Kailangang may gawin na ako ngayon. Hindi naman pwedeng basta basta na lang ako susuko. Ano na lang ang sasabihin ko kina mama? "Ma, kailangang na nating lumipat ng ibang lugar at magpakalayo. May nakakaalam na ng sikreto natin."
Ano 'to teleserye? Kwento sa pocketbook? Cartoons?
"Mama, Papa alam kong matagal na nating tinalikuran ang pagkain ng tao pero dahil may nakakaalam na ng sikreto natin, patawad kailangang ko s'yang gawing laman-tyan."
Kailan pa 'ko naging aswang?
Alam kong ubos na ang kuto sa buhok ko pero bakit panay kamot ako ngayon. Kailangan kong kausapin ang Zeta-Roma para makiusap, magpapaka-humble ako, baka may konti s'yang kabaitan sa puso—Teka. Malabo ata. Sumuko na lang kaya ako? Pero hindi pwede! Basta kailangang may gawin ako. Pa'no ko malalaman kung hindi ko susubukan. Pupuntahan ko na s'ya sa hide out no matter what! Papunta na sana ako sa hideout nang may matanaw ako at napatago ako de oras.
Anong ginagawa ni Mr. Morris sa lugar na 'to? Ang super bait na si Mr. Morris, matagal ko s'yang hindi nakita. Susugurin din ba nya ang leader ng Zeta-Roma? Mukang magandang balita yun. Mas mukang s'ya ang unang maki-kick out sa school. Doon nga ako sa likod mag-iispiya.
Bakit ba ako nakikinig sa lalakeng to? Nagsasalitang mag-isa ang lalakeng 'yon. Pinupuri ang sarili sa ginawa n'ya sa akin. Lakas-tama.
Narinig kong dumating na si Mr. Morris. Sige sir banatan mo s'ya, pagalitan mo nang madala o kaya ipa-kick out n'yo na para maging mapayapa na highschool life ko.
"Kumusta, Lavi? Kumusta ang pag-aaral mo?"
Teka? Tama ba ang narinig ko? Close sila?
"Diba ang sabi ko sa'yo umasta ka na parang okay ang lahat? 'Wag kang makalapit sa kin at kukumustahin ang buhay ko."
Hala! Makasagot sa matanda wagas ah. Gusto ko s'yang batukan sa nga oras na 'to. Bakit ganyan ka makipag-usap sa nakakatanda!
"May pasalubong ako sa'yo diba paborito mo 'tong—"
May pasalubong pa s'ya mula kay sir Morris? Suhol ba 'yon para maging mabait na s'ya at tumigil na sa panggugulo sa school?
"Alisin mo lahat yan sa harap ko."
Oh my goodness! Kahit nakikinig lang ako dito sa baba ramdam ko ang kabastusan ng bibig ng lalakeng 'yon. Bakit ganyan ka makipag-usap. Wala ka bang kahit kaunting paggalang sa matanda?
"May bawal ba sa 'yo dito? May allergy ka ba sa isa sa mga 'to? Sorry—"
"Sorry? Alam mo naman pala ang salitang 'yon. Bakit para sa prutas na 'yan nagawa mong humingi ng sorry pero hindi mo yan nasabi sa 'kin noon nang iwan mo kami ni mama?"
Naalala ko na naman ang sinabi n'ya noon na galit s'ya sa mga taong hindi marunong humingi ng tawad, natamaan na naman ako!
"'Wag kang umarte na parang okay tayo. Sa bagay magaling ka nga pala doon. Hanggang kailan mo ba kayang itago na anak mo ako?"
Tama ba ang narinig ko o nabibingi lang ako? Hindi kaya si sir Morris at s'ya ay—
Nakarinig na lang ako ng malakas na paglagabog at heto nga, sa isang iglap ay nasa harap ko na s'ya.
"Anak ka ni Mr. Morris? Tatay mo s'ya?"
Bakit ba ako nagtatanong, narinig ko namang malinaw kanina. Hindi ko ma-explain ang mukha n'ya. Parang sirang-sira ang araw, nabubugnot at nayayamot. Umiwas na lang s'ya ng tingin at parang lambot na lambot na umalis sa harap ko.
***
Uwian na pero napahinto ako bago makalabas ng gate. Nakatayo s'ya sa harapan ng gate na parang may hinihintay. Sino kayang napakamalas na tao ang hinihintay nito? Teka! Baka ako? Naku baka dahil 'to sa nalaman ko. Baka iligpit na n'ya ako pagkatapos itatapon n'ya ang bangkay ko sa malayong lugar.
Lumapit s'ya sa akin at halos nagtinginan ang mga kasabay kong estudyante sa amin. Hinawakan n'ya ang braso ko para makalayo sa mata ng mga nakikiusyoso.
"Sinabi mo na ba sa lahat?" nakakunot ang noo n'ya nang magtanong s'ya. Parang ano mang maling sagot mukang tatamaan ako ah.
Tsismosa ba tingin ng lalakeng yun sa'kin? Badtrip. Imbes na makiusap na 'wag kong ilabas ang sikreto n'ya naninindak pa.
"Anong pinagsasabi mo?" sagot ko na nagmamaang-maangan.
"'Wag ka mo nga akong paglaruan. Alam kong alam mo ang sinasabi ko."
"Huh? Baka hindi ako 'yon. Baka kamuka ko lang 'yon."
Tapos umusok na ang ilong n'ya sa inis at sa takot ko napatakbo ako. Ayoko na magkaroon ng kaugnayan sa kanya. Gusto ko ng tahimik na buhay!
***
Lavi's POV :
Kulang ba ako sa exercise? I'm already knackered! Am I this weak!
Bakit pagod na pagod na agad ako sa paghabol sa babaeng 'yon? Humanda kang babae ka kapag nahablot ko ang ano mang parte ng katawan mo! Ang layo na agad ng babaeng 'yon. Nagma-marathon ba s'ya o mahina lang talaga ang katawan ko?
Tumigil muna ako sa pagtakbo para huminga. Takteng batang 'yon. Ang bilis tumakbo! Kaso may narinig akong pamilyar na tunog na nakapagpataas ng balahibo ko.
Pu-pusa? Pusa ba yun?
Saan nanggagaling 'yong tunog na 'yon. May biglang tumalon na lang na halimaw mula sa pader na sinandalan ko. Tumalon s'ya sa balikat ko. Sa sobrang gulat ko ay natumba ako at napahiga sa sidewalk.
Anong gagawin ko? Wala pa ngang ginagawa 'tong pusa sa ibabaw ko pero napatumba na niya ako. Nakakainis! Siguradong kapag may nakakita sa'kin na nakahiga dito ano na lang ang iisipin nila! Kahihiyan 'to!
Kailangang may gawin ako pero bago pa man ako makaisip ng dapat 'kong gawin ay nagsimula na siyang maglakbay mula sa tiyan ko papunta sa may muka. Naririnig ko yung ingay na ginagawa niya, purr ata ang tawag dun. Ay takte may gana pa kong magbigay ng trivia sa mga oras na 'to.
Huminto siya at tumingin sa'kin.
"Meowwwww."
Hindi ko na matandaan ang sumunod na nangyari.
***
Eunjean's POV :
Nasaan na s'ya? Huminto muna ako sa pagtakas sa kanya dahil hindi ko na s'ya makita sa likuran ko. Hinanap ko muna.
Teka anong nangyari sa kanya? Bakit s'ya nakahandusay sa kalsada? Nahimatay? At bakit may pusang tulog sa ibabaw n'ya? Nilapitan ko s'ya para i-check ang puso n'ya, normal pa naman.
"Hoy gumising ka na, sorry na. Hindi ko naman talaga nakwento yung tungkol dun eh. Buhay ka pa ba? Tatawag na ba ako ng taga-barangay?"
Walang nangyari. Anong gagawin ko sa taong 'to? Takpan ko na lang kaya ng sako para walang makapansin?
Ano ka ba, Eunjean! Wala kang konsensya. Pa'no kung kainin s'ya ng mga gutom na asong kalye o madampot ng mga sindikatong nagbebenta ng internal organ? Konsensya ko pa yun. Bubuhatin ko na lang kaya s'ya at iuwi.
IUUWI?
Nasa tamang pag-iisip ba ako? Ano na lang ang sasabihin nina mama at papa kapag nag-uwi ako ng walang malay na lalake sa bahay namin?
***
Lavi's POV :
Nagugutom na ako pero ayoko pang bumangon sa kama. Nagpalit ata ng bed sheet si Stefan, ang bango tsaka ang lambot, para akong nakahiga sa ulap. Mamaya na ako gigising—ay kahit siguro bukas na ako bumangon. Ang sarap pa dito mahiga.
Teka anong amoy 'yon? Amoy vanilla. Tamang-tama lang ang tamis na nakakapagkalma ng pagkatao ko. Hindi siguro binuksan ni Stef ang aircon, electric fan lang ang naririnig k— teka, wala akong electric fan sa kwarto.
Pa'no nga pala ako nakauwi? Ano bang nangyari kanina? Hinahabol ko kanina 'yong babae tapos nakipagsagupaan ako sa isang halimaw na pusa—at nahimatay ba ako?
Napabangon ako de oras nang mapagtanto ko ang mga nangyari kanina.
Blimey! Where am I!
Nasa isang kwarto ako. Kaninong kwarto? May weird akong nakita na nakadikit sa kisame. Star ba 'yon? Pagbangon ko may isa pa akong weird na napansin. Ang daming poster ng Bigbang. Nakatingin silang lima sa 'kin! Pero may mas malupit pa akong nakitang weird na tatalo sa lahat ng kawirduhan sa kwartong 'to.
MAY NAKASINDING KANDILA SA TABI KO? ANO 'TO? PINAGLALAMAYAN BA NILA AKO? KULTO BA ANG DUMUKOT SA'KIN? IAALAY BA NILA AKO SA KUNG KANINO?
Calm down. Ito ata 'yong naaamoy kong vanilla scent. Nasaan ba talaga ako? Kumpleto pa naman ang mga limbs ko at nakadamit pa ako kaya napanatag ako.
Bumukas ang pinto at napatakip ako ng kumot sa katawan bago kami nagkatitigan, "Gising ka na pala. Bumangon ka na d'yan at bumaba."
Ano! Nasa bahay n'ya ako? Nasa bahay ako ng babaeng 'yon? Bakit n'ya ako pinatulog sa kwarto n'ya? Bakit n'ya ako pinatulog sa kama n'ya! Bakit! Bakit! Isip isip isip! Pinagsamantalahan kaya n'ya ako!
***
Eunjean's POV :
Naniningkit ang mga mata ni Papa. Si mama naman parang na-star struck habang nakatingin sa katabi ko.
Kinakabahan ako. Nasa hapag ako ng paglilitis. Hinihintay na ni papa ang paliwanag kung bakit may inuwi akong walang-malay na lalake.
Katabi ko ngayon ang leader ng Zeta-Roma sa harap ng parents ko. Para s'yang timang at walang muwang sa nangyayari habang ako hindi malaman ang idadahilan sa parents ko. Bakit dito pa kailangang maganap ang paliwanagan sa harap ng hapunan namin. Gutom na gutom pa naman ako.
"Kain na tayo," yaya ko sa kanila, kunwari walang nangyari.
Hinampas ni papa ang mesa at napaatras ako sa pagkuha ng kanin. Nanlaki naman ang mata ng lalakeng yun sa pagkagulat. Akala ko babaliktad s'ya sa kinauupuan. Ang sarap i-video ang mukha n'ya at pagtawanan mamaya. Ang kaso nasa hukuman ako ngayon at isa ako sa iniimbestigahan.
"Papa tinatakot mo naman si Eunjean at yung bisita niya."
"Naghihintay ako Eunjean. Naghihintay ako."
Kabado ako habang nakatitig sa pagkaing nasa harap ko ngayon, kakainin ko na sana ito pero dahil sa nangyayari hanggang tingin na lang muna ako.
"Papa, Mama kailangang n'yo nang malaman na—" hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko! Ano ba 'to? Kailan n'yo ba ako patatapusin sa sasabihin ko!
"Anak! Ang bata-bata n'yo pa! Kelan pa 'to?"
Anong sinasabi ni Papa? "Mapapatay kitang lalake ka!"
Lumapit si Papa at sinakmal ang lalakeng yun. Nagkakagulo na. Hindi ko malaman ang gagawin para pigilin si Papa. Yung Zeta-Roma naman walang magawa. Papa ko lang pala katapat n'ya eh. Pero teka ano bang kinagagalit ni Papa e kami nga dapat ang makiusap sa lalakeng yun.
"Tama na yan, Papa!"
Ayaw pa rin paawat. Malapit na sa critical stage si Zeta-Roma at malapit nang maubos ang life line. Kailangan n'ya ng resbak.
"TAMA NA PO PAPA! ALAM NA PO NYA ANG SIKRETO NATIN!"
Natigilan si Papa. Ilang segundo munang naging tahimik ang paligid tapos inayos n'ya ang kwelyo ni Zeta-Roma at pinagpag ang nagusot na damit.
"Nagugutom ka na ba, hijo? Tara kumain na muna tayo, ipinagluto ka namin ng adobo."
Hay parang eksena sa animè. Sinulyapan ko ang leader ng Zeta-Roma. Nahihiya ako sa kanya. Imbes na maawa s'ya sa kalagayan ko baka oramismo ipatanggal n'ya ako sa school.
"Sorry po, bawal ako kumain ng manok."
Ngek. 'Yon lang ang response n'ya matapos ang lahat? Wala akong makitang bakas ng galit o paghihiganti sa mukha n'ya. Mamaya siguro gaganti kapag tulog na kaming lahat, magtatanim s'ya ng patibong sa ilalim ng bahay.
"Sorry hijo sa ikinilos ng asawa ko. Ngayon lang kasi nag-uwi si Eunjean ng lalake sa bahay kaya akala tuloy ng Papa n'ya—"
"Honey, ako dapat ang gumawa n'yan 'wag kang mag sorry para sa akin. Ako ang dapat humingi ng sorry sa kanya."
"Wala po 'yon. Naiintindihan ko po."
Totoo ba ang naririnig at nakikita ko? Ang galang nya? May sapi ba s'ya ngayon o high lang sya?
"Sorry hijo sa inasal ko. Hindi sana 'yon ang maging dahilan para sumama ang loob mo sa akin at ibunyag ang lihim ng anak ko. Eunjean makiusap ka sa kanya."
"Ay bakit? Pero—"
"Wala nang pero-pero."
Simple lang naman ang hinihiling ni Papa dahil binalak ko na yan.
"S-sana 'wag mong ipagsabi 'yong alam mo na— 'yong sikreto namin," plastic kong pakiusap para lang makuntento si Papa.
"Okay," Nakangiti n'yang sabi. Plastic!
Masisiraan na ako ng bait dito. Ano ba talaga ang nakain ng taong 'to at biglang bumait? Pinaghain s'ya nina mama at papa. Kukunin ko sana 'yong masarap na tempura pero inagaw sa'kin 'yon ni Papa at ibinigay sa kanya. Teka! Sino ba ang anak nila dito!
Matapos ang bitin na hapunan, nagpaalam na s'ya at nagpasalamat pa. Plastic. Hindi mo 'ko maloloko!
"Ihatid mo sa labasan ang bisita natin Eunjean," utos ni Papa na kinalaki ng mata ko. Seryoso sila? Hindi lang nila alam kung ano ginawa sa akin ng lalakeng 'yon!
"Pa, kaya na n'ya yan." Marunong nga 'yan mang-bully, lumabas lang kaya ng bahay namin hindi pa n'ya kaya?
Tinitigan ako ng masama ni Papa at wala akong nagawa kundi samahan ang lalakeng yun palabas ng bahay.
"Umamin ka nga anong balak mo? Pa'no ka gaganti ngayon?" paninindak ko paglabas namin ng pinto.
Tumingin s'ya sa akin na ganoon pa rin naman ang ekspresyon ng muka. May mali eh. Parang hindi s'ya 'tong kaharap ko. Bugnutin s'ya at 'yon ang default side n'ya.
"Sa parents mo wala, sa'yo meron."
"Sabi ko na nga ba eh, anong balak mo? Mag hi-hire ka ng hitman?"
"That's a good idea but unfortunately wala akong kakilalang hitman pero kapag napikon ako sa'yo ako mismo ang magiging hitman para manahimik ka lang."
Ay ang violent naman nito pero maaliwalas naman ang muka n'ya habang kausap ko ngayon. Good mood naman ata s'ya para magbiro.
"Ito naman lakas sense of humor mo. Joke 'yon, diba? Hindi ka naman mabiro."
"After you tell my secret? Do you think this is all joke?"
"Yung accent mo. Ang sakit sa tenga." Kinapa ko ang tenga ko. Feeling ko may dugo. Bakit kailangan n'yang mag-english na may ganung accent? Feeling n'ya ba nasa pelikula kami?
"Wala akong pinagsabihan at hindi ako nag-blind item sa social media."
"Siguraduhin mo."
"Magsisinungaling ba naman ako? Sa'yo pa. Teka bakit ka nga pala nahimatay sa side walk?"
Nag-iba ulit ang timpla ng muka n'ya at parang nag-blush pa nga.
"Ang dami namang tanong! Bukas pala magkita tayo. Magkakaroon tayo ng kasunduan."
"Kasunduan? Para saan? Hindi ako magkasunod. Anong pinagsasabi mo?"
Bumuntong-hininga s'ya sabay iling. Wala pa s'yang sinasabi naiinsulto na agad ako.
"Someone' village is missing their idiot."
Hindi ko na-gets kung anong sinabi n'ya pero tunog pa lang nakakainsulto na.
"Kasunduan. Contract. Are we on the same page now?"
Aalis na sana s'ya pero mukang ito na ang right time para sa dapat noon ko pa ginawa.
"Teka. May sasabihin pa pala ako."
Naghihintay s'ya sa sasabihin ko pero parang umurong ang dila ko. Kaya ko ba 'to? Ano ba, Eunjean! Noon mo pa dapat sinabi yan sa kanya! Go na!
"Sorry tungkol doon sa pagbato ko sa 'yo ng sapatos. May kasalanan talaga ako. Sorry na. Sincere 'tong pagso-sorry ko, promise," with matching taas ng kanang kamay na katunayang sinusumpa kong sincere ako.
Hindi ako makatingin sa kanya habang s'ya naman nakatayo lang sa harap ko. Haist ang awkward naman ng sitwasyon na 'to, namamasa na kili-kili ko sa tense!
"Pag-iisipan ko kung tatanggapin ko yan."
Paalis na sana s'ya kaso may gusto lang akong ipaalala sa kanya.
"Natatandaan mo ba 'yong tinulungan mong babae na nahablutan ng bag at tinisod mo 'yong snatcher?"
Lumingon s'ya at tumingin sa 'kin, nag-iisip s'ya na parang inaalala n'ya pero umiling din.
"Ako 'yon. Ako 'yong tinulungan mo."
Nanlaki ang mata n'ya sabay hinaplos ang balat sa braso, nagtaasan ata ang balahibo.
"Hindi ako na kapag pasalamat noon kaya I'll grab this opportunity to say thank you," mabilis kong pagsasalita sabay takbo ko pabalik sa loob ng bahay namin.
Nasabi ko rin sa wakas!
***
Dominie's POV :
Papasok na naman ako sa school, paulit-ulit na lang ang ginagawa ko. Ngayon kemberlush, mamaya chenilin, tapos kemberlu, wala bang bago? Sumasaya lang naman ako kapag napasok ako sa CR at may makatabing pogi, kung pwede nga lang tumira sa CR ng mga lalake eh.
Nababagot na ako talaga.
Si Lavi Cervantes ng Zeta-Roma ba 'tong makakasalubong ko sa hallway?
Bigla akong napatitig sa kanya. Ang astig n'yang maglakad at pumorma kahit naka white tee lang naman s'ya at jeans. Kumpara sa mga nakaraang araw, mas tame sya ngayon. May isang bagay na ngayon ko lang natuklasan tungkol sa kanya. Hindi lang sya basta gwapo, hot at confident. Sa tingin ko sa tuwing tititigan ko siya, parang may ilaw sa likuran niya at may sparkling-sparkling sa gilid nito, at ang mas nagpapacharm pa sa kanya, may parang kung anong mahinang sweet background music kapag nakikita ko siya, siguro yun yung OST naming dalawa hihihi kinikilig ako!
Ang sexy n'ya talaga at tulo-laway na ako sa katawan nya.
Parang gusto kong bawiin ang mga sinabi ko about sa kanya na puro negative. Nabulagan lang ako pero ang totoo pala may maganda pala sa kanya, ang kanyang mga mata at labi.
padam. padam. padam.
Heartbeat ko ba yun?
Beating for him?
Tumigil sya sa tapat ko at tumingin sya sa akin. Can someone pinch me? It's like a dream. A dream where the two of us are living in a paradise, only the two of us.
"Hinaharangan mo ba 'ko? "
"Oo. Kailangan na nating umalis at magsama habang-buhay. "
Ngumiti sya sa akin.
Matutunaw na ata ako. Somebody help me! Help me! I'm a prisoner of his charm.
"Gusto mo mabuntal habang-buhay?"
"I mean, n-ni-reserved 'ko talaga 'tong daanan para sa'yo nang hindi sila samain at mabuhay pa sila. Gora na ako."
***
Eunjean's POV :
Ano bang nangyayari kay Dom? Kanina pa s'ya nakangiti sa bintana at nakatalumbaba. Hindi ba s'ya kakain ng lunch? Hindi ata s'ya nakinig sa lecture, kanino ako magtatanong ng sagot sa assignment bukas?
"Dash anong ginagawa ni Dom? Kanina pa s'ya ganyan."
"Hayaan mo lang s'ya baduday, nakikita ko sa cloud of imagination n'ya na inlove sya."
"Hindi ako ang inlove chuchay, kundi siya. Hindi pa nga lang alam ng kanyang puso't isipan. Kailangan ko lang syang bigyan ng konting panahon."
"Ga'no katagal? One billion years?" bara ni Dash.
"Wow! Sino ba 'yon?" usisa ko.
"Malalaman mo din baduday. Malalaman mo din sa tamang panahon."
Okay. Ngayon kilala ko na sina chuchay at baduday. Akala ko naman kung sino sila. Kapag magkausap kami ni Dom at tinatawag n'ya si baduday akala ko espiritu yun sa likod ko, ako pala yun. Ang slow ko talaga kahit kailan. Kaya pala noong 2nd year high school ako tinawag ako ni Maki na naive. Hindi ko na maalala kung bakit basta sinabihan na lang n'ya ako.
Makakain na nga. Kanina pa nag vi-vibrate ang tyan ko sa gutom.
Tadaaahhh! Ang lunch box ko na Bigbang official merchandise, bili rin ni Papa 'to para sa akin.
"Wow! Baduday! Kinder? lang ang peg! Palong-palo ang lunch box ah!" mabuti naman at alive na naman si Dom.
"May ganyan din ako baduday."
Naglabas din si Dash ng lunch box, hindi lang basta lunch box kundi lunch box na may picture ni TOP! Grabe buti pinagtagpo kami ng tadhana. Sana may lunch box din ako na may picture ni Ji Yong oppa para kahit sa lunch lang makasabay ko s'yang kumain.
"Ano ba yan hanggang sa pag-lafang may Bigbang pa din."
Okay na sana ang masaya naming lunch pero may dumating na member ng Zeta-Roma at hinablot ang lunch box ko. Yung totoo! Dati bang mga snatcher ang mga member nila?
Hinagad ko agad yung lalake. Kailangan n'yang magbayad sa krimen na ginawa n'ya. Kinidnap n'ya ang Bigbang at inistorbo n'ya ang tanghalian ko. Natapos ang habulan namin at nakarating sa hide out nila. Inilapag nya ang lunch box ko sa leader nila saka umalis.
"ANONG TINGIN MO SA SARILI MO? ELEMENTARY? NANG-AAGAW KA NG BAON?"
Napataas ang boses ko bago ko pa malaman na may kasama pala kaming iba. Andun din si Stefan Carter.
"Hi," Buti pa si Stefan Carter mukang matino, bakit ba s'ya sumama sa lalakeng nang-aagaw ng baon?
"Close kayo?" mukang timang talaga ang leader nila kung magtanong. Tayo? Close din ba?
Bigla na lang lumaki ang mata ng leader nila nang makita n'ya ang lunch box ko. Ang lakas n'ya talagang mang-insulto. Anong paki n'ya kung may lunch box ako edi gumaya s'ya.
"Adik na adik ka ba talaga sa kanila."
"Anong problema mo kung ganun nga."
"Lumapit ka na dito at umupo. Nagugutom na ko," reklamo ng leader.
Tumayo si Stefan at inatras ang silya na uupuan ko daw. Ang gentleman naman n'ya hindi tulad ng isa d'yan.
May ibinigay ang leader na take out galing sa Aristrocrat. Kapalit ba yun ng tanghalian ko? Parang bata n'yang binuksan ang lunch box ko at tuwang-tuwa nang malaman na pork chop ang ulam ko at fried rice. Napansin ko na naman na may kwek-kwek na nasa platic cup sa tabi ng leader nila. Favorite n'ya siguro talaga 'yon.
"Alam n'yo bang may kwento ako tungkol sa mga bawang?"
Bawang? Bakit biglang nasingit 'yon ni Stefan?
"Noong unang panahon, paborito daw ng mga bampira ang bawang. Almusal , tanghalian at hapunan laging may nakahaing bawang sa pagkain nila. Isang araw, may isang magandang dalaga na may alagang pusa ang bumisita sa palasyo ng prinsipeng bampira. Na love at first sight ang prinsipe at gumawa ng paraan para magkagusto rin sa kanya ang babae, nang mapasailalim sa hipnotismo ang babae at hahalikan na n'ya ay nagising ang dalaga dahil sa amoy ng bawang. Nakatakas at naiwang bigo ang prinsipeng bampira. Mula noon, ipinagbawal na n'ya ang Bawang sa kaharian nila at oras na makakita muli nang kumakain ng nawang ay gagawin n'yang palamuti sa palasyo."
Matapos magkwento ni Stefan natahimik kaming tatlo. Ninanamnam ko pa kasi any kwento n'ya.
"Bakit laging may pusa sa mga urban legend na kinikwento mo? Wala namang special role," reklamo ng Zeta-Roma na halatang buryong-buryo sa pakikinig kanina kay Stefan.
"Ahh ganun pala 'yong nangyari, tapos ano pa?" Na-carried away ako sa kwento, baka may karugtong pa.
"Paniwalang-paniwala ka? Ay engot."
Ayan na naman si boy-kontra na ang laman lang ng vocabulary ay salitang engot.
Natapos na ang tanghalian namin sa hide out ng Zeta-Roma. Tumayo siya at nagsulat ng kung ano sa blackboard.
Binasa ko:
1. Itatago ni Eunjean Vargas ang sikreto ng magaling at maabilidad na leader ng Zeta-Roma kapalit ng pagtatago ni Lavi Cervantes ng paggawa ng fake document ng president ng student council.
2. Oras na may makaalam na iba dahil sa kapabayaan ng isa bibigyan n'ya ng mabigat na parusa ang lumabag at mawawalang-bisa na ang kontrata. Kapag nalaman ng iba ang sikreto ko, ilalabas ko rin ang sikreto mo.
Sa lahat ng waiver na nabasa ko ito yung parang palit-buhay kapag nagkamali ka. Mukang kontrata namin yun. Hanggang sa paggawa ng kontrata s*****a pa rin s'ya.
"Naitindihan mo ba o kailangan ko pang ipaliwanag? " padarag n'yang tanong sakin.
"Naitindihan ko kaso yung unang parte medyo may halong kasinungalingan pero di bale, marunong akong umintinde," nilagay pa kasi ang pagbubuhat ng sariling bangko eh.
"Lakas talaga ng loob mong sagot-sagutin ako ah. Pumirma ka na nga lang doon sa ibabaw ng pangalan mo!" mando n'ya na nakabusangot. Para naman akong aso na pinagalitan dahil umihi sa loob ng bahay. Nakakaasar talaga 'tong taong 'to!
"Naririnig ko! 'Wag kang sumigaw! Nakaka-stress ka!"
Pagkapirma namin sa blackboard. Inihagis n'ya ang cellphone kay Stefan Carter, pa'no kung hindi nya nasalo yun eh mukang mamahalin pa man din yun.
"Picture-an mo kami Stef. Kailangang nababasa yung isinulat ko sa blackboard tsaka kaming dalawa."
Magpapapicture kaming dalawa? Close ba kami? Pagkatapos ay inihagis ni Stefan pabalik sa leader nila ang cellphone na malapad at malaki ang screen.
"Nagkwento ni Lavi na ikaw pala 'yong batang nahablutan ng bag dati?" napatingin ako kay Stefan at sumunod sa leader nila. Napakadaldal naman nito at naikwento agad?
"Nandoon din ako, kumakain rin sa karinderya. Bakit parang may something, parang destiny, noh?"
Parang umakyat lahat ng dugo ko papunta sa muka ko. Anong pinagsasabi nitong si Stefan! Pagtingin ko sa leader nila tumawa lang. Pang-aasar talaga.
"Anong destiny? Ang liit-liit ng lugar na 'to syempre 'di mo maiiwasang makadaupang-palad mga tao dito. Kung ano-ano kasi pinagpapanood mo, Stef."
Bilib na bilib s'ya sa paliwanag n'ya pero si Stefan todo ngiti—o kilig ba tawag dun?
"Tapos nabato ka pa ni Eunjean ng sapatos sa muka after ilang days at alam na n'ya ngayon ang sikreto mo," tuloy-tuloy pa rin si Stefan sa pang-aasar sa kaibigan n'ya.
Masama na ang tingin ng leader kay Stefan, mukang napipikon na. Magsusuntukan kaya 'tong dalawa sa harap ko?
"Hindi 'to teleserye," tipid na bara ng leader.
"Kung destiny 'to hindi n'ya itatapon ang sapatos ko, ipapahagad sa aso, bu-bully-hin ako at—" mahaba pa sana ang sasabihin ko kaso inawat na ako.
"Do you remember when I asked for your opinion? Me neither," pagsusupladso n'ya in bristish accent. Sasagot pa sana ako kaso baka magbuhol-buhol ang dila ko.
Nagtaka na lang ako kung bakit parang may hinihingi s'ya sa akin.
"Give me your phone."
"At para saan?"
"Ipapasa natin yung picture. Don't tell me wala kang cellphone o may cellphone ka nga pero de-anttena pa?"
Ang sarap n'yang pakainin ng padding glue, pa'no nya 'yon nalaman?
"Di nga? De-anttena nga? Patingnin!"
Muka syang excited na excited na makita ang telepono ko. Hindi naman dahil wala kaming pera— actually parang ganun na nga rin. Tsaka nakailang cellphone na 'ko kaso lagi kong nawawala, o ninanakaw o laging nasisira kaya bibigyan ako ni Papa ng sigurdong hindi mawawala, mananakaw o masisira. Kahit daw maiwan ko 'yon at makasakay na ng MRT yung nakapulot babalik at babalik yun para isole sa akin.
"Tapos na ang break time. Babalik na 'ko sa room ko. Ipa-develop mo na lang ako para magkaroon ako ng kopya," pero lalo lang tumawa. badtrip ah hindi naman ako nag-joke!
"Ang cute mo, Pres," natatawang komento ni Stefan kaya na-concious tuloy ako.
"Anong cute? She's one sandwich short of a picnic."
"Hey! That's rude. Stop saying insulting idiom to her."
Ay nag-english-an ang dalawa sa harap ko. Makalayas na nga at pilitin pa nila ang mag-english hindi nila kayanin.
***
Elisha's POV :
Ako nga pala si Elisha. Ang pinakamaganda at pinaka-popular dito sa Oxbridge. Ang cliche ng pagpapakilala ko noh? Pangarap kong maging artista pero masakit mang sabihin ilang beses na akong sinasabihan sa mga acting workshop na "Mag-model ka na lang kaya?"
Balang-araw pagsisisihan nila ang mga pinagsasabi nila sa akin. Willing naman akong kahit mga minor roles like extra. Doon naman nagsisimula ang lahat. Malay natin darating yung panahon na sariling kwento ko naman ang pagbibidahan ko.
Pero katulad nina Cinderella at Snow White, kailangan ko ng Prince Charming na bibida sa kwento ko kaya nga paggising ko pa lang kanina nagdesisyon na ako para sa future namin.
Siguradong andun s'ya sa library.
Alam kong habulin ako ng mga lalake pero para sa'yo ako naman ang hahabol. Minsan talaga hindi mo masabi, papahabol ka ba o ikaw ang hahabol. Okay lang na ako ang mag-effort sa ngayon, saka na s'ya mag-effort kapag kami na. Kaso mukang kahit pangalan ko hindi n'ya pa alam.
Pagdating sa pintuan ng library hinanap ko agad s'ya.
Ayun sya! Oras na para kumilos ako.
As usual nandoon s'ya sa last row sa tabi ng bintana at nagbabasa ng libro. Malayo na naman s'ya sa mga estudyante. Loner ba sya? Don't worry nandito na ang magpapasaya sa buhay mo.
Grabe isang ruler na lang ang pagitan namin.
Ang cute n'ya talaga. Ang amo ng mukha n'ya. Perfect ang kalalabasan ng wedding picture namin kapag nagkataon. Ano ba yung binabasa n'ya at hindi man lang nya mapansin na may katabi s'yang prinsesa.
Life of Pi?
Mas importante ba yun kesa sa future namin? Ano ka ba! Lumingon ka naman. Tama na ang paligoy-ligoy kailangan ko nang kumilos.
"Hi?"
Sa wakas kinausap ko rin sya. Ano kaya ang isasagot nya? Kukunin na kaya nya ang number ko? Magpapakipot lang ako ng konte okay na yun. Saan kaya ang first date namin at pano kaya sya mag-ppropose sa akin?
Tumingin rin sya sa akin sa wakas. Ngumiti sya sa akin, hayyyy mahihimatay na ata ako.
"Kailangan mo nang umalis."
Ha? Bakit nya ko pinapaalis? Nagagalit ba sya sa akin? Naistorbo ko ba sya? Bakit nya ako nginitian kung ganun din naman ang sasabihin nya?
"Sorry? "
"Hindi mo siguro narinig ang bell. Kailangan mo nang pumasok baka ma late ka."
Tama ba ang narinig ko o imagination ko lang 'yon? Parang gustong lumabas ng puso ko at mag-harlem shake sa saya. Tumayo na s'ya at umalis dala ang libro n'ya.
Hindi man s'ya lumingon para sulyapan ako, ayos lang malaking achievement na makausap ko s'ya. Napakabait n'ya magsalita. Isang bagay ang na-confirm ko, malayong malayo s'ya sa leader nila.
Hay! Stefan Carter kailan mo kaya mapapansin ang pagtingin ko sa'yo?
***
Lavi's POV :
Bakit ba kanina ko pa pinagmamasadan ang picture namin ni president? Ah siguro medyo kampante na akong hindi makakalabas ang sikreto ko sa kanya. Anong magagawa ko kung masyado akong matalino at madiskarte. Ibang klase talaga ako.
"Tinititigan mo ba ang picture n'yo? "
Nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni Stefan sa likod ko. Kakaalis lang n'ya kanina at kailangan n'ya daw ng peace of mind sa library tapos andito na naman s'ya sa hide out.
"Tinititigan? At bakit ko naman uubusin ang oras ko sa gano'ng bagay?"
"Nagpalusot pa huling-huli naman," pabulong-bulong n'ya. Ayoko na lang makipagtalo kaya kunwari na lang hindi ko narinig.
I just want to make sure na mababasa sa picture na 'yon ang mga nakasulat sa blackboard.
"Tinawagan ako ng Papa mo kagabi hinahanap ka. Ayaw mo raw sagutin ang tawag n'ya. Tulog ka na no'n. Hindi na kita ginising."
"Tama lang 'yon. Hayaan mo lang s'ya."
"He might give you a bell in a minute."
"He's surely do bodge job calling me for nothing."
Umupo s'ya at itinaas ang paa sa mesa, nakangisi s'yang nakatingin sa 'kin, may sasabihin na naman 'tong nakakadiring bagay.
"Samahan mo 'ko mamaya sa grocery store. Marami nang kulang sa bahay. Paubos na rin ang stock ng cup noodles at—"
"Ayoko nga! Magkasama na nga tayo sa bahay ko pati ba naman sa supermarket? Ano tayo, mag-asawa?"
"Hindi tayo kasal kaya magka live-in lang."
"Blimey!"
"Kung alam ko lang na magugutom ako sa pagsama ko sa 'yo nagbaon ako ng maraming cup noodles."
"Ibahin mo naman, magkaka-UTI na tayo sa cup noodles!"
Napailing na lang ako. Ang laki ng pasasalamat ko sa taong 'to dahil pagsama n'ya sa pinakamalaking kalokohan ng buhay ko.
"May ilang buwan na lang tayo dito. Worth it ba lahat para sa 'yo?" naging seryoso ang mga tanong ni Stef kaya napabuntong-hininga na lang ako. Hindi nakasagot agad sa kanya.
"Hindi pa. Luluhod pa ang tatay ko sa harap ko para magmakaawa. Mangyayari 'yon bago tayo umalis dito."
"Uulitin ko. Worth it ba?"
Hindi ulit ako naka-imik sa tanong n'ya. Worth it nga ba ang pag-aaksaya ko ng oras at panahon para sa paghihiganti ko sa tatay ko? Magiging masaya nga ba ako kapag nakuha ko ang gusto ko? Magiging masaya nga ba ako kapag nakita kong nakaluhod at nagmamakaawa sa harap ko ang tatay ko? Of course it will. Kaya nga ako nandito para mangyari 'yon.
"Syempre, worth it. Malapit na s'yang lumuhod sa harap ko. 'Yon naman ang plano ko diba?"
Tumango lang si Stef, hindi ko sigurado kung nabigay ko ba sa kanya ang hinihingi n'yang sagot o hindi. Wala akong gusto sa buhay ko ngayon kundi lumuhod sa harap ko ang tatay ko kaya sisiguraduhin kong mangyayari 'yon.
Speaking of the devil, tumatawag na s'ya ngayon. Bakit kaya gusto n'ya akong makausap? Baka hihingi na ng sorry na kahit siguro sa panaginip ko hindi ata mangyayari—hindi mangyayari sa panaginip dahil mulat ang mata ko sa pagdating ng araw na 'yon para makita ang pagluhod n'ya sa harap ko.
"Come to my office, now."
SA OFFICE NG WALANG KWENTA KONG TATAY.
Walang malaking dahilan. Gusto ko lang s'yang asarin kaya pumunta ako.
"Pinapa-kick out ka na nila," salubong n'ya agad sa akin.
Ni hindi man lang ako alukin ng kape o juice. Hindi pa nga ako komportable sa pangit n'yang sofa. Ang hina pa ng aircon at amoy papel ang opisina n'ya. Napakabaduy pa ng interior at furniture sa bulok na lugar na 'to. Paanong naaatim n'yang mag-opisina in a shabby place like this?
"Sila rin gusto ko nang tanggalin sa trabaho. Kayang kaya ko ngang bilhin ang bulok na school mo at tanggalan silang lahat ng trabaho nila. Kailan mo gusto matanggap ang cheque?"
Ang cheap ng office table. Ang kulay ng tiles hindi man lang nagko-complement sa wall. Sino bang nag-design ng pangit na opisinang 'to?
"Grow up, Lavi. 'Wag mong sayangin ang maganda mong buhay sa England para lang gantihan ako dito."
Nagawa n'yang alisin ang atensyon ko sa pangit n'yang opisina dahil sa narinig ko at kumulo na naman ang dugo ko sa mga sinabi n'ya. Pinapaalis na n'ya ako at wala s'yang karapatang sabihin 'yon.
"Kasalanan ko 'tong lahat. Hinayaan kita sa gusto mo. Hinayaan kitang pumasok dito. You're almost 24 and finished study in early age. Para saan pagpapaaral sa'yo ng mama mo sa magandang university sa England kung ganito rin pala ang gagawin mo. Hindi matutuwa si Rosary sa mga ginagawa mo anak, dinamay mo pa si Stefan."
Umaatake ang sumpong ko kapag naririnig ko ang mga sermon n'ya. Ngayon pa lang gusto ko nang magwala at pagbabasagin ang mga gamit sa loob ng office na 'to, tutal pangit naman lahat.
Wala s'yang karapatang banggitin pa ang pangalan ng mama ko matapos ang ginawa n'ya.
"Tinawag mo 'kong anak? You have got to be kidding me! Matagal na naming pinutol ang kaugnayan mo sa pamilya namin. Cervantes ako, hindi na Morris. Diba nga malayang-malaya ka na ngayon sa piling ng kabit mo! Kaya kung pwede hayaan mo lang ako hanggang makuntento ako sa paninira sa buhay mo!"
"Watch your mouth, Lavi! Sumusobra ka na!"
"And what the hell is this? Pinapunta mo lang ako dito para pangaralan at ipagtanggol ang babaeng 'yon? That stupid b***h!"
Wala na. Mainit na ang ulo ko dahil sa halimaw na 'to at hindi ko na makokontrol ang sumpong ko.
"Calm down, please—"
"Bakit ba kasi ikaw pa ang naging tatay ko?"
Kalmado 'kong nasabi 'yon. Masaktan ka dapat. Kulang pa 'yan sa sakit na binigay mo sa mama ko. Nakipag-divorce ka para lang makasama ang kabit mo who turns to be your legal wife now. Magsama kayo sa gagawin kong impyerno!
Umalis ako sa office n'ya at padabog na isinara ang pinto nang maramdaman n'ya ang unang bugso ng galit ko. Hindi ako titigil dito. Hindi n'ya magugustuhan ang kayang gawin ng isang batang iniwan sa kaharian ng mga mangkukulam.
I hate this life. I really do! Walang tamang nangyari. Bakit nabuhay pa ako kung puro kalungkutan lang ang mararanasan ko dito? Bakit kinain na ako ng buong-buo ng galit ko para sa kanya? Hindi ba 'ko magiging masaya? Ganito na lang ba ako habang-buhay?
My dad is with his mistress.
My mom died two years ago.
I am alone in this cruel and stupid world.
Kung kailangan ubusin lahat ng perang natitira sa 'kin para lang makaganti sa halimaw na 'yon gagawin ko. S'ya pa ang may lakas-loob na pagsabihan ako matapos n'yang iwanan ang mama ko at sumama sa pangit na 'yon.
Kanina ko pa gustong magwala. Magkakasakit ako kapag hindi ko 'to nailabas. Magbabayad ka na ngayon Morris! Pagsisisihan mo na ako pa ang naging anak mo.
Madaling-araw na. Oras na para maningil.
"Boss, hindi n'yo po ba s'ya pipigilan sa ginagawa nya?"
"Mas mahirap kapag pinigilan ko s'ya. Kailangan n'yang ilabas yan. Sige na tulungan n'yo na s'ya."
Tsinitsimis na naman ako ni Stef sa kanila. Back to my revenge, maliligo ka sa dugo ngayon halimaw ka! Inilagay ko sa drum yung mga pintura at tinner at kumuha ng hose, dinugtong ko sa compressor at nang sinindihan ko na. Binuga ko yun sa buong office ng halimaw na yun.
Hindi pa ako nakuntento, pinaghahagis ko ng mga paso ang bintana n'ya. Para akong baliw na nagwawala at pinanonood lang ng mga kasama ko.
"Lavi nagawa mo na ang gusto mo, umuwi na tayo."
Inaawat na ako ni Stef pero hindi ko na naman makontrol ang sarili ko kapag nagagalit. Nanginginig ako sa galit. Gusto kong iparamdam sa halimaw na 'yon na nagkamali s'ya sa ginawa n'ya sa mama ko.
"Sod off!"
Sa galit ko, naitulak ko si Stef nung inaawat na n'ya ako. Nabigla lang naman ako bakit kasi ako inaawat. Umalis na lang ako at nagmukmok sa hide out, ayokong umuwi matapos kong gawin 'yon sa kanya.
Pagdating sa hide out, pinagsisipa ko ang mga silya dun at pinagsusuntok ang pader bahala na kung magka-injury ako sa kamay basta mailabas lang 'to.
***
Eunjean's POV :
ANONG NANGYARI SA OFFICE NI SIR MORRIS? Sino ang may gawa n'yan? Parang may shooting ngayon dito. Pinagpi-fiestahan ng mga estudyante ang itsura ng office.
Teka?
Hindi kaya Zeta-Roma ang may gawa n'yan?
Kailangan ko s'yang puntahan. Humanda talaga sa'kin ang batang 'yon. Makakatikim talaga s'ya sa'kin kapag nahawakan ko s'ya.
Naka-amba na akong mananakit kaso umurong yun nang makita ko s'ya. Tulog pa. Duguan ang kamao n'ya at mukang hindi pa s'ya umuuwi mula kagabi dahil 'yon pa rin ang suot.
Lumapit ako sa kanya at tinignan siya habang natutulog. Ang amo ng muka n'ya kapag tulog hindi tulad kapag gising s'ya at mainit ang ulo. Lalakihan ka ng mata at sisinghalan pa. Hindi ko alam pero parang ayokong gisingin s'ya kahit pwede ko namang sipain ang hinihagaan n'ya tulad noon.
Ganyan ka na lang sana.
Laging tulog.
Kinuha ko ang panyo ko sa bag at binalot ang sugatan n'yang kamao. Saka na ako maniningil kapag gising ka na.
Kaya siguro hindi kayang magalit sa'yo ng Papa mo, may kakaiba sa'yo kapag tinitigan na. Kulang ka ba sa pag aalaga?
Aalis na ako bago ka pa magising.
Sa ngayon, papalagpasin ko ang ginawa mo, pero next time talaga mag-asawang pektus at bigwas na ang matitikman mong bata ka.
Mabilis natapos ang araw na 'to, nakakapanibago dahil kahit isang Zeta-Roma walang ginawang kalokohan. Umuwi na silang lahat at naiwan ako sa tapat ng office ni Sir Morris. Balita ko may temporary office s'ya.
Wala akong nagawa sa kalokohan nila.
Kahit pag aayos na lang ng mga halaman ni Sir gagawin ko, hindi ko talaga ma-gets kung bakit ginawa 'yon ng Zeta-Roma kung sila nga ang may gawa.
Aruy! Sinong nagbato ng butter mamon sa ulo ko?
Napatayo ako na salubong ang kilay at nakapamewang habang sya naman nakatayo lang, "Anong ginagawa mo dito?"
"Pinapanood ka."
Nagsasalita s'ya habang puno ng mamon ang bibig n'ya. Good example ka talaga ng mabuting estudyante.
"Ang lakas ng loob mong magpakita. Kayo ang may gawa nito diba?"
"Mali. Ako lang mag-isa."
Pinagyabang n'ya pa, pambihira talaga 'tong taong 'to, "Tingnan mo lahat ng ginawa mo. May award ka bang matatanggap d'yan?"
Sinilip n'ya ang mga ginawa n'yang g**o at mukang proud pa s'ya. Hindi ko alam kung matutuwa ako kasi parang ang aliwalas ng muka n'ya.
"Siguradong pinaghirapan mo 'to at pinag-isipan. Nakakabilib ka talaga," sarkastiko kong bara sa kanya pero ngumiti lang s'ya at nag-thumbs up pa.
"Piece of cake. Just like a doodle."
Bakit ba nagsasalita 'to ng mga hindi ko maintindihan. Tinalikuran ko na lang para matuloy ang ginagawa ko. Baka mag-english pa s'ya ulit ehm
"Gusto mo ng tulong? Pero dapat bukas bigyan mo ako ng baon mo."
Nakikipag-deal na naman ang lalakeng 'to sa akin. Hindi naman malaki ang kapalit na hinihingi n'ya, tsaka s'ya rin naman ang may kasalanan nitong lahat, tama lang na maghirap din s'ya.
"Okay na ba ang kamay mo?"
Hala bakit naman bigla akong naging concern sa kanya ngayon. Kinikilabutan ako.
"Sa'yo ba yung panyo? Akala ko kay Stef."
Tinitigan n'ya ako na parang elibs na elibs s'ya sa ginawa ko sa kamay n'ya.
Lumapit s'ya sa ginagawa ko. Wala akong thank you na narinig mula sa kanya. Hindi naman ako umaasa na magpapasalamat s'ya.
Kinain ko yung binigay n'yang tinapay na ibinato sa akin kanina, sayang eh laman tiyan din 'yon habang s'ya naman ang gumagawa, tinanggal n'ya yung mga sirang paso at inayos ang halamang pwede pang itanim ulit.
Hindi ko maiwasang mapasulyap sa kanya. Kung hindi mo s'ya kilala iisipin mo na mabait s'yang tao kung ang pagbabasehan mo ay ang mood n'ya ngayon. Wala ata s'yang topak.
Tumingala tuloy ako sa langit at nanlaki ang mata ko sa nakita.
"Oh hindi!"
Napasigaw tuloy ako sa panghihinayang. Wrong timing naman s'ya. Kung kailan hindi ko s'ya hinihintay doon s'ya dumadaan.
"Ano ba? Bakit ka sumigaw?"
Uminit na naman ang ulo n'ya at nakakunot ang noo.
"May wishing star kasing dumaan kanina, hindi ako nakapag wish," panghihinayang ko. Minsan lang sila kasi magpakita hindi pa ako nakapag-wish!
"Ang tanda-tanda mo na naniniwala ka pa sa ganun. Engot ka ba? Walang wishing star!" sermon n'ya na parang close kami. May engot na naman s'yang sinabi, malapit ko na 'tong patulan!
"Igalang mo nga ako. Alam mong 18 years old na ako diba?"
Nakakainis yung ginawa n'yang pag-iling-iling na nakangiti.
"Ewan ko sa'yo. Ano? Hindi ka pa uuwi? Bahala kang mag-isa dito. May gumagalang adik dito sa school."
Oo meron talaga, sino pa edi ikaw. Nagpagpag s'ya at tumingin sa akin, "Oh pano, 'yong baon ko bukas ha?"
Nginitian na naman n'ya ako tulad noong nasa bahay kami, may lason siguro yung tinapay na ibinigay n'ya, baka bumula na lang bibig ko mamaya, ano ka ba Eunjean, patay-gutom ka kasi.
Lumapit pa s'ya nang mas malapit, may iniabot na panyo, yung panyo ko.
"Thanks, amoy vanilla s'ya."
Natulala lang ako sa ngiti n'ya, hindi agad ako nakapag-react. Malayo na s'ya pero hinahabol ko pa rin ng tingin.
Nakakapanibago. Hindi mo malaman ang susunod n'yang gagawin, mamaya mabait, bukas may sumpong, ngayon mahinahon at sa susunod na araw magwawala na naman. Ano bang pinagdadaanan ng batang yun?
Ngayong gabi hindi ako nakapag-wish sa star pero may magandang nangyari. Sana bukas ulit mabait pa rin s'ya.