NOW OR NEVER
—Kaizer Constello
“Take the chance or lose it... Ikaw din baka magsisi ka,” pangkokonsensya na sabi ko sa kanya.
“Pero what if mahal niya pa talaga yung ex niya,” sagot nito.
“Then depende sa‘yo, it's now or never dude. Kung ako sa‘yo habang wala na sila gawin mo na ang lahat makuha siya.” Ginulo ko buhok niya at nag paalam ng umalis para umuwi.
Matagal ko ng kaibigan si Caspian since bata pa kami, he's a real brother to me. But when it comes to lovelife nagbibigay kami ng advice to each other kapag kinakailangan but never umabot sa point na ipakilala namin yung mga naging girlfriend namin sa isa‘t-isa, kasi ‘yon ang usapan eh. Ayaw namin magaya sa mga parents namin at sa iba na nagtataluhan.
Habang naglilibot ako sa mall isang pamilyar na dalaga ang sumalubong sa‘kin.
“Khant?” Tawag niya.
I was in shocked nung nakita ko siya.
Walang pinagbago habang tumagagal gumaganda siya nang gumaganda, kaya napapaisip ako, dapat ba akong magsisi dahil pinakawalan ko siya for her own good? Napaka girlfriend and wife material niya na and damn.. I admit it mahal na mahal ko pa rin siya.
“Oh Jenny, how are you? Mas lalo kang gumaganda ah,” Nakangiting tugon ko sa kanya.
“I‘m totally fine, papunta nga ako ngayon sa ka-date ko,” ngiti niyang sagot.
Biglang nawala yung mga matatamis na ngiti sa labi ko.
Ganito naman ang gusto ko diba maging masaya siya kahit hindi ako ang dahilan kasi alam kong hindi ko mabibigay yung saya na deserve niya.
“Ah gano‘n ba, buti ‘yon sige mauuna na ako nagmamadali kasi ako, ingat.” Agad na alis ko ng hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
Nakauwi na ako sa bahay nung natanggap ko text ni Caspian.
Cas
Bro? I have a very good news! See you at the cafe tomorrow!
Nagreply ako ng sige at natulog na dahil alam kong maaga pa kaming magkikita sa sobrang excited niya ibalita kung ano man yung goodnews na ‘yon, ganyan naman siya eh.
Sobrang dami niyang ikinwento tungkol sa date nila ng not now but soon to be girlfriend niya raw dahil pinayagan na siya manligaw. I'm happy for him dahil finally magiging masaya na siya ng tuluyan.
Weeks...
Months...
Na ang nakalipas simula nung magka girlfriend na si Caspian, ni hindi na kami masyadong nag uusap at nagkikita kasi masyado na siyang busy sa lovelife niya. Sinubukan ko din makipag date but it turns out na siya pa rin talaga yung mahal ko. Napapaisip ako, kamusta na kaya siya? Masaya na kaya siya? Mahal na mahal niya kaya nang sobra yung bago niya?
Sa sobrang pag ooverthink ko nagulat ako nung napatawag si Caspian sa‘kin.
“Bro? I neee your help, puntahan mo ‘ko dito sa hospital.”
Dali dali akong nag ayos at pinuntahan yung hospital na sinabi niya.
Pumunta ako sa room na kung saan sila ng girlfriend niya.
Halos hindi ako makagalaw nung nakita ko kung sino yung girlfriend niya.
Kung sino ang babaeng nakahiga at nang hihina na sobra.
Dahan dahan akong lumapit sa kanila habang si Casspian ay nakatulog na nakaupo habang hinahawakan ng mahigpit kamay ni Jenny.
“J-jenny...”
Dahan dahan nitong minulat ang mga mata niya at napaiyak nung nakita ako.
“K-khant?” Halatang nagulat din ito ng makita ako.
“Ikaw yung girlfriend ng kaibigan ko?” Halos maiyak na rin ako kasi sobrang sakit, sobrang sakit na malaman na siya pala yung babaeng pinagmamayabang ni Caspian sa‘kin at masakit din makita yung babaeng pinakamamahal mo na nagka ganito.
“H-hindi.. Hindi ko alam na magkakilala kayo.. Hindi ko alam na magkaibigan kayo.”
Nagulat kaming dalawa nung nakita naming nagising si Cas.
“So siya pala yung ex mo na mahal na mahal mo?” Kitang kita sa mga mata ni Caspian yung sakit at galit sa‘kin.
“Cas, hindi ko alam na si Jenny pala yung babaeng nagugustuhan mo,” paliwanag ko.
“Ayos lang, pinapunta pa naman sana kita dito para magpatulong hanapin ex niya kasi ‘yon ang huling kahilingan niya, nakakatawa all this times ikaw pala yung kinginang pinag iinitan ko.”
“Bakit mo naman ako pinapahanap Jenny? Akala ko masaya ka na, masaya na wala ako at masaya ka na sa bago mo?” Haplos ko sa pisnge niya.
“All this times rebound lang ako, Khant. De biro lang kaya naging kami kasi pinilit kong sagutin niya ako kahit mahal ka pa niya, nakakatanga diba? Nagbabakasali lang naman ako na mapantayan kita pero wala eh, hanggang sa huling sandali ng buhay niya ikaw parin mahal niya at kailangan, dahil andiyan na siya maiwan ko na muna kayo.” Agad na tumayo ito at binitawan kamay ni Jenny saka tinitigan muna ito na tila bang ‘yon nalang ang huling titig niya sa pinakamamahal niyang babae saka umalis.
“Khant, for the last time. Tell me that you love me,” naiiyak niyang sabi.
“Bakit naman? akala ko ba masaya ka na kay Caspian?”
“Sinubukan kong magmahal ng iba pero anong magagawa ko ikaw pa rin talaga, please tell me that you love me so I can rest happily and peacefully.” hawak niya ng napakahigpit sa kamay ko.
“Paano kung ayaw kong sabihin na mahal kita?” Tinitigan ko siya.
“It‘s now or never, Khant. Andito na ako ngayon, hihintayin mo pa bang mawala na ako bago mo masabi ulit?” Hinalikan ko muna siya sa noo saka tinitigan siya ulit sa mga magaganda niyang mata.
“I love you, every seconds, minutes, hours, days, weeks, months. Oras-oras kitang minamahal,”
“Jenny, all I want is your happiness. May sakit ako Jenny kaya napilitan akong iwan ka kahit masakit kasi gusto ko habang maaga pa lang makalimot ka na sa‘kin kasi ayaw kong masaktan ka nang sobra pag nawala na ako, pero bakit gano‘n mauuna ka pa.” Dugtong ko at hindi ko na napigilan ang umiyak nang umiyak habang hawak hawak yung kamay niya.
“I love you too, Khant. Sapat na sa‘kin malaman na mahal mo rin ako. Alagaan mo rin si Caspian para sa'kin and say sorry for all what I've done to him.” Magsasalita pa sana ako pero nakita ko na siyang pumikit.
Ginising ko siya nang ginising pero ‘yon na pala yung mga huling sandali at salita niya.