bc

Love In The Dark

book_age18+
78
FOLLOW
1K
READ
second chance
submissive
independent
bxg
serious
city
cheating
wife
husband
like
intro-logo
Blurb

When Gabriela and Conor loss their first child, their marriage has also become dark.

Until Conor chose to leave his wife than to fixed their relationship and to start a new life again together.

But as the days passed, Conor found himself longing for Gabriela so, he decided to go home but he found no one especially his wife.

Will destiny let their paths crossed once again to make their marriage worked out and to save it from the dark?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Gabriela San Jose Kasalukuyan kong pinipikit ang mga mata ko habang nakasandal sa swivel chair nang biglang may kumatok sa pintuan ng aking opisina dahilan para mapamulat ako at pinahintulutan kong pumasok ang kung sinumang kumakatok. "Hi, Gabs how are you?" nakangiting bungad sa akin ng best friend kong si Jai. "Medyo pagod lang," tugon ko. Off duty ko na ngayon at napagkasunduan naming dalawa na sasama siya sa aming bahay para roon maghapunan. "You look exhausted, Gabs okay ka lang ba talaga?" muling tanong niya sa nag-aalalang nitong boses. "Oo naman, sadyang napuno lang talaga ako ng mga meetings ngayong araw," pagsisinungaling ko sa kaniya dahil ang totoo ay hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa pagsasama namin ng aking asawa. Jai is aware that I'm not just stressed about work but also in our home. Isa si Jai ang nakasaksi sa buhay naming mag-asawa kung kaya't grabe na lamang ito kung mag-alala sa akin. "Tara na at baka ma traffic pa tayo," Kapagkuwan ay aya ko na lamang sa kaniya sabay tayo mula sa swivel chair ko at agad na kaming lumabas ng office ko. "Sure pero daan muna tayo sa Cherish's sweet ha na miss ko na kasing kumain ng cake," wika niya na agad ko namang sinang-ayunan. Tulad nga ng napagkasunduan namin ay dumaan muna kami sa isang pastry shop bago tuluyang umuwi ng bahay. Agad na hinanap ng mga mata ko ang taong pinakamamahal ko walang iba kundi ang asawa kong si Conor. We've been together for three years already at sa loob sa tatlong taon ay naging masaya ako sa piling ng asawa ko kahit minsan ay madala akong magtampo sa kaniya ngunit hindi siya pumapayag na matatapos na lang ang araw na hindi kami nagkakabati at hindi kami magkatabi sa iisang kama. Ngunit lahat ay nagbago noong nabuntis ako sa panganay sana naming anak kapwa walang mapagsidlan ng galak at saya ang aming mga puso dahil ang pinahihiling namin sa maykapal ay ipinagkaloob na rin niya sa amin sa wakas. Sa buong durasyon ng pagbubuntis ko ay alagang-alaga kami ni Conor at kitang-kita sa mukha ng asawa ko ang kasabikan niyang maging isang ama, hanggang isinilang ko na nga ang napakagwapo at malusog na batang lalaki. Mas trumiple pa ang sayang naramdaman naming mag-asawa dahil nakita at nahawakan na namin ang aming anak ngunit kaakibat pala niyon ay labis ding kalungkutan dahil hindi ilang minuto lang ay kaagad din binawi sa amin ang aming unico hijo. May butas kasi sa puso ang anak namin at hindi na siya naagapan pa, parang binagsakan kami ng langit sa aming nalaman at wala na kaming nagawa kundi ang tanggapin ang masakit at mapait na katotohanan. Simula noon ay nagbago na rin ang lahat sa amin ni Conor ang dating masaya at maingay naming bahay ay naging matamlay at tahimik na. Parehas kaming nasasaktan ng asawa ko pero sa aming dalawa ay ako ang lumaban sa amin para makapagsimula ulit kami ng panibagong buhay. Pilit kong intindi si Conor lalo na ang kaniyang nararamdaman at umaasa akong lalaban din siya para sa aming dalawa, ngunit hindi ganoon ang nangyari dahil habang tumatagal ay hindi ko na nararamdaman ang pagmamahal ng asawa ko. Wala na 'yong dating saya sa mga mata niya ni hindi na rin ako nito kinakausap at hindi na rin kami nagtatabi sa kama tuwing gabi. Minsan gustong-gusto ko ng mgalit sa kaniya dahil sa pakikitungo niya sa akin ngunit mayroong parte sa isip ko na nagsasabing pag pasensiyahan ko pa siya kaya hanggang ngayon ay magkasama pa rin kaming dalawa ngunit iniinda ko naman ang hirap at sakir sa piling niya. "Hi, Con-con!" bati ko sa sa kaniya ng makita ko siyang bumaba ng hagdan. Isang malamig na tingin agad ang pinukol sa akin at sinulyapan niya rin si Jai na nasa tabi ko at tinanguan. "Con, sasabayan tayo ni Jai sa hapunan," wika ko sa asawa. "Mag-usap tayo sa taas," Sa halip ay tugon niya sa malamig nitong boses at saka kami nito tinalikuran. Agad ko naman siyang sinundan at pinaghintay ko na lang muna si Jai sa kusina. "Akala mo hindi ko nahahalata na kaya dinadala mo rito sina Jai sa bahay natin para lang mag-usap tayo!" kompronta niya sa akin ng makapasok kami sa kwarto. Punong-puno na naman ng galit ang kaniyang mga mata tila ba isa itong kutsilyo na unti-unting sumasaksak sa puso ko hanggang sa malagutan ako ng hininga. "Hindi, Con sadyang gusto ko lang dalhin si Jai rito kasi ang tagal na rin nating walang bisita." Akmang hahawakan ko ang mga kamay niya upang suyuin siya kaagad din siyang umatras "Pwede ba, Gabriela huwag ka ng magkaila!" mariing wika niya at kasunod niyon ay pagdampot niya ng susi ng kaniyang kotse sa side table at agad ako nitong iniwan mag-isa sa aming silid. Sanay na ako sa ganito sa tuwing magpapaliwanag ako sa asawa ko ay nauuwi lamang kami sa pagtatalo at kasunod niyon ay iiwan niya akong mag-isa rito sa aming at parang tanga na naman ako nitong maghihintay sa kaniyang pag-uwi. "Gabs, hindi pa ba tayo kakain?" kumakatok na tanong ni Jai sa akin. Agad ko namang binuksan ang pinto sabay labas mula sa aming silid at niyakag ko na ulit si Jai na bumaba para makakain na kami sa dining area. "Si, Conor nakita kong umalis saan siya pupunta? Akala ko ba sasabay siya sa atin sa pagkain?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Jai. "May asikasuhin lang siya," pagsisinungaling ko. "Nang ganitong oras?" muling tanong ni Jai sa nagtataka nitong boses. Ngitian ko na lamang siya bilang tugon at minabuti ko na lamang na yayain na siyang kumain ng makapasok na kami sa dining area. "Gabs!" Napakurap ako ng marinig ko ang malakas na pagtawag ni Jai sa akin na siya ring nagpauntag sa akin sa malalim kong pag-iisip. "Gabriela, magsabi ka nga sa akin ng totoo ganito ba kayo palagi ni Conor?" usisa niya sabay hawak sa kanang kaamy ko na nakapatong sa mesa. Wala akong mahupang sagot sa tanong niya dahil kahit hindi na tama ang pagtrato sa akin ni Conor ay ayaw ko pa rin maging masama ang asawa ko sa kaniya. "Gabs, masaya pa ba kayo? Masaya ka ba?" sunod-sunod niyang tanong sa nag-aalala nitong boses na ikinatulo ng luha ko mula sa aking mata. Hindi ko na napigilan ang sarilli ko dahil sa sakit na nararamdaman ko dahil ni sa hinagap ay hindi ko naisip na mangyayari ito sa aming dalawa ni Conor. "Gusto mo bang magpahinga na lang muna sa kwarto mo?" muling tanong niya. Sumang-ayon naman agad ako dahil 'yon nga ang higit na kailangan ko ngayong araw ang magpahinga dahil hindi lang katawan ko ang pagod kundi pati puso. "Gabs, gusto mo bang sa bahay ka na lang muna?" "No, Jai dito lang ako hindi ko iiwan si Conor," Kaagad kong sagot. Sa kabila ng malamig na pakikitungo sa akin ni Conor ay hindi ko pa rin siya kayang iwan dahil mahal na mahal ko pa rin kahit na ang hirap at ang sakit na. "Gabriela, how long will suffer from pain?" "Hindi ko alam, basta hindi ako aalis dito at hindi ko iiwan si Conor kailangan kong bumawi sa kaniya," nasasaktan kong tugon at tuluyan na nga akong humagulgol. Agad naman akong niyakap ni Jai at sa mismong balikat ng kaibigan ko ibinuhos ang sakit na nararamdaman ko. "Gabriela, you're very different from the Gabriela before, I know you're not happy, Gabs kung hindi na talaga kaya huwag mo ng ipilit pa." Agad naman akong umiling dahil sa sinabi niya. "No, Jai we can fix this, may pag-asa pa, Jai dahil magkasama pa kami at hangga't nakikita at nahahawakan ko pa siya may laban pa ako," pursigidong saad ko kahit na ang totoo ay wasak na wasak na ang puso ko. "Ikaw na lang nagmamahal, Gabs, ikaw na lang ang lumalaban at higit sa lahat ay ikaw na lang ang umuunawa at umiintindi sa kanya. This is not good anymore, Gabriela." Sampal na katotohanan ang lahat ng mga sinabi niya sa akin pero hindi siya ako. Hindi siya si Gabriela Cabrera San Jose hindi siya ang asawa ni Conor. Hindi naman siya ang nakaramdam ng saya noon sa piling ng isang Conor San Jose, e, at higit sa lahat ay wala siyang alam sa pinagdaanan naming mag-asawa. "His broken and as well as you, Gabs you can't fix your marriage if your hearts are both suffering in pain," turan ni Jai. "So, what do you want me to do, Jai? Gusto mo bang iwan ko na lang si Conor?" magkakasunod kong tanong sa kaibigan ko at medyo may kalakasan na ang boses ko. "Jai, hindi ko pwedeng iwan ang asawa ko na ganun ang sitwasyon niya, If I need to fix him too I will, maibalik ko lang ang lahat sa dati," dagdag ko pa, at unti-unti na namang tumutulo ang luha ko. "I'm just worried about you, Gabriela," mahinahong sabi niya. "Thank you, Jai I appreciate it pero huwag mo naman sanang sabihing iwan ko na lang si Conor dahil asawa ko siya at kahit nasasaktan man ako ngayon... mahal na mahal ko pa rin siya." "Jai, you will never know how I feel because you're not commited yet." Magkakasunod kong litanya sa nasasaktan kong boses. Alam kong nag-aalalang lang naman si Jai pero kung sasabihin lang din naman niyang iwan ko na lang si Conor ay mabuti pang huwag na lang siyang magsalita. "I'm sorry, Gabs," paghingi niya ng paumanhin at muli ako nitong niyakap. "Basta tandaan mo lang na nandito ako palagi ha?" madamdamin niyang wika ng kumalas na ito sa pagkakayakap sa akin. Jai is one of the best person I had in my life she's always there wether I need her or not. She really cares for me, at hinding-hindi ko rin hahayaang mawala siya sa buhay ko. "Tara na sa baba, baka naubos na ni Montes ang pagkaing niluto ko halimaw pa naman iyon, pagdating sa kainan." Natawa na lamang ako sa sinabi niya. Ito ang gusto ko kay Jai kasi kahit na sobrang nasasaktan na ako ay napapatawa niya pa rin ako sa pamamagitan ng pagkainis niya kay Billy. Salamat talaga dahil siya ang best friend for life ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
74.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook