LIBRARY

1049 Words
LIBRARY —KaizerConstello "Rose? Samahan mo naman ako sa library oh ako na gagawa ng assignment mo." pamimilit ko kay Rose, bestfriend ko paano ba naman nakatulog ako kagabi kaya hindi na 'ko nakagawa at isa naman 'to tamad talaga kahit kailan. "Osige na nga pasalamat ka hindi ako tamad ngayon." napailing nalang ako sa sinabi nito at naglakad na kami papuntang library. Nung nakarating na kami sa library walang tao tumungo na agad si Rose sa upuan at natulog at ako naman nilagay lang ang bag ko sa upuan at saka nag hanap ng libro. Habang nag hahanap ako ng libro na kinakailangan ko, nagulat naman ako nung may parang umiiyak. "May tao ba diyan?" Lingon lingon ko kahit saan at nagtataka naman ako na walang tao kaya hinayaan ko nalang. Nung nahanap ko na ang librong hinahanap ko nagtungo na agad ako sa upuan ko. "Uy Rose? Wala ka bang balak gumawa ng assignment mo?" Yugyog ko sa kanya. "Hmmm" 'mukhang mahimbing na talaga tulog nito" Habang busy ako sa pagbabasa para may sumisipa sa paa ko. "Uy Rose ano ba, umayos ka nga diyan nagbabasa ako oh" Pagtingin ko sa kanya mahimbing parin ito natutulog at humihilik pa. Kaya hinayaan ko nalang ito at nagpatuloy nalang sa pagbabasa. Natigilan nanaman ulit ako nung parang may humahawak na sa paa ko. "R-rose uy Rose" yugyog ko sa kanya. "Ano ba Jean kita mong natutulog ang tao eh" patuloy parin sa pagpikit at tinabunan ng panyo yung mukha niya. "R-rose uy" hawak ko sa kamay niya at pilit siyang pinatayo. "Bakit ba Jean?! Nakakagigil kana ha sinisira mo beauty rest ko" napasigaw na siya sa sobrang inis. "Tara uwi na tayo bilis!" Kuha ko ng bag niya at binigay sa kanya saka dinala narin bag ko at nagmamadaling ibalik ang libro sa kung saan ko man kinuha at agad na kami umalis. "Kalma lang nga bantot bakit ka ba nagmamadaling umalis?" Ayos niya sa sarili niya at tinignan ako ng masama. "Alam mo ang creepy kasi Rose sobra Jusmiyo hindi ko na kaya" takot na sabi ko sa kanya. "Ano ba ang nangyari?" Pagtatakang tanong niya habang naglalakad kami. At ayun nga habang naglalakad kami pauwi kwenento ko sa kanya ang pangyayari una hindi pa ito naniwala at akala niyang nagbibiro lang ako kalaunan kinabahan narin ito. .... •Kinabukasan• "Okay class meron kayong group activity na gagawin ngayon by pair ito at kayo ng bahala sa pagpili ng partner" sambit ni ma'am habang sinusulat ang activity na kailangan naming sagutan. "Rose partner tayo ha" kinindatan lang ako nito. "At dahil may meeting kami ngayon kayo na ang bahala kung sa library niyo ba yun gagawin para hindi na kayo mahirapan pa and dapat ma pasa niyo ito before lunch" pag sa suggest samin ni Ma'am at sulat sa book na pagkukunan namin ng mga sagot, pagkatapos dun ay umalis din siya agad. "Uy Jean? So ano pupunta tayong library?" Nag isip pako ng ilang minuto bago makasagot. "May choice pa 'ba tayo? Kailangan na nating ipasa 'to mamaya" napa kibit balikat nalang siya. ... Nasa library na kami at busy sa kasasagot, marami din namang tao ngayon at merong taga bantay unlike kahapon ang weird walang katao tao. "Uy wala naman dito ang sagot sa number 4, baka sa isang book na sinulat ni Ma'am baka dun makikita pakihanap nga Jean ako na mag c-copy ng mga sagot nito" sambit at utos sakin ni Rose, ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin sa sobrang busy sa pagsusulat nagkalagnat yata 'to biglang sumipag. "Aye aye captain" agad nakong tumayo at hinanap ang librong tinutukoy niya, habang nag hahanap nanaman ako ng libro may naririnig nanaman akong iyak medyo malakas ito kaya tiyak ko na hindi masyadong kalayuan sa kung saan ako kaya napag desisyonan kung sumilip sa ibang shelf ng mga libro. ... Nagulat ako nung may nakita akong estudyanteng umiiyak agad ko namang nilapitan. "Miss? Miss anong problema? Bakit ka umiiyak?" nag aalalang tanong ko sa kanya. "Tulungan mo 'ko" tinignan niya ako namumula ang mata niya sa kakaiyak at may mga pasa siya sa kamay at paa, naka upo kasi ito na yakap yakap ang kanyang tuhod. "Ano bang nangyari? Ano ang maitutulong ko?" Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at agad namang pinahiran ang luha niya. "Tulungan mo 'ko, itakas mo 'ko dito" hinawakan niya ang kamay ko at ang lamig nito saka nanginginig. "Saan ? Saan kita itatakas? Ano bang nangyayari?" hawak ko sa kamay niya. "Pinatay niya ako, itakas mo ang katawan ko dito" nung sinambit niya yun parang nabingi pako at hindi pa gaanong mag process sa utak ko mga sinsabi niya. "Anong pinatay?! Anong itakas naguguluhan nako!" Hindi ko namalayang napasigaw na pala ako. "Jean! Uy anong nangyayari sayo?" Nagulat ako nung hinawakan ako ni Rose sa balikat at nilingon ko kaagad siya. "Rose tulungan natin siya! dalhin natin sa clinic marami siyang pasa! Tara Rose tulungan mo 'ko!" Nagpa panic kong sabi. "Jean! Pwede ba kumalma ka sino bang tinutukoy mo ha?!" Paglingon ko pabalik para ituro ang ang estudyante wala na ito. "Dito, dito lang siya sigurado ako dito lang siya" nilibot ko naman ang tingin ko ngunit wala talaga, walang bakas ng estudyanteng nakita ko kanina. "Halika na nga gutom lang yan, kain muna tayo at balik din tayo dito mamaya napapano kana eh." Hila sakin ni Rose at sumunod nalang ako na wala parin sa sarili at iniisip yung pangyayari kanina. ... "Jean, lumalamig na ang pagkain oh nakatulala ka pa rin." Pinisil ni Rose yung pisnge ko kaya agad naman ako natauhan. "Ah eh hindi naman ako gutom" pilit na ngiti ko sa kanya. "Alam mo ba yung lalakeng nagbabantay sa library pinaalis na dito sa school" agad naman ako tumingin sa kanya na nakakunot ang noo. "Bakit?" puno ng pagtataka kung tanong. "May nirape daw kasi na student sa library, namatay yung girl dahil sa sobrang pagbubogbog kahapon lang natagpuan ang bangkay sa shelf na kung saan ka naka upo kanina, kaya pala walag tao kahapon kasi nga pinagbawal daw muna pumasok dun." Bigla namang bumilis ang pagkabog ng puso ko at nanginginig kamay ko saka ko lang napagtanto yung mga pangyayari kanina, ibig sabihin patay na... Patay na yung nakausap ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD