Nagsimula na ang klase sa School na papasukan ko,schoolmate ko si Paula na nasa 1st year College,Tourism din ang kinukuha nito.Sa unang linggo ko dito sa University ay agad ako nakatagpo ng bagong kaibigan si Ana at Chacha,mga kalog sila at masarap kasama magbestfriend pala silang dalawa simula pa ng high School, mukha daw akong mabait kaya nilapitan nila ako sa room at nakipagkaibigan sila sa akin..Kumakain kami sa Cafeteria(canteen) ng lapitan kami ng magkakaibigang Paulo,Justine at Clark mga classmate namin sila..
''hi girls,pwede makiupo sa inyo wala na kasi bakante''..sabi ni Paulo sa amin ng makalapit sila
''Sure''.simpleng sagot ni Chacha na sa pagkakaalam ko boyfriend niya si Clark
Tumabi nga sa amin ang tatlo, katabi ni Chacha ang boyfriend niyang si Clark,katabi naman ni Ana si Paulo na manliligaw niya simula pa daw ng 2nd year college sila, ako naman katabi ko si Justine na halatang nagpapacute sa akin pero di ko pinapansin may itsura naman ito at matalino din pero wala siyang dating sa akin hindi tulad ni Zach boses pa lang kakabahan kana..
''Uy tinatanong ka ni Justine''..sabi ni Chacha sa akin na tinapik pa ang kamay kong nakapatong sa mesa
''ah,ano yun?..biglang tanong ko dito
''lagi kana lang tulala,may iniisip kana naman siguro''.natatawa sabi ni Ana
''wala kaya,ano bang tinatanong mo Justine?..baling ko sa katabi kong si Justine
''tinatanong ko kung pwede kang ligawan?..sabi nitong titig na titig sa akin.
''ah,e kakakilala lang natin''..nauutal na sabi ko na nagulat sa kanya.
''ano kakakilala? e isang buwan na tayo magkasama sa klase''..naiiling na sagot niya
''ibig kong sabihin ngayon nga lang tayo nagkausap nang ganito tapos gusto mo ligawan mo na ako ni hindi pa nga natin masyadong kilala ang isa't-isa''.sabi ko dito
''Sophia lagi ka naman kinakausap niyang si Justine,kaso lagi lumilipad ang utak mo kaya di mo siya napapansin''..natatawa sabi ni Chacha
''paano ba yan pare di ka pa nga nanliligaw nabubusted kana''....pang-aalaska naman ng kaibigan nitong si Clark.
''Naku Justine hayaan mo muna ito kaibigan namin pag-iisipan pa niya''..sabi naman ni Ana dito
Pagtapos ng tagpong iyon ay hindi na tumigil si Justine sa panliligaw sa akin kahit di ako pumayag ligawan niya ako lagi niya ako hinihintay sa may gate pag papasok ako,lagi nagbibigay ng chocolate at flowers,di ko na lang nga iniuuwi ang mga bulaklak dahil baka malaman pa sa bahay na may nanliligaw sa akin at isa pa baka makita ni Zach,si Paula lang ang nakakaalam ng tungkol kay Justine.
- katatapos lang ng huling klase namin sa hapon magkakasabay kami naglalakad ng mga kaibigan ko at tulad ng nangyayari araw-araw kasabay namin sina Clark,Paulo at Justine,kinuha pa ni Justine sa akin ang dala kong aklat kahit anu tanggi ko makulit talaga siya kaya binigay ko na lang sa kanya ang aklat na dala ko para di na siya mangulit,Nang nasa gate na kami ay nagkanya kanya na kaming magkakaibigan naiwan kami ni Justine sa may labas ng gate.
''May sundo ka ba?''..tanong ni Justine sa akin
''oo meron Justine''..sabi ko palinga linga ako sa paligid para hanapin kung saan naka park si Mang Ben ang driver nila Ninang ito kasi ang hatid sundo namin ni Paula,may bus Service naman si Keith dahil nasa high school pa lang ito, pero di ko makita si Mang ben sa pwesto pinagpaparkingan nito sa labas ng School,nang mapatingin ako sa Isang kulay Gray na Ford Ranger na kamukha sa sasakyan ni Zach,di nga ako nagkamali kay kuya Zach nga ang sasakyan dahil lumabas ito mula doon at tumingin sa akin lumabas din si Paula nasa backseat ng sasakyan at sumenyas na lumapit ako sa kanila.
''Justine mauna na ako andiyan na pala ang sundo ko''..sabi ko kay Justine na agad ko na kinuha ang aklat ko dito.
''ah sige,mag-iingat ka Sophia''.nakangiti sabi nito
''sige,salamat''.sabi ko dito nginitian din siya at naglakad na papunta kina Paula.
-habang papalapit ako sa sasakyan ni Zach ay pabilis ng pabilis ang t***k ng puso ko parang tambol ito sa sobrang lakas ng t***k,pinagpapawisan ang mga kamay ko sa hindi ko malamang dahilan o dahil ito kay Zach.Nang makalapit ako sa kanila ay agad ng pumasok si Zach sa loob ng sasakyan,sa likod na lang sana ako uupo pero wala ng bakante dahil may mga nakaharang na gamit sa tabi ni Paula na parang sinadya talaga nito dahil pangiti ngiti ito sa akin kaya sa tabi na lang ako ni Zach umupo..Tahamik kami habang nasa biyahe si Paula naman walang tigil sa kakakwento
''ate bakit ang tagal mo?,kanina pa kami dun sa labas e''..pagtatanong ni Paula.
''ang dami kasi namin ginawa sa last subject namin''..sabi ko naman
'' kaya pala ang tagal mo,si Justine yung kasama mo di ba ate,yung Varsity player''?..
Napalingon ako kay Paula kasi alam naman niya iyon bakit tinatanong pa niya sa akin,tinignan ko ito na nagtatanong kumindat lang ito sa akin.
''oo siya nga,classmate ko''....pagsakay ko na lang sa trip ng babaeng ito.
''nanliligaw ba siya sayo?''.tanong na naman ni Paula sa akin
'' Paula Can you stop talking,di ako makapag concentrate sa pagdidrive ko''.. naiinis na sabi ni Zach
''nagtatanong lang naman e''...sabi ni Paula na nanahimik na,ako naman tumingin na lang sa labas ng bintana.
-pagdating namin sa bahay ay nauna ng pumasok si Zach naglakad naman kami ng mabagal ni Paula
''asan si Mang Ben''?..pagtatanong ko dito
''pinag drive si Mom pumunta sila sa birthday ng isang kaibigan ni mommy''.sabi nito na ikinawit ang braso sa braso ko.
''bakit pala ganun ka kanina sa sasakyan'?,kilala mo naman na si Justine''.pag-uusisa ko dito.
''wala yun ate titignan ko lang sana kung ano magiging reaksiyon ni Kuya''...nakangiti sabi nito.
''at bakit naman?,ang suplado nga niyang kuya mo ang sungit pa''...nakanguso sabi ko
''di kana takot sa kanya?''....bigla pag-iiba nito ng usapan..ooppss sorry ate..
''okey lang pero sa tanong mo di ko alam kinakabahan pa rin kasi ako pagnakikita ko siya''..sabi ko dito umakyat na kami sa mga kwarto namin at nagpalit na rin ako ng damit,.Tinawagan ko Si Mama para kamustahin ang mga ito kahit araw-araw ko naman sila kausap sa phone namimiss ko pa din sila,madalas din ako tawagan ng mga kuya ko,minsan inaasar pa nila ko..
''hi Ma,miss ko na po talaga kayo ni Papa''.malungkot na sabi ko kay Mama
''ikaw talaga anak halos araw-araw na nga tayo magka videocall at magkausap sa phone ''..napapatawa sabi nito sa kabilang linya
''pero iba pa din po pagkasama ko kayo,si Papa po?
''nasa flower shop pa at maraming deliver ngayon,nauna lang ako umuwi dahil pagluluto ko siya ng paborito niyang Caldereta,nagrequest din kasi ang kambal..''nakangiti sagot ni Mama
''nakakainggit naman Ma favorite ko din yan e''..nakanguso sagot ko.
''pupuntahan ka namin ni Papa diyan pag wala na masyado trabaho sa shop okey,huwag ka ng malungkot diyan''
''opo Ma,iloveyou Mahal ko kayo ni Papa.''
'' i love you too Sweety..sige na tawagan na lang uli kita magluto lang ako basta pag may problema ka sabihin mo agad kay Mama okey at nandiyan naman ang Ninang mo di ka pababayaan niyan''
''opo Ma.,ingat po kayo diyan''
- bumaba na ako ng tawagin ako ni Keith dumating na daw kasi sina Ninang at kakain na kami,lagi kasi sila sabay sabay na kumakain dito sa bahay yun din ang kinamangha ko sa Pamilya nila, sa bahay kasi lagi ako nauuna kumain pag wala pa sina Mama at Papa sa bahay magagalit kasi sila pag hinintay ko pa sila dumating dahil nalilipasan daw ako ng gutom sina Kuya naman madalas sa labas na kumakain.
Nasa kabilang side ng table si Keith at Paula kaya wala ako choice kung di tumabi kay Zach na seryosong kumakain ni hindi man lang nga ito lumingon sa akin,ilan buwan na ako sa kanila pero wala pa akong natatandaan na nakipag-usap ito sa akin,kaya naiisip ko kung minsan na inis pa din ito sa akin binabalewala ko na lang dahil wala naman ako magagawa gusto kong makagraduate na kaya pagtitiisan ko na lang siya.
''kamusta kana iha?di ka ba nahihirapan sa pag-aaral mo dito?pasensiya kana ngayon lang kita nakamusta busy si Ninong masyado.''...pagtatanong ni Ninong Ruben sa akin,lagi nga kasi wala ito sa bahay dahil sa business nila minsan kasama niya si Ninang na umaalis.
''ayos lang po Ninong,okey naman din po ang turo sa school dito.''magalang na sagot ko.
''wala naman bang mga umaaway sayo?''..tanong pa niya.
''wala po Ninong mababait po ang mga nakikilala ko sa School at may mga kaibigan na rin po ako''nakangiti tugon ko.
''basta pag may problema ka magsasabi ka sa amin''
''opo''
-Pagtapos namin kumain ay tinulungan ko na magligpit ng mesa si Manang Lita ako na din ang naghugas ng pinagkainan namin na madalas ko ng gawin para kahit papano ay makatulong ako sa paglilinis ng bahay tuwing sabado lang kasi sila may tagalinis ng bahay,ayaw daw kasi ni Zach magkaroon sila ng stay in na maid para daw matuto si Paula at Keith sa gawaing bahay.