KABANATA 3

1669 Words
Sinamahan na ako ni Paula sa magiging kwarto ko sa pangalawang palapag ng bahay nila,sobra nakakamangha ang ganda ng mga painting na naka sabit sa wall ng bahay, na alam ko si Kuya Zach ang may gawa,tumuloy kami sa isang guest Room sa taas,magkakatapat ang pintuan ng mga kwarto doon,may anim na kwarto sa taas sa kaliwa ang Master bedroom nasa dulo ito ng pasilyo katapat nito ang isang guest Room,sumunod ang kwarto ni Keith katapat naman nito ang kwarto ni Paula,sa gitna may Library katapat ng terrace at sumunod ang kwarto ko katapat ng kwarto ni kuya Zach,namangha ako sa ganda ng Room ko dahil sa mga stuff toys na nakadisplay doon may Maliit din na Bathroom sa loob ,kulay gray ang kulay ng Pader at mukhang pinaayos talaga ito ni Ninang dahil sobrang linis at ang bango ng kwarto ko.Sinimulan ko ng ilagay ang mga damit ko sa closet,medyo madami din akong dalang damit lalo na ang mga pampaarte ko syempre hindi ko iyon makakalimutan dalhin,nang matapos ako sa pag-aayos tsaka ko naisipang maligo,gabi na rin pala di ko namalayan ang oras.Naisip ko tuloy si Zach baka dumating na yun galing trabaho hindi ko tuloy maiwasang kabahan..Sabi kasi ni Paula may sariling business na ang kuya niya at lagi ito may exhibit ng mga Painting nito sa iba't - ibang lugar para mas lalo ito makilala at halos mga milyonaryo ang mga nagiging cliente nito.Napakahusay daw kasi ng kuya niyang gumawa ng obra,di ko naman yun alam dahil di ko naman na tinitignan ang kuya niya sa social media dahil takot nga akong malaman nito.Natigil ako sa pagsusuklay ng buhok ko ng may kumatok sa kwarto ko at agad pinagbuksan ito. ''ate kakain na''....si paula ang napagbuksan ko ng pinto. ''sige, tapos na din naman ako sa ginagawa ko''....sabay na kami bumabang dalawa naabutan namin sina Ninang,si Ninong na kararating lang din galing sa business trip at Keith na kumakain na tumabi ako kay Paula sa upuan binigyan naman ako ng plato ni Manang Lita ang nag iisang kasambahay nila.May nagpupunta lang daw sa kanila tuwing sabado para maglinis ng bahay at maglaba, si Aling Lita naman ang tagapag luto nila ng pagkain pagtapos nito magluto sa gabi ay umuuwi din ito malapit lang daw kasi ang bahay nito kina Ninang ayaw daw kasi ni Zach lumaki ang mga kapatid niya na aasa sa katulong gusto daw nito matuto ang mga kapatid niya sa gawaing bahay.. Pagtapos namin maghapunan ay nagtulong-tulong na kami ni Paula at Keith sa pagligpit at paghugas ng mga ginamit namin sa hapunan hindi naman ako nahirapan dahil sana'y naman din ako sa gawaing bahay pagtapos namin maglinis ay nagtungo na kami sa Sala para manuod ng t.v nasa mahabang sofa sina Keith,Paula,ako naman nasa pang-isahan upuan at si Ninang nasa kabilang side ko umakyat na sa kwarto si Ninong para matulog na dahil may business trip pa raw uli ito kinabukasan..Kasalukuyan kami nanunuod ng movie ng makarinig ako ng tunog ng sasakyan na pumasok sa gate ng bahay,lumakas bigla ang t***k ng puso ko dahil parang kilala ko na kung sino yung dumating,hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko parang gusto ko ng tumakbo paakyat at magkulong na sa kwarto ko namamawis na rin ang kamay ko sa sobra kaba ko,nagbukas ang pinto sa sala nakatalikod ako doon kaya di ko pa sigurado kung siya yung dumating... ''Son ang aga mo ata ngayon?, alas otso pa lang ah''....tinig iyon ni Ninang ''yeah Mommy''...,sabi ng boses ng lalaking napakasarap pakinggan,parang iba sa boses niya noon na nakakatakot nakatingin pa din ako sa tv na hindi ko na naintindihan ang pinapanood namin....Naramdaman ko na lang na parang may umupo sa tabi ko hindi naman pwedeng si Paula at keith yun dahil andito sila sa mahaba sofa. ''by the way Son,Sophia is here''....sabi ni Ninang,ako naman nakatalikod pa din na sobrang kabado.. ''Sophia?''.....parang iniisip pa nito kung sinong Sophia... ''yeah! Sophia iha humarap ka naman kay Zach para makilala ka niya....natatawa sabi ni Ninang. dahan dahan ako humarap sa may likod ko at sobrang kumabog ang dibdib ko ng makita ko siya,si Kuya Zach,si Zach na pag nakakaharap ko bumibilis ang t***k ng puso ko pero bakit parang iba ngayon, parang hindi dahil sa takot kaya bumibilis ang t***k ng puso ko.Ang mahahaba niyang pilik-mata,ang matangos niyang ilong ang mapula niyang labi napatitig ako sa kabuuan ng mukha niya and all I can say is he is so perfect.. ''Hi''....nakangiti sabi nito na kinakurap ko.. ''hi''..nahihiyang sagot ko sa kanya ''she's pretty di ba kuya?''..singit ni Keith na may halong panunukso sa tinig niya. ''shut up Keith,.''.irita sabi nito na mukhang nagbago ang mood sa sinabi ni Keith,naiinis pa rin ba siya sa akin.. ''kumain kana ba?''....pagtatanong ni ninang sa kanya ''yeah Mom,sige po matutulog na po ako,Im so Tired''....sabi nito na tumayo na sa kinauupuan niya. ''Sige iho'' Sagot ni Ninang dito. ''Paula and Keith huwag kayo magpupuyat''....sabi ni Zach na tumayo na sa kinauupuan niya at bago siya naglakad paakyat ay tinapunan na muna niya ko ng tingin na kina yuko ko. ''aakyat na din ako,kayong tatlo pagtapos niyang pinapanuod niyo umakyat na rin kayo''....sabi ni Ninang sa amin. ''opo Mom'' ''opo''.....sagot ko naman Nakaakyat na si Ninang sa taas,si Keith naman nagtimpla ng tatlo basong gatas at iniabot niya sa amin ni Paula ang tig-iisang chips.. ''kain muna tayo nagutom ako bigla kay kuya''....natatawa sabi nito ''pagtapos ng pinapanuod natin akyat na tayo alam mo naman yon bababa mayamaya yon para i check kung umakyat na tayo''..nakairap na sabi ni Paula,natatawa ako sa kanilang dalawa. ''naku ate di ko pala nasabi sayo medyo may pagkamasungit si kuya,istrikto siya sa amin ni Keith parang siya nga ang Daddy namin ,baka minsan masungitan kanya ganun lang talaga yun pero sobrang mapagmahal noon.Sabi ni Paula ''oo nga ate,di ba madalas mo naman siya kasama dati kaya kilala mo na siya masungit na siya nung mga bata pa tayo mas masungit nga lang siya ngayon''....sabi naman ni Keith na natatawa pa. ''oo alam ko naman yon''...sabi kong naalala na naman ang pangyayari noon kung bakit takot na takot ako sa kanya. * flashback * ''what are you doing''?... sigaw ng fourteen year old na si Zach sa kinakapatid niyang si Sophia ng makita niyang hawak nito ang paint brush at baso kinalalagyan ng ink niya mas lalo siya nagalit ng makita ang hindi pa niya tapos na obra na puno ng ink sa ibabaw. ''Im sorry kuya di ko po sinasadya''....nanginginig na sabi ni Sophia habang lumuluha... ''hindi sinasadya bakit ba kasi ang hilig mo pumunta dito sa kwarto ko,look at my painting''.......nagpupuyos ang galit sabi ni Zach sa umiiyak at nanginginig na si Sophia. ''soo...sorry''.....iyak pa din nito.. ''leave,I said leave''.......malakas na sigaw nito sa kanya. ''di ko na po uulitin''.....iyak pa din nito ''hindi mo na talaga uulitin dahil di na kita papayagang pumasok sa kwarto ko kahit kailan''....Inis na sabi ni Zach kay Sophia. Tinapik ako ni Paula sa kamay kaya nabalik ako sa kasalukuyan ''ate akyat na tayo baka bumaba pa si Kuya mapagalitan tayo''....pag-aaya nito sa akin natapos na pala ang pinapanuod namin na hindi ko man lang namalayan. ''ah Sige''...sagot ko na lang. - Kinabukasan ay maaga ako nagising naabutan ko si Ninang at Aling lita sa may kusina. ''good morning po''..bati ko sa mga ito.. ''ang aga mo nagising iha''...nakangiti tanong ni Ninang. ''naninibago po kasi ko Ninang di rin po ako agad nakatulog kagabi''....pagsasabi ko ng totoo dito. ''masasanay ka din dito sa bahay,umupo kana para makapag-almusal kana''...aya nito sa akin ''antayin ko na lang po sina Paula bumaba'' ''huwag mo ng antayin ang mga yun mamaya pang alas otso babangon ang dalawang yon''.sabi ni Ninang sa akin. 'ala sais pa lang kasi ng umaga kaya maaga pa pero sana'y din kasi ako maaga nagigising para ayusin ang mga bulaklak sa garden sa bahay nakahiligan ko din kasi ang pagtatanim ng halaman tulad nila Mama at Papa mahilig sa mga bulaklak..Pagtapos kong mag-almusal ay nagpaalam ako kay Ninang na pumunta sa likod bahay nila, may garden din kasi sila doon at may swimming pool. Ang gaganda din ng mga tanim na halaman sa garden nila Ninang halos lahat may bulaklak..Kinuha ko ang hose na nasa malapit at binuksan ko ang faucet para madiligan ko ang mga halaman..Abala ako sa aking ginagawa ng biglang may marinig akong tumalon sa pool tinignan ko kung ano iyon,nagulat na lang ako ng makita ko si Zach na lumalangoy..Ang aga naman niyang magswimming at isa pa wala kayang trabaho ngayon ito,naalala ko sunday nga pala ngayon kaya siguro andito siya sa bahay.Nagtago ako sa isang puno para hindi niya ako makita at doon ay malaya ko siya tinignan,,nag-iba na nga ang pangangatawan niya ngayon hindi na siya yung patpatin na bata noon,may abs siya at malalaking muscle tulad kina Kuya,.nataranta ako ng mapatingin siya sa gawi ng pinagtataguan ko hindi ko tuloy alam kung tatakbo ba ako o tatalikod na lang,umahon ito sa pool at kinuha ang towel na nasa table malapit sa pool,napayuko na lang ako at kinuha uli ang hose para pagpatuloy ang ginagawa ko.. ''sa susunod huwag kang nagtatago kung saan,nakakatakot ka , akala ko meron ng white lady dito sa bahay ''...napatalon ako ng magsalita siya sa likod ko lumingon ako sa kanya at nakita ko nakakunot ang noo niya nakatingin sa akin. ''ah...sorry...''....hindi pa ako natatapos magsalita ng talikuran ako nito,pinagpawisan naman ako ng sobra sa pagkapahiya sa kanya akala ko pumasok na siya sa loob ng bahay kanina kaya kampante akong di niya napansin ang pagmamasid ko kanina sa kanya,..pagpasok ko ng bahay ay naabutan ko na sina Paula at Keith sa kusina na nag-aalmusal. ''oh ate ang aga mo palang nagising sabi ni Mommy,mukhang napagod ka sa mga halaman ni Mommy ah''..nangingiti sabi ni Paula pagkapasok ko ng kusina para uminom ng tubig. ''oo nga ate at mukhang namumutla ka anong nangyari sayo?''tanong naman ni Keith. ''wala,,wala naman ganito lang talaga kung minsan namumutla ako''..palusot ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD