon or tinakot." "Thanks Vic. For now kailangan nating mas lalong mag-ingat sa galaw, anytime ay gagawa ng paraan ang mga iyon para siraan ang pangalan ng company." 'Sa oras na malaman ko kung sino man ang taong iyon. He will pay for this.' Nagtagis ang kanyang bagang at mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa ballpen. •×•×•×•×•×•×•×•×•×• TATLONG linggo ang lumipas simula nang tumira sila ni Lorenzo sa bahay nito. Nasanay na rin siyang pakitunguhan ang mga tao roon gayun din ang asawa. Gigising siya nang maaga at ipaghahanda ito ng umagahan. Sa tanghali, tinutulungan niya sina Seli at Martha sa mga gawain at si nanay Rosa sa kusina. Pag-uwi ni Lorenzo ay sabay silang maghahapunan at saglit na manonood o magku-kwentuhan sa sala. Sa gabi ay kadalasang bigla na lamang siya yayakapin ng asawa mula sa likuran at papaliguan ng halik na nauuwi sa romansa. Tiniklop ni Faith ang librong kanyang binabasa. Maagang umalis si Lorenzo at 'di na siya pnakapagluto ng breakfast para rito, sa office nalang daw ito mag-uumagahan. Inayos niya ang kumot at higaan. Pagkababa ay naabutan niya si nanay Rosa na may hawak na payong at sa isang kamay ay pitaka. "Good morning nanay Rosa! Saan po kayo pupunta?" "Oh hija, mamalengke ako ngayon. Gusto mo ba sumama?" "Sige po, magbibihis lang po ako." Bumalik siya sa kwarto at nagbihis. Simpleng itim na leggings at plain shirt lamang ang kanyang isinuot. Medyo hapit sa kanyang katawan ang suot na damit at mahahalata ang kurba. Hinayaan niya lang nakalugay ang maalon niyang buhok saka nagsuot ng tsinelas at lumabas ng bahay. Nakita niya si nanay Rosa at Boyet na nakasakay sa isang owner type jeep at hinihintay siya. Kinapa niya ang cellphone sa bulsa ng kanyang leggings at tinext ang asawa. "Halika na Faith, may idi-deliver pa si boyet sa bayan." "Nandiyan na po!" Sigaw niya at tumakbo palapit sa mga ito. •×•×•×•×•×•×•×•×•×• NAGBABASA ng isang dokumento si Lorenzo sa kanyang opisina nang tumunog ang kanyang cellphone hudyat na may nagtext dito. Faith ?: I'm going with nanay Rosa, mamalengke sa bayan. Kasama namin si Boyet idi-deliver daw ang mga gulay.Baka mapadaan kami dyan, may gusto ka bang kainin for lunch? 'This woman... kung alam mo lang kung ano gusto ko kainin' ngiti niya habang nagtipa nang irereply. "Naks, sino ba 'yang ka-text mo at napapangiti ka pa diyan?" Tukso ni Victor na kapapasok lang. Hindi niya ito pinansin. Lorenzo ?: None. Wag na kayong pumunta dito, uuwi rin naman ako ng maaga. Told Boyet to buy some seeds and feeds para sa rancho. Pagkatapos magreply ay bumalik siya sa pagbabasa ng dokumento. Ibinaba ni Victor ang mga hawak na papeles sa kanyang table at tiningnan ang seryosong mukha ng kaibigan. "So... Si Tiffany ba?" Nagtaas ito ng tingin at tiningnan siya ng masama. Itinaas ni Victor ang dalawang kamay bilang pagsuko. "Okay, okay. Sabi ko nga wala akong pakealam o baka naman lalaki?" Biglang napatakbo palabas ng opisina si Victor nang biglang may lumipad na stapler. "Hoy grabe ka! Stapler 'yon, Alam mo bang pwede mong masira ang gwapo kong mukha?" Silip niya sa pinto bago tuluyang umalis nang muling bumato si Lorenzo ng ballpen. •×•×•×•×•×•×•×•×•×• HABANG nasa biyahe, napansin ni nanay Rosa na kanina pa kinukutingting ni Faith ang cellphone nito. "Hija, sino ba iyang katext mo at kanina ka pa tipa nang tipa diyan?" "Ah, pinaalam ko lang po kay Lorenzo na pupunta ho tayong bayan para mamalengke. Nga pala Boyet pinasasabi ni Lorenzo na bumili ka raw ng mga buto at feed para sa rancho." "Copy, Señorita." "May rancho po pala sa Resthouse?" Tanong niya kay nanay Rosa. "Ay, oo, meron. Kita mo ba yung lumang gate sa likod-bahay?" Tumango siya rito. "Iyon ang daan papuntang rancho. Naku kung makita mo lang ang rancho, parang nasa probinsya ka lang. May mga alagang kabayo si Lorenzo para mas madaling makapunta roon." "Saka Señorita, kung makapunta ka roon, may lawa sa dulo at kubo na pwede mong pagpahingahan." Sabat ni Boyet habang nagdadrive. Itinigil nito ang sasakyan at bumaba. Bubuksan naniya sana ang pinto nang ito ang magbukas para sa kanya. "Salamat." Inalalayan siys nito bumaba gayon din si nanay Rosa. "Nay Rosa, mauna na ho kayo. Magbaba pa po ako ng mga ito," hawak nito sa mga basket na naglalaman ng gulay at prutas. "Baka matagalan pa po kayo kung hihintayin niyo pa po ako." "O sige, kami nalang mamimili ng ipinabibili ni Lorenzo. Hintayin mo nalang kami dito. Halika na, hija." Pagpasok sa isang iskinita ay bumungad sa kanila ang maingay at buhay na buhay na lugar. Dinig din ang mga tawaran at panghihikayat ng ibang tindera sa mga mamimili. Naglakad sila ng kaunti at lumapit sa nagtitinda ng mga isda. "Oy, Rosa! Himala, ngayon ka nalang ulit napunta rito?" Bungad sa kanila ng isang babaeng nay hawak na kutsilyo at isda. "Oo nga eh, pasensya na, ngayon lang umuwi si Lorenzo kaya bibili ako ng mga stock sa bahay." "Umuwi na po si bebㅡI mean Señorito Lorenzo?" Singit ni Lyca na kikay na kikay sa suot na polka dot na damit at suot na ribbon sa ulo. "Sino ba iyang kasama mo?" Taning ni aling Linda kay nanay Rosa. Nilingon ni nanay Rosa si Faith na abalang inililibot ang paningin sa paligid. "Ah, asawa ng alaga ko. Ganda diba?" Nanlaki ang mga mata ni Lyca sa narinig habang kinakausap ang isang mamimili. "Asawa? Asawa ba kamo ni Lorenzo? Aba'y nung huling kita ko doon eh iba ang kasama. Iyong babaeng pagkaarte at sungit..." "Kung makakapit daig pa ang linta kung dumikit..." Pabulong na wika ni Lyca sa tabi ng ina dahilan para lumingon ang dalawang ginang sa kanya. "Ay ate! Ano po inyo?" Agad niyang sabi nang maramdaman ang tingin ng dalawa sa kanya. "Si Tiara? Ti...Tima...Timara?" Pilit ni aling Linda ang pangalan ng babae. "Tiffany." Sagot ni nanay Rosa "Oo! Asan na iyon?" "Nako, matagal nang wala na sila ni Lorenzo." "Eh iyan?" Nguso ni aling Linda sa babaeng nakatingin kung saan. "Mukhang katulad din nung dating nobya ni Lorenzo." "Naku, Hindi! Napakabait nitong batang ito." Hinawakan ni nanay Rosa ang bisig ni Faith dahilan para mapatingin dito ang huli. "Faith si Linda, dating nagtatrabaho sa rancho. Linda si Faith." "Nice to meet you po aling Linda." Magiliw ni Faith at naglahad ng kamay sa ginang. Nagpahid muna ng kamay si aling Linda sa suot niyang apron bago tanggapin ang kamay ni Faith. "Kinagagalak ko ring makilala ka hija." Inaasahan ni aling Linda na ipapahid ni Faith ang kamay nito sa damit nito ngunit pinagsaklop lamang nito ang mga kamay. Iniabot ng isang tindera kay nanay Rosa ang isang plastic ng isda ngunit si Faith ang kumuha niyon. "Naku, hija, ako na't malansa iyan." Agaw ni nanay Rosa sa plastic ng isda ngunit hindi ito binigay ni Faith. "Okay lang po 'nay Rosa." Ngiti ni Faith sa ginang. "Para saan pa po ang pagsama ko sa inyo kung hindi ko kayo tutulungan?" Taas nito sa plastic na hawak. "Kuu... Itong batang ito. Sige na Linda mauna na kami." Hinila na ni nanay Rosa si Faith. Muling ngumiti si Faith kay aling Linda bago sumunod kay nanay Rosa na ikinatulala naman ni aling Linda. Lumapit sa kanya ang anak na si Lyca habang sinusundan ng tingin ang papalayong pigura ng dalawa. "Ma, sino ba iyong kasama ni aling Rosa?" Hindi siya sinagot ng ina at nakatingin pa rin sa dalawa. "Ma..." Muling tawag niya rito. "Ah... Ha?" "Kako sino iyong kasama ni Aling Rosa?" "Ah ano... Si Faith, asawa ni Señorito Lorenzo." "What?!" Matinis na tili ng dalaga. "What-what ka diyan. Itikom mo iyang bibig mo ang sakit mo sa tenga." Ani ng ginang at kumuha ng isda at inilapag sa sangkalan. "Asawa 'yon ng bebe Enzo ko?! Mas maganda pa'ko doon kung tutuusin pagkatapos doon lang sa babaeng iyon napiling magpakasal ng bebe Enzo ko?! Ahhhhhㅡ" "Hindi ka titigil o isasaksak ko'tong isda sa bibig mo?" Banta ng ina at itinutok sa kanya ang isdang hawak na wala nang kaliskis. Napairap at napahalukipkip na lamang ang nayayamot na dalaga. ** Patuloy na tumitingin sa mga bilihin si nanay Rosa at Faith. Nauunang lumalakad ang ginang habang nakasunod si Faith dito. May napansing umiiyak na bata si Faith at mukhang nahiwalay sa mga magulang nito. "'Nay teka lang po." Aniya habang hindi inaalis ang mga mata sa bata at lumapit rito ngunit 'di iyon narinig ng ginang. "Hey little boy, are you lost?" Tumingala sa kanya ang umiiyaj na bata at marahang tumango. Pumantay siya rito at pinunasan ang mga luha nito sa pisngi gamit ang likod ng kamay. "Stop crying na hmmm?" "K-kanina ko pa po hinahanap si mama p-pero hindi ko po siya m-makita." Singhot nito at nagbabadyabg tumulo na naman ang mga butil-butil na luha. "I'll help you to find your mama okay?" Tumayo siya at hinawakan ang maliit nitong kamay. Hindi pa man sila nakakalayo nang may biglang pumalo sa kanyang kaliwang pwet. "Hey!" Lingon niya dito. "What's wrong with you?" Kunot' noong tanong niya sa lalaking naka-itim na sanda at may mga tatto sa mga braso. "Wit-wiw..." Sipol ng isa sa likod at hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ng batang kasama. "Wala pa bang nakapagsasabi sayo miss na napakasexy mo?" Wika ng lalaking pumalo sa kanyang puwitan at akmang hahawakan siya sa balikat ngunit mabilis niyang tinabig ito. "Oy! Palaban." Tawa ng isa pang kasamahan nito. "Huwag niyong saktan si ate o isusumbong ko kayo sa baranggay!" Sigaw ng batang kasama niya. "Hoy, totoy. Umuwi ka nalang at hanapin ang mama mo." Muling nagsitawanan ang mga ito. "H'wag ka nang magpakipot miss ganda. Alam mo, may alam akong masarap puntahan." Hinawakan siya sa kanyang braso ng lalaking nasa kanyang harapan at pilit na isinasama. "Ano ba?! Bitawan mo'ko!" Pagpupumiglas niya ngunit hindi sapat iyon para makawala rito kaya tinulak niya ito dahilan upang mabitawan siya •×•×•×•×•×•×•×•×•×• NAKATAYO si Lorenzo sa harap ng book shelf sa kanyang opisina nang nagvibrate ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito at sinagot. "Yes? Wait-wait. Calm down. What?! Okay, okay. Papunta na'ko diyan." Pinutol niya ang tawag at kinuha ang coat na nasa swivel chair at mabilis na lumabas ng opisina. "Mr. Zem---" "Cancel all my schedule today." Putol niya sa sekretaryang si Maia At agad na sumakay sa elevator. "'Yari doon?" Lapit sa kanya ng isang ka-workmate niya. "Ewan ko, wala namang sinabi. Pero ang nakapagtataka, kapag nasa opisina na si Sir eh hindi na iyon magpapaistorbo kahit kanino." "Baka asawa niya?" "Hmmm... Oo nga, baka manganganak na." "Gaga!" Hamoas sa kanya ng hawak nitong folder. "Isang buwan pa lang silang kasal noh!" •×•×•×•×•×•×•×•×•×• "ABA'T nag-iinarte ka pa?!" Malakas na hablot ng lalaki sa kanyang braso. Nabitawan niya ang batang lalaki at pilit na kumakawala sa pagkakahawak nito sa kanya. "Let me go! Please, help me!" Sigaw niya upang makatawag pansin sa mga tao ngunit habang papalayo sila ay kakaunti na lamang ang mga dumadaan sa bahagibg iyon. "Tulong!" Sigaw ng batang lalaki at tatakbo na sana nang hablutin ito ng isa pang lalaki sa damit. "Huwag ka nang humingi ng tulong totoy. Kaya na namin 'to..." tawa nito ng nakakaloko. "Ano ba?! I said let me go!" Patuloy na pagpupumiglas ni Faith nang may magsalita sa kanilang likuran. "Let her go." Mapanganib nitong wika na ikinatigil at lingon nilang lahat. •×•×•×•×•×•×•×•×•×• Itutuloy... Hope you enjoyed! Don't forget to VOTE and leave a comment~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD