HAPPY BIRTHDAY, MY LOVE!

857 Words
HAPPY BIRTHDAY, MY LOVE. —Kaizer Constello “Hi Kiva, goodmorning and happy birthday!” Masiglang bati ko sa kanya sabay abot ng mga regalo ko. “Ang aga masyado ah, thankyou Cyrus.” Niyakap ako nito na siya namang kinatuwa ko. “Ikaw pa ba, lahat gagawin ko para sa'yo" “Asus, ang corny mo talaga kahit kailan" Napangiti nalang ako. Hindi rin naman ako nagtagal sa kanila at umuwi rin agad. Kailan ko pang isagawa ang plano ko mamayang gabi. “Magiging unforgettable nga talaga yung birthday mo, Mahal.” Nakangisi kong sambit habang hawak hawak ang litrato niyang may kasamang lalake at nagyayakapan sila. — 7:00pm “Hi Tyler, Kamusta?” Laking gulat nito nang bigla akong sumulpot sa harap niya. Well, sino nga ba hindi magugulat kung biglang may papasok na gwapo sa bahay mo. “Cyrus? Anong ginagawa mo rito?! Sinong nagpapasok sa'yo?” “Wala kang pake kung sino nagpapasok sa'kin, kagaya nalang nung wala karing pake kung masasaktan niyo ba ako.” Nilagay ko ang box sa kama niya at dahan dahang lumapit sa kanya. “U-umalis kana! Pwede kitang isu—” Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya ew nakakarindi marinig. Walang awang ginilitan ko ang leeg niya at sinasaksak siya hanggang sa mawalan siya ng malaya—hindi lang pala malay buhay na talaga. Agad na hiniwa ko ang dibdib niya at kinuha yung puso niya saka inilagay sa box na dalang dala ko. Nung matapos ako sa kanya kaagad na pinabayaan ko lang ang katawan niya. “Makikiligo muna ako dude ha, ikaw kasi e masyado mo naman akong pinaliguan ng dugo mo.” Natatawang sabi ko kay Tyler na wala ng buhay. Nababaliw na talaga ako, nababaliw na ako dahil sa pagmamahal kay Kiva. Matapos kong maligo ay kaagad ako kumuha ng mga damit sa kanya. “Pahiram ng damit mo ha, total girlfriend mo rin naman pupuntahan ko and sharing is loving remember” Matapos kong makaligo at makapag ayos ng maayos nilinis ko muna ang box at siniguradong wala ng dugo na nakabahid dito. Kinuha ko muna cellphone ni Tyler and luckily walang password, tinext ko kaagad si Kiva. Sorry if mal-late ako ng konti, kasama ko naman si Cyrus Message sent√ Hihintayin ko lang na matapos ang party saka pupunta kay Kiva, natulog muna ako sa kotse kasi napagod ako sa kakapatay walanghiyang traidor na 'yon. — Nagising ako dahil sa tunog ng alarm ko. Kaagad na ako nagmaneho patungo sa bahay nila. Pagpasok ko ay naabutan ko si Kiva na hawak ang phone niya at hindi ito mapakali. “Hi Kiva, you look worried, ayos ka lang?” “Saan si Tyler? Magkasama kayo diba? Anong oras na e, saan siya?” Hindi ko pinansin ang tanong niya kagaya ng hindi niya pagpansin sa'kin dahil si Tyler lang nasa isip niya. “Bakit mo pa hahanapin si Tyler? Andito naman ako” “Sabi niya magkasama kayo diba? So saan na siya?!” Halos mabaliw na ito at napangisi lang ako sa reaksiyon niya, ganyan nga Kiva. Mabaliw ka lang, ngayon alam mo na yung nararamdaman ko? “Hindi na 'yon pupunta, Kiva. Ano ka ba tapos na rin naman ang party pero heto, sorry I'm late, peace offering ko nalang.” Inabot ko sa kanya ang box nagtakang tumitingin naman ito, alam niya kasing may regalo na ako kanina. Kinuha niya ito sa'kin at binuksan. Napangiti ako nang makita ang reaksyon niyang inaasam kong makita. Nabitawan nito ang box na hawak niya at agad na napaatras, hindi siya makasigaw sa sobrang takot. “Peace offering, Kiva. Wala man si Tyler dito atleast andito parin yung puso niya para sa'yo,” “Aren't you happy, Darling? Ganyan naman gusto mo diba? Ano nga ulit banat mo sa kanya? Ah I remember,” “Abangan mo lang Tyler, hindi lang atensyon mo ang makukuha ko pati puso mo mapapa akin ohh how sweet so ayan na Kiva, literal na mapapa sa'yo yung puso niya, thank me later.” Humahakbang ako papalapit sa kanya ngunit gayon din ang bawat atras niya. “D-demonyo ka” Hindi na ito makapag salita ng maayos dahil sa pag-iyak niya. “Aww, am I? Hmmm sino kaya 'tong sinabi na liligawan ko siya dahil may assurance na sasagutin ako, ah si Kiva ba ang pangalan? Oo si Kiva nga at sino naman itong tinuring kong kapatid tapos taga comfort sayo kesyo magbabati na raw tayo tapos comflirt na pala ang nangyayari hahahaha” Sa sobrang rindi ko sa iyak niya ay walang pag aalinlangan na sinaksak ko na siya agad. Kagaya ng ginawa ko sa pinakamamahal niyang Tyler kinuha ko rin puso niya. “Masaya ka bang lokohin, paasahin at saktan ako Kiva? Naging masaya ba kayo?” “Hindi niyo alam kung gaano kasakit ang mabuhay sa araw-araw na parang namamatay” Hawak-hawak ko ang puso niya at nilagay ito sa box na dala dala ko kasama ang puso rin ni Tyler. “Til' death do us part na kayo, thank me Kiva and again. Happy birthday, My love.” //Errors Ahead// //Work of fiction//
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD