KAKAINIS minsan 'yang si Zyl! Masyado siya! Ang hard niya talaga sa 'kin ngayong umaga! Bakit ba kasi siya nandito? Pinitik niya pa ang labi ko! Huhu! Ang sama niya! Dinama ko ng dila ko ang bibig ko. Mamaya baka dumugo na pala ang bibig ko. Masakit kaya! Parang kanina lang ako napamura, eh! Nagulat lang naman ako nang pagdilat ko siya agad nabungaran ko. Siya nga 'tong madalas magmura, eh! Pag siya ang nagmura hahampasin ko siya ng lawn tennis racket ni JM. Ang sama talaga! Gusto kong maiyak sa ginawa nita. Hindi ba niya alam na nasaktan ang labi ko? Umakyat na ako sa kwarto para kumuha ng tuwalya para maligo. Natigilan ako nang maalala ang napanaginipan ko. Ano na nga 'yon? Nakalimutan ko na tuloy! Isang bahagi ng panaginip ko, nakita kong may batang babae na parang dinagit ng malak

