CHAPTER EIGHT

1549 Words

KANINA pa ako nakahiga katabi sina Lola at JM pero hindi pa rin ako makatulog. Nag-aalala pa rin ako kina Kuya Jom. Sana ay walang nangyari sa kanila roon sa kabilang baryo. Hawak ko pa rin ang cellphone ko at naghihintay ako ng text o tawag mula sa isa sa kanila. Nang tingnan ko ang oras ay mag-aalas dos na ng umaga. Inaantok na rin ako pero sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay may mga eksenang nabubuo sa isip ko. Nanatili akong nakapikit at pinilit kong makatulog. Medyo nawawalan na ako ng malay nang bigla akong napabangon. Parang nakirinig ako ng malakas na putok ng baril! Napahawak ako sa dibdib ko sa lakas ng t***k ng puso ko. Ngunit nang pinakinggan ko ang paligid ay tahimik naman at imposibleng narinig ko iyon mula sa kabilang baryo. Mukhang panaginip lang iyon. Napabuga ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD