THIS IS NOT A LOVESTORY
—KaizerConstello
“Goodmorning Class, this is Keb Constello your new Science teacher.” Pagpapakilala ni Mr. Principal sa isang gwapong lalake na nasa 30's na ang edad, napaka matipuno ng katawan nito, ang ganda ng kilay, mata at bagay na bagay sa kanya yung moreno niyang kulay, ang hot fafa naman nito.
“Aware naman kayo siguro na papalitan na si Miss Naya for some valid reason. I hope maging malapit kayo agad sa kanya kasi he's definitely great, so ayon lang have a nice day!” Nagpaalam na si Mr. Prinicipal sa'min pati narin kay Sir. Keb.
Pakiramdam ko tropa tropa lang sila.
Nag-umpisa lang ang klase na nagpakilala siya sa'min at pati narin kami, nagtanong lang din siya ng mga interest(as if naman sa subject ako interesado, hindi niya ba alam na sa kanya) namin sa subject at expectations(bawal mag expect, masaket baka may pamilya na siya edi ouch).
Pagkatapos ng klase ay dumiretso na agad ako ng uwi, wala naman kasi akong pupuntahan pa.
“Oh anak? Kamusta ang klase mo?” Agad na tanong sa'kin ni mama sabay halik sa buhok ko.
“Ayos lang po ma, may bago kaming teacher sa science.” Nakita ko lang ang pagtango ni mama kaya dumiretso nalang ako sa kwarto at nagpahinga.
—
Pagkatunog ng alarm ko ay agad akong nagising.
Usually hindi talaga ako ganito, pinapatay ko lang yung alarm tapos natutulog ulit pero himala ngayon ah, may masamang nilalang 'ata ang sumapi sa'kin.
“Panibagong araw nanaman para makita si Teacher Pogi.” Sambit ko habang inaayos yung tinulugan ko.
Pagkatapos no'n ay naghanda na ako para pumasok sa puso—este sa school.
Pagkarating ko sa school masyado pa akong maaga.
Habang naglalakad ako sa hallway nakita ko si Sir. Keb.
“Goodmorning Sir!” Masiglang pagbati ko sa kanya with matching ngiti na abot hanggang langit.
“Goodmorning din, Ricx.” Nakangiti ring bati sa akin ni Sir.
Shet, mukhang matutunaw ako sa ngiti niya ah.
Agad na akong pumasok sa 1st subject ko na nakangiti parin na parang tanga, hay ba't ba ako nagkakaganito.
—
“Ricx? Uy! Ayos ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ni Rein.
“H-ha? Oo yes,”
“Bakit? May problema ba?” Tanong ko sa kanya.
“Ikaw 'ata bhie, may problema na sa utak, may naiintindihan ka ba sa discussion ha? Utak mo 'ata lumulutang, ngiti ka lang ng ngiti e.” Napailing nalang ito habang tinitignan ako.
“Ay weh? HAHAHAHAHAHA ano wala, iniisip ko lang yung lesson,” paliwanag ko.
“Oh ano nga yung lesson kung gano'n?”
“Eeeehhh, Rein naman e natapos na yung subject kaya malaman nakalimutan ko na,” palusot ko.
“Nyenye, inlove ka lang 'ata.” Bulong bulong pa nito pero rinig ko parin.
Napangiti nalang ako ng wala sa oras nung naaalala ko nanaman si Sir. Keb.
—
“Did you know that Oxygen is connected to each Hydrogen by a covalent bond?”
Halos wala akong maintindihan sa pinagsasabi ni Sir. Nakatitig lang ako sa kanya buong klase, nababaliw na 'ata ako.
Natapos na ang time namin sa kanya at naghahanda na para umuwi ng....
“Miss. Ricx Shikimika , maiwan ka nga muna, kakausapin lang kita.” Nagkatitigan muna kami ni Rein at saka sinenyasan ko nalang siya na mauna na at 'wag na akong hintayin baka magd-date—este mag-uusap kami ni Sir. tungkol sa future namin char antanga ko talaga, pantasya pa.
“Bakit po, Sir. Keb? May problema ho ba?” kabado kong tanong.
“You're not concentrating in my class, nakatitig ka lang sa'kin buong period at natutulala ka pa, ano ba yung topic natin? About ba sa mukha ko?”
Hindi ko alam if matatawa ba ako or kikiligin
“Nakikinig ka ba sa'kin?”
“H-ha? P-po present”
Napailing nalang si Sir. at sinabihan akong ipatawag parents ko.
Lagot.....
—
Pagkauwi na pagkauwi ko ay agad na sinabihan ko si mama na pupunta sa school.
Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila pero curious talaga ako ng sobra.
—
Simula nung pumunta si mama sa school parang naging iba na pakikitungo ni Sir.
Hindi ko ba alam kung kikiligin ba ako or ano
Naging sweet na siya
Naging caring
Naging malambing sa'kin
Minsan sabay pa kaming naglalakad papasok sa school at sabay din maglalakad palabas
Habang tumatagal na ganito yung pinapakita ni Sir. bakit parang iba na yung nararamdaman ko.
Hanggang sa isang araw pauwi na nakita ko si Sir. lumabas sa bahay namin, hindi muna ako pumasok hinintay ko muna siyang makasakay ng sasakyan niya at maka alis ito bago pumasok ng bahay.
“Ma? Bakit napapunta si Sir. Keb dito? May problema ba?” Nakita ko yung mata ni mama na namumugto. Umiyak ba siya? Pero bakit?
“W-wala naman anak, ano lang naiyak lang ako kasi may family day pala kayo pero alam mo na wala kang papa.” Nung sinabi 'yon ni mama bigla ko nalang siyang niyakap.
“Ayos lang ma, sanay na ako, ano ka ba nakaya naman nating mabuhay na wala siya e, hindi ko na kailangan ng ama, hindi na natin kailangan pa ang taong kusang iniwan tayo.”
—
Natapos ang family day na tanging kami lang ni mama ang nagsasaya, ayos naman sa'kin 'yon pero may parte parin sa'kin na naiinggit.
Let us all response: SANA ALL COMPLETE FAMILY
Pero isa lang talaga pinagtatakahan ko, buong celebration ng family day panay titig sa'kin ni Sir. Keb, hindi kaya crush niya rin ako. Shet
Hanggang gabi nanaman ako nakangiti no'n, pagkauwi ay agad nanaman akong nagpahinga kasi napagod sa buong ganap.
—
Pagkapasok ko ng paaralan ay iba yung bigat na nararamdaman ko hanggang sa makarating ako sa classroom nagtataka ako bakit napakatahimik at nagsi iyakan mga tao.
“Nakakalungkot man pero mukhang wala na talaga tayong magagawa, nawalan man tayo ng mabuti at mapagmahal na guro pero lagi siyang mananatili sa mga alaala natin.”
Nagtatakang nakatingin ako sa lahat, sino ba yung iniiyakan?
Nung may pinasok silang litrato at kandila do'n na nagsimulang lumabas yung luha sa mga mata ko.
Mag-alay muna tayo ng dasal para sa ating magiting na guro na si Keb Constello.
Naaksidente siya kahapon habang nagmamaneho pauwi, lasing pala ito at naparami yung nainom kaya hindi nakontrol ng maayos at nabangga siya, hintid sa hospital pero hindi talaga naaganap.
Iyak lang ako ng iyak, ang sakit sakit.
—
“Oh anak? Ayos ka lang ba? Anong problema? Bakit ang pula ng mata mo? Umiyak ka ba?” Nag-aalalang tanong ni mama.
“W-wala na po s-si Sir Keb”
Nung sinabi niya 'yon at nabitawan niya yung basong hinahawakan niya at bigla siyang napahagulgol na labis na pinagtataka ko.
Ayos lang naman umiyak kasi alam naman ng lahat na mabuting teacher si Sir. pero bakit grabe 'ata yung iyak ni mama, may pinagsamahan ba sila nito?
“Anak, patawad, patawad sana hindi ko nalang inisip yung galit ko, sana kapakanan mo nalang yung inintindi ko edi sana nakilala mo pa ama mo bago ito nawala, patawad anak.”
Kunot noo lang na nakatitig ako kay mama tila ba hindi ko ma proseso yung sinabi niya.
“Ano po ang ibig niyong sabihin?” nagtataka na ako at sumasakit lalo dibdib ko sa mga rebelasyong ito.
“Anak, nung kabataan namin aksidente akong nabuntis ni Keb, may balak siyang panindigan ako ngunit ayaw sa'kin ng mga magulang niya kasi masyado pa raw kaming bata at ayaw niyang madungisan pangalan nila kaya nilayo nila sa'kin si Keb, alam kong mahal ako ni Keb pero nung nalaman ko nagkajowa siya nawalan na ako ng tiwala sa kanya, kaya nung nalaman kong teacher mo siya nung pinatawag ako, laking gulat ko kasi baka tadhana na ang gumagawa ng paraan para magkita kayo.”
Naiiyak parin si mama at ako parang nabuhusan lang ng malamig na tubig.
“Pero anak natatakot ako na baka kunin ka niya sa'kin, natakot din ako na baka pag nalaman mong ama mo siya iiwan mo na ako at mapagdedesisyonan mong manatili sa puder niya, alam mo namang ikaw nalang yung meron ako.”
“At nung araw na pumunta siya dito sa bahay, balak ka na niyang kunin at sinabi niya sa'kin na nakakahalata na siya sa'yo na iba na yung nararamdaman mo para sa kanya kasi nahahalata niya mga kilos mo, may balak din naman akong sabihin anak pero natatakot lang talaga ako, patawad.”
Halos napaluhod nalang ako sa narinig ko, nasasaktan ako kasi nawala sa buhay ko yung taong gusto ko at nasaktan dahil nawalan ako ng ama na huli ko nalang siya nakilala ngunit mas nasasaktan ako sa katotohanang
NAGKAGUSTO AKO SA HINDI KO INAAKALANG AMA KO...