CHAPTER 2

2113 Words
"Oh, nandito na pala kayo," wika ni Billy nang makita niya kami ni Jai na papasok sa dining area. "Takte ka, Montes! Bakit ba parang patay gutom ka kung kumain?!" gigil at inis na singhal ni Jai kay Billy. Nakita kasi nito na kumakain na si Billy ng cake. "E, ang sarap kasi tsaka pwede bang chill ka lang, Cervantes masyado kang high blood, e, " kaswal na tugon lamang ni Billy kay Jai, habang ngumunguya ng cake. At iglap lang ay nabubulunan na si Billy dahil sinakal na siya ni Jai sa kanyang leeg habang gigil na gigil ang pagmumukha ng kaibigan ko. "Jaiah, enough!" saway ko at kaagad ko silang dinaluhan upang awatin. Kaloka! "Grabe ka, Cervantes," saad ni Billy habang namumula ang kanyang mga mata dahil sa pagkakasakal ni Jai at napapaubo rin ito. "Here, drink it." Bigay ko ng tubig sa baso kay Billy. "Kayo ha, para kayong mga bata kung mag-away," wika ko sa nangangaral kong tono. "Grabe 'tong si Cervantes, e." "Ang engot mo kasi!" Maryosep! "Guys stop it," saway ko na sa kanila buti na lang at nakikinig din naman agad sila sa akin. "Can you just calm down," dugtong ko pa sa kalmado ko ng boses. "Sorry, Gabs," paghingi naman agad ng paumanhin sa akin ni Jai. "Nakakainis lang kasi," gigil na naman niyang saad. "C'mon, Cervantes it's just a piece of cake," tugon naman ni Billy at parang balewala lang sa kanya ang pagkain niya ng cake. Well, wala naman talagang issue sa pagkain ni Billy ng cake pero ewan ko ba rito sa best friend ko at bakit galit na galit siya kay Billy. "Kumain na nga tayo ng matahimik na kayo." Sa halip ay aya ko na lang sa kanila. Dumulog na rin agad kami sa hapag at kumain habang kumakain kami ay parang kinakain din ng buhay ni Jai sa Billy sa klase ng pagtingin nito sa binata. Kaya napapailing na lamang ako sa aking isipan pero kahit na ganito sila ay ayos lang kasi kahit paano ay napapasaya nila ako kahit saglit man lang. Pagkatapos naming kumain ay nagpasya na rin silang umuwi dahil may pasok pa ulit kami bukas. "Gabs, text me if you need anything or what, okay? bilin pa sa akin ni Jai. "Sige salamat," pasalamat ko naman agad sa kanya. "Gusto mo ba tawagan ko si insan, Gabriela?" tanong pa ni Billy sa akin. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ito umuuwi. "Hindi na baka maya-maya lang din ay uuwi na rin siya," tugon ko naman agad. Kahit na ang totoo ay uumagahin na naman si Conor ng uwi nito. "Okay, oh siya mauna na kami," paalam na lamang ni Billy. "Halika na, Cervantes drop na lang kita sa bahay niyo," turan nito kay Jai. "Ayoko mag t-taxi na lang ako," tanggi naman agad ni Jai. "At isa pa wala akong tiwala sa'yo," dagdag pa nito sa mataray niyang boses. "Grabe ka na talaga sa akin, Cervantes." "I'm just stating the fact, Montes." Heto na naman po sila. "Guys that's enough, Jai I think it would be better kung sumakay ka na lang sa kotse ni Billy wala ng dumadaang taxi rito kapag gabi na baka mas lalo ka lang gabihin," suhestiyon ko kay, Jai at isang masamang tingin agad ang pinukol nito sa akin. "Totoo ang sinasabi ko, Jai," giit ko pa. Mahihirapan na talaga kasi siya kung mag ta-taxi pa ito dahil kadalasan wala ng pumapasok ng taxi rito sa loob ng village namin. "Uy, Cervantes marahil palagi man kitang iniinis pero hindi ko naman ipapahamak 'yang buhay mo," saad naman ni Billy, at isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Jai. "Fine! Basta sa backseat ako uupo, " sumusukong turan niya. "Sure kahit sa bubong pa ng kotse ko umupo kung gusto mo, e, " buska na naman ni Billy sa kanya, at inirapan lamang siya ni Jai. "Sige na, Gabs tutuloy na kami," paalam na niya sa akin. "Sige mag-iingat kayo," bilin ko pa sa kanila bago sila tuluyang lumisan ng bahay. Pag-alis nila ay nabalot na naman ng katahimikan ang buong bahay at malungkot na naman ulit ako. Nagpasya na lamang akong bumalik sa aming kwarto ni Conor at kaagad kong kinuha ang phone ko para tawagan siya. Ngunit nakailang tawag na ako pero bigo ako dahil pinatayan na naman niya ako ng cellphone hindi ko tuloy alam kung anong oras siya uuwi. Hanggang kailan ba ganito ang relasyon namin? Malalampasan pa kaya namin ito? Nang makita ko ang wedding picture namin na nakapatong sa lamp table ay kinuha ko ito at natagpuan ko na lang ang sarilli kong nakangiti habang nakatingin sa aming litrato. Kapwa matatamis na mga ngiti ang nakaguhit sa aming mga labi puno ng tuwa, saya at galak ang aming puso sa litratong ito. Pero sa isang iglap lang ay nawala rin lahat dahil sa isang pagsubok na dumating sa buhay naming mag-asawa. Lahat ay nagbago na sa aming dalawa mula sa masigla at masayang relasyon ay bigla na lamang naging matamlay at wala ng kabuhay-buhay. Miss na miss ko na ang asawa ko, miss ko na ang dating pagsasama namin at higit sa lahat ay miss ko na ang dating kami. "Hindi kita susukuan, Con-con ko," naluluhang saad ko habang nakatingin sa litrato namin ni Conor. I put back the frame into it's place and compose myself, muli akong lumabas sa aming kwarto dala-dala ang phone ko at pagkababa ko ay tinawagan ko ulit si Conor pero bigo na naman ako. Isang malalim na buntong hininga na lamang ang nagawa ko, siguro nga ay nainis talaga ng sobra sa akin si Conor dahil pinapunta ko na naman dito sa bahay sina Jai at Billy. Tama siya dinadala ko nga rito ang dalawa para lang kausapin niya ako ginagawa ko kasi ang lahat para lang unti-unting maayos ang relasyon namin. "Ma'am, Gabriela, may kailangan po ba kayo?" tanong ng kawaksi kong si Yen nang makita niya akong nakatayo rito sa aming sala. "Wala bang sinabi ang Sir Conor mo kanina bago siya umalis?" tanong ko sa kanya. "Wala po siyang sinabi, Ma'am deri-deritso na lang po siya sa paglabas kanina," tugon naman agad ni Yen. "Ganun ba? Sige salamat nagpahinga ka na rin pagkatapos ng gawain mo," turan ko sa kanya at kaagad na itong nagpaalam sa akin dahil may tatapusin pa raw ito. Umupo na lamang ako sa couch at hinintay ang pagbalik ng aking asawa. *** Nagising ako ng maramdaman kong may tumapik sa balikat ko at pagmulat ko ay mukha ni Nanay Ramona agad ang nakita ko. Katulong ko rin si Nanay Ramona mula bata pa lang kami ng Ate Irene ko kaya naman parang pangalawang ina ko na rin siya at sinama ko nga siya sa aming bahay ni Conor. "Nay, nandito na po pala kayo," saad ko sabay bangon mula sa couch, hindi ko man lang namalayang nakatulugan ko na pala ang paghihintay sa aking asawa. "Oo kakarating ko lang," tugon niya galing kasi ito sa probinsya nila at ngayon lang siya ulit nakabalik. "Bakit dito ka natulog?" tanong niya habang nakakunot ang noo. "Wala pa po ba ang kotse ni Conor sa garahe?" Sa halip ay tanong ko. "Wala pa, akala ko nga magkasama kayo e," tugon naman ni Nanay Ramona. Nasanay kasi si Nanay Ramona na palagi kaming lumalabas ni Conor at minsan ay madaling araw na kung umuwi o, 'di kaya ay kinabukasan na. Conor was a sweet man back then he always asked me out on a date and gave me some cute stuff along with letters.And I'm holding on to those precious days and I always finds hope everytime I remember it. Tanging mga ala-ala na lang talaga namin ni Conor ang binabalikan ko para magkaroon ulit ako ng lakas na lumaban para sa aming relasyon. Sana lang talaga maging maayos na kami. "Umakyat ka na sa kwarto mo para makatulog ka na ng maayos," wika ni Nanay Ramona sa akin at kaagad ko naman itong sinunod. Pero pagpasok ko sa aming kwarto ay hindi na ulit na ako nakabalik sa pagtulog dahil nag-aalala ako kay Conor kaya naman inabala ko na lang ang sarilli ko sa pag-aayos ng mga damit niya sa cabinet namin. Ang gulo na kasi kaya pati tuloy ibang damit ko ay hindi na rin maayos at habang nag-aayos ko ng mga damit ay may natabig akong maliit na kahon kaagad ko 'yong kinuha at binuksan. Kusang sumilay ang matatamis na ngiti sa aking labi nang makita kong bracelet ko ang laman ng kahon. It's a silver bracelet and Conor was the one who gave it to me, alalang-alala ko pa noon binigay niya ito sa akin noong eight monthsary namin at may infinity itong pendant dahil nga walong buwan na kami at habang buhay na ang pagmamahalan namin. Pero mukhang nakalimutan na yata ng asawa ko ang sinabi niya sa akin noon dahil naiiwan niya na ako sa ere. Kinuha ko ang bracelet mula sa kahon at sinuot sa aking kanang kamay ipapakita ko ito mamaya sa kanya pagdating niya baka sakaling maalala niya ang binitawan niyang salita noon sa akin. Nang tuluyan ng sumikat ang araw ay nagpasya na rin akong gumayak dahil may pasok pa ako sa kompanya. Minuto lang ay tapos na rin ako kaya lumabas na agad ako ng aming kwarto at bumaba. "Oh nandiyan ka na pala kumain ka na ng almusal," turan ni Nanay Ramona nang makita niya ang pagbaba ko ng hagdan. "Nay, sa office na lang po ako kakain may mga kailangan pa po kasi akong asikasuhin," tugon ko. May mga naiwang trabaho pa kasi ako mula kahapon na hindi ko na tapos, and by this morning ay dapat matapos ko na ang mga iyon dahil marami akong meetings. Isa pa nakakawalang gana ring kumain mag-isa nakakalungkot at hindi nakakabusog. "Ganun ba? Gusto mo ba ipagbalot na lang kita? Niluto ko kasi ang paborito mong pagkain," tanong pa sa akin ni Nanay at tumango naman agad ako bilang tugon. Saglit lang ay naipagbalot na ako ni Nanay Ramona ng pagkain kaya nakaalis na rin ako agad. Pero hindi pa rin talaga mawala-wala ang pag-aalala ko kay Conor dahil hindi pa ito nakauwi. Distracted tuloy ako buong araw at hindi ko nagawa ng maayos ang mga trabaho ko pati sa meetings ko ay hindi ako confident. Nandito na ako ngayon sa loob ng opisina ko at kasalukuyang may ginagawa kahit na wala talagang pumapasok sa kukuti ko at maya-maya lang ay may kumatok sa pintuan at kaagad ko itong pinahintulutang pumasok. "Hey, Gabs," bati agad sa akin ni Jai dahil siya ang iniluwa mula sa pintuan. "Hindi ka raw nakita kanina ni Montes sa pantry, don't tell me na hindi ka nag lunch kanina," usisa niya sa akin. "Nakaligtaan ko lang, Jai ang dami ko kasing tinapos," pagsisinungaling ko. Kahit na ang totoo ay sinadya ko talagang hindi kumain dahil wala naman akong gana. She deeply sigh. "You're just making excuses, Gabriela," giit pa niya. "Anyway, umuwi na ba si Conor?" tanong niya, at isang iling lang tinugon ko sa kanya. "What? Until now?" sunod-sunod niya pang tanong. "Yes kaya dadaanan ko muna siya sa Bar Seven after ko rito baka kasi nandoon siya," tugon ko. Bar seven is Conor's own bar I was so very proud of him when he build it. Alam ko kasing pangarap niya talaga 'yon kaya sinupportahan ko siyang maitayo ang bar niya. "Ikaw ang bahala hindi muna kita masasamahan kasi may meeting pa ako," saad niya. "It's fine, Jai kaya ko naman, e," tugon ko naman. Pagkuwa'y lumabas na rin si Jai ng office at kaagad na rin akong nag-ayos ng gamit at saka tuluyang lumisan ng kompanya upang tumungo sa bar. Pagdating ko ay sarado pa ito dahil maaga pa ngunit nakita ko na ang kotse ng best friend ni Conor na si Dom na siyang Manager ng Bar Seven kaya pumasok na ako sa loob. "Gabriela?" tawag agad sa akin ni Din pagpasok at halata sa pagmumukha nito ang pagtataka nang makita niya ako. "Hi, Dom si Conor ba nandito?" tanong ko na agad sa kanya. "Umuwi na siya sa inyo kanina pa, but last night he's here actually the whole night," kwento pa niya. "Mukhang good mood nga siya kanina e kasi pangiti-ngiti siya habang nakatingin sa phone niya," dagdag pa ni Dom. "Really? Sige tutuloy na lang ako, Dom salamat," paalam ko na kay Dom at saka tuluyang lumabas ng bar. Kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam ko dahil umuwi na pala si Conor sa bahay at good mood pa raw ito baka naman makausap ko na siya nito ng maayos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD